PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daisy Romualdez recalls last conversation with Gloria Romero

Daisy Romualdez: "Ako ang pinaka-close kay Gloria Romero."
by Melba R. Llanera
Published Jan 29, 2025
gloria romero daisy romualdez
Daisy Romualdez on Gloria Romero: "Ibang klaseng kaibigan yan, walang kaaway yan, sobrang bait. I lost a best friend, a sister, everything I lost. Talagang wala na akong makuha na kaibigan na kagaya niya." Left photo: Gloria and Daisy with Luis Gonzales and Dolphy during their Sampaguita Pictures days. Right photo: Daisy's last visit to Gloria on the 91st birthday of the Queen of Philippine Cinema on December 16, 2025.
PHOTO/S: Sampaguita Pictures / Daisy Romualdez Facebook

Nagbigay-pugay si Daisy Romualdez sa namayapang Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.

Read: Legendary actress Gloria Romero dies at 91

Nagkasama sila bilang contract stars ng dating namamayagpag na film company na Sampaguita Pictures.

Ayon kay Daisy, siya ang pinakamalapit na kaibigan ni Gloria sa loob ng ilang dekada.

Kaya lubos daw siyang nagdadalamhati sa pagpanaw ng namayapang aktres.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daisy sa ikalawang gabi ng burol ni Gloria sa Arlington Memorial Chapel, Linggo, January 27, 2025.

LAST TIME DAISY ROMUALDEZ SAW GLORIA ROMERO

Dito ay binalikan din ni Daisy ang huling pagkikita nila nang bisitahin niya si Gloria sa bahay nito..

Nangyari iyon sa ika-91 kaarawan ni Gloria noong December 16, 2024.

"Nung December 16 birthday niya, nagpunta ako, pumasok ako, sabi niya, 'Sino ka?'

"Sabi ko, 'Ateng, di mo ako kilala.' Sabi niya, 'Ay, si Daisy.'"

Nakapagkuwentuhan pa raw sila noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nandun ang mga nurse niya. Sabi niya, 'Alam mo si Daisy malandi yan.' Sabi ko, 'Bakit?' Ang sabi niya, 'May mga burlo-burloloy yan, di kagaya ko wala.'

"Sabi ko, 'Magkaiba tayo, ako ang kontrabida, ikaw ang bida.' Tawa nang tawa.

"That was the last time I saw her."

Na-post pa ni Daisy ang ilang litrato nila ni Gloria na kuha noong araw na iyon.

Makikitang nakangiti pa si Gloria sa mga litrato.

Read: Anjo Yllana, inalala si Gloria Romero bilang "Inay Minerva"

gloria romero daisy romualdez
Daisy Romualdez (with bucket hat) visited Gloria Romero on her 91st birthday last December 16, 2025.
Photo/s: Diasy Romualdez Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GLORIA ROMERO LAST FEW DAYS

Hanggang sa biglang hindi raw naging maganda ang health condition ni Gloria ilang araw bago ito pumanaw.

Kuwento pa rin ni Daisy: "Tapos three days ago, sabi ni Maritess sa akin, 'Tita, parang masama ang lagay ni Mommy.'

"'Maritess, magdasal na lang tayo para sa kanya.'

"Nagpunta ako ng Baclaran, nagpunta ako sa Nazareno. Dasal ako nang dasal.

"Hangga't isang araw, nung Sabado [January 25], nasa Manila Hotel ako dahil may show ako sa Valentine's.

"Biglang tumawag sa akin si Maritess, 'Mom is gone.'

"Talagang iyak ako nang iyak. Isang gabi akong iyak nang iyak."

Ang "Maritess" na tinutukoy ni Daisy ay ang nag-iisang anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez.

Ayon pa kay Daisy, hindi matatawaran ang kabaitan ng namayapang aktres.

Lahad niya: "Ibang klaseng kaibigan yan, walang kaaway yan, sobrang bait.

"I lost a best friend, a sister, everything I lost. Talagang wala na akong makuha na kaibigan na kagaya niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya sabi ko, 'Wherever you are, Glo, nandiyan ako lagi sa iyo, nagdarasal. Ipagdasal mo rin kami diyan.'

"Siguro nandun na siya sa itaas, kinuha na siya ni Mama Mary.

"Lagi namang role niya Mama Mary siya. Ganun siya kabait. Walang masamang tinapay sa babaeng yan kaya ang hirap tanggapin.

"I love you so much Glo and I will miss you. Glo, I will really miss you.

"Kaya ayokong magsalita, hahagulgol lang ako ng iyak diyan."

Read: Vilma Santos pays tribute to late veteran actress Gloria Romero

DAISY ROMUALDEZ HAPPY TIMES WITH GLORIA ROMERO

Sinariwa rin ni Daisy ang mga masasayang alaala nila ni Gloria.

"Mayroon akong sasabihin sa inyo, wala lahat sila, ako ang pinaka-close kay Gloria Romero.

"Sa pagpasok ko sa Sampaguita, nakilala ko siya, naging close na kaming dalawa.

"Sama ako nang sama sa kanya—natutulog ako sa bahay, mas marami pa akong pagtira sa bahay niya kesa sa bahay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahal na mahal ko si Gloria. Ayoko ngang magsalita, iyak ako nang iyak. Napakabait na babae niyan, walang kaaway yan."

Ayon kay Daisy, naging takbuhan nila ang isa't isa sa bawat pinagdadaanan nila sa anumang aspeto ng kanilang buhay.

"Alam mo nung nag-asawa ako, lahat ng problema ko, lahat naman tayo dumadaan sa problema, siya ang tinatakbuhan ko lang.

"Alam niya ang lahat sa buhay ko at alam ko rin ang buhay niya, kung paano sila nag-ibigan ni Juancho, kung sino ang lumigaw sa kanya, ako lang lahat yun."

Ang tinukoy ni Daisy na "Juancho" ay si Juancho Gutierrez, asawa ni Gloria na namayapa noong October 2, 2005.

Patuloy ni Daisy patungkol pa rin kay Gloria: "Yang mga sinasabi ng iba... Hindi ako nagmamalaki, ha? Tanungin ninyo ang Sampaguita Pictures, mga tao diyan, kami talaga ang close.

"Ako talaga ang nakadikