In time for tonight's (July 29) premiere of Star Cinema's latest offering, A Very Special Love, at SM Megamall, lumabas na ang resulta ng review ng Cinema Evaluation Board (CEB) para sa naturang pelikula. Nakakuha ang pelikulang pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ng Grade "A" at binigyan din ito ng rating na General Patronage (GP).
Malaking bagay para sa isang pelikula ang makakuha ng "A" dahil nagpapahiwatig ito na maganda at dekalidad ang pagkakagawa nito. Ibig sabihin, nakaabot sa mapanuring panlasa ng mga miyembro ng CEB ang A Very Special Love.
Dahil sa pagbibigay ng grade na "A" sa A Very Special Love, nakasisigurado na ang Star Cinema na makakuha ng 100 percent amusement-tax exemption. Malaki ring bagay ang GP na rating nito dahil ibig sabihin ay mas marami ang puwedeng makapanood nito.
Magkasunod na pelikula na halos ng Star Cinema ang nakatanggap ng "A" mula sa CEB. Matatandaang ang Caregiver ni Sharon Cuneta ay binigyan din ng ganitong grado.
Bukas na, July 30, ang simula ng regular showing ng A Very Special Love sa mahigit 100 theaters nationwide.
A Very Special Love is a romantic comedy movie na unang tambalan nina John Lloyd at Sarah. John Lloyd plays the owner-boss of a publishing company while Sarah works as his personal assistant. In one instance, John Lloyd asks her to pretend she's his girlfriend in an event. Dito na magsisimula ang nakakakilig na pagmamahalan ng dalawang pangunahing bida.
Bukod kina John Lloyd at Sarah, kasama rin sa cast sina Joross Gamboa, Matet de Leon, Gio Alvarez, Marianna del Rio, Al Tantay, Irma Adlawan, at Miles Ocampo. A Very Special Love is directed by Cathy Garcia-Molina.
