PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos still on cloud nine over MMFF Best Actress award

Judy Ann on her craft: "Hindi sapat na hanggang dito lang ako."
by Rommel Gonzales
Published Jan 24, 2025
Judy Ann Santos on Espantaho
Judy Ann Santos: "Parang pag bumabalik ako doon sa moment na yun, kahit yung time na nakasakay na ako ng sasakyan pauwi, yung, ‘Totoo ba ito? Totoo ba talaga ito?’ Tapos kalung-kalong ko yung award, yung trophy, na parang tinititigan ko, na parang, ‘Ay, oo, ang bigat nga! Akin ba talaga ito?’"
PHOTO/S: @officialjudayph Instagram

Lubos pa rin ang kaligayahan ni Judy Ann Santos sa pagkapanalo niya bilang Best Actress sa 50th Metro Manila Film Festival para sa horror-drama film na Espantaho.

"Alam mo, sa totoo, kahit sabihin nilang charot-charot, hindi pa talaga," bulalas ni Judy Ann.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa thanksgiving lunch para sa buong team ng Espantaho sa Chef Jessie Rockwell Club, sa Makati City, noong January 15, 2025.

Read: Judy Ann on 50th MMFF Best Actress win: "Para akong hihimatayin."

Patuloy ng aktres: "Parang umaalingawngaw pa sa akin yung pagtawag sa pangalan ko, yun ang blurred nung mga pangyayari.

"Parang pag bumabalik ako doon sa moment na yun, kahit yung time na nakasakay na ako ng sasakyan pauwi, yung, ‘Totoo ba ito? Totoo ba talaga ito?’

"Tapos kalung-kalong ko yung award, yung trophy, na parang tinititigan ko, na parang, ‘Ay, oo, ang bigat nga! Akin ba talaga ito?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nandun, e, yung hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa sampung pelikula — though we had a lot of nominations — nakapag-uwi pa kami ng isa."

Inisa-isa rin ni Judy Ann ang creators ng pelikula, kabilang ang direktor na si Chito Roño, writer na si Chris Martinez, at producer na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films.

Co-producer din ang Cineko Productions at Bunny Productions na film company ni Judy Ann.

Nasa cast din ng Espantaho sina Lorna Tolentino, Eugene Domingo, Janice de Belen, Kian Co, Mon Confiado, Donna Cariaga, JC Santos, Nico Antonio, Tommy Abuel, at Chanda Romero.

Pagpapatuloy ni Judy Ann, "And palagi kong sinasabing 'kami' kasi hindi naman mabubuo yung Espantaho kundi sa kabuuan ng produksiyon, ng staff, ng crew, ng lahat ng cast.

"Ito yung mga bagay na alam kong hindi ko ito maiuuwi kung hindi dahil, of course, kay Direk Chito, sa materyal ni Direk Chris, sa tiwala ni Atty. Joji, at sa powerhouse cast ng Espantaho kasi nagabayan talaga kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko pa rin talaga alam kung anong sasabihin ko, e, kasi parang hindi siya totoo.

“Yung, 'Nangyari ba talaga ito? Seryoso ba ito?' Sabihin na nilang ang arte-arte ko!” natatawang lahad ni Judy Ann.

Nagpasalamat din si Judy Ann sa mga hurado ng 50th MMFF na pumili sa kanya.

"Sobrang laki ng gratefulness ko," aniya.

Judy Ann Santos during acceptance speech of her Best Actress Award at 50th MMFF
Judy Ann Santos's acceptance speech at 50th MMFF
Photo/s: @officialjudayph Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Softdrink Beauties, nanindigang hindi close si Pepsi sa nanay

JUDY ANN SANTOS ON IMPROVING HER CRAFT

May 38 taon na si Judy Ann sa show business, pero ayaw raw niyang makampante.

"Pero hindi ko rin talaga alam kung sapat pa rin ba yung trabaho ko, kasi hindi nga ako magandang gauge ng sarili kong mga proyekto," saad niya.

But then again, nandun ako sa okay lang naman din na hindi ako naliligayahan sa trabaho ko.

"Kasi ibig sabihin, binibigyan ko pa rin ng malaking espasyo yung skills ko sa pagiging artista, na mayroon pa akong room for improvement and ina-address ko yun.

"Alam ko sa sarili ko na hindi sapat na hanggang dito lang ako, so I'm still willing to learn.

"I'm still excited to work with new directors and new writers, of course, veteran actors, directors, and writers.

"Kasama naman sa pangkalahatan yun."

Read: Judy Ann Santos reacts to potential Best Actress win at MMFF 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STILL OVERJOYED

Sa ngayon ay ine-enjoy pa rin daw ni Judy Ann ang kanyang Best Actress award.

Pero again, kung tatanungin mo kung kailan ko ito mada-digest? Hindi ko alam.

“Parang gusto ko munang panghawakan itong trophy na ito in the next ten years bago ako ulit sumali sa isang festival,” natatawang bulalas muli ni Juday.

Milestone ang pagwawagi ni Judy Ann dahil 50th anniversary ng MMFF kaya binansagan siyang "Golden Best Actress."

Kaya nga. Siguro kaya hindi ko siya ma-digest, kasi parang history na, history pa,” pakli ni Juday.

"Talagang ang dami kasi talagang... Napakaraming magagaling. Hindi naman kayo makakapasok sa 50th MMFF kung hindi mahuhusay lahat ng pelikula, hindi ba?

"So, to be singled out with the other actors or participants... iba.

"Kaya lutang ako nung sinabi ni Atty., 'Halika na, umuwi na tayo.' Tayo naman ako, umuwi na. Hindi na ako naghintay ng kung ano pa man kasi talagang lutang na lutang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko alam kung saan ako pupunta, 'Anong mangyayari? Anong gagawin?'"

Hanggang sa makauwi ay hindi pa rin daw makapaniwala si Judy Ann.

“Pagdating nga natin sa bahay, parang tulala pa rin ako, na parang nagising ako, humarap ako… hinanap ko kaagad yung award ko kasi baka nga nananaginip lang ako!” at muling tumawa ang aktres.

"'Saan ko ba siya nilagay? Nasaan ba ito?' Pati yung envelope, hinanap ko pa, kasi feeling ko hindi talaga siya totoo.

"Pero, thank you Lord, totoo," bulalas pa ni Judy Ann.

Pagpapasalamat pa rin niya, "Ang sarap, ang saya ng pagtatapos ng 2024, tapos napakasarap ng opening ng 2025 ko.

"So, thank you Lord. Thank you universe.

"Nandito lang ako para mag-abang sa kung ano pang ibibigay sa akin ng Panginoon for this year."

Read: Is this Precious Larra Su's countermove to Philip Laude's suit?

JUDY ANN SANTOS NEXT PROJECT

Sa huli, tinanong si Judy Ann kung hamon ba para kay Judy Ann ang malampasan ang Espantaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala naman ako sa ganun," sagot ng aktres.

"Siguro sa pagtanggap lang ng projects, nandun lang ako lagi sa dapat mas iba lang sa mga past two projects na ginawa ko.

"Para may ibang makita, may iba rin akong tatrabahuhin, may ibang genre naman.

"Though matagal ko naman na siyang ginagawa, ayoko lang talaga na magkakapareho halos yung mga proyektong ginagawa ko, from teleserye to movies.

Gusto ko lang may variation, kasi hindi naman na din ako madalas gumawa ng mga acting projects lately.

“So, parang it just makes sense na kung gagawa ako ng acting project, kailangan yung susunod medyo ibang iba, yung baling-bali.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos: "Parang pag bumabalik ako doon sa moment na yun, kahit yung time na nakasakay na ako ng sasakyan pauwi, yung, ‘Totoo ba ito? Totoo ba talaga ito?’ Tapos kalung-kalong ko yung award, yung trophy, na parang tinititigan ko, na parang, ‘Ay, oo, ang bigat nga! Akin ba talaga ito?’"
PHOTO/S: @officialjudayph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results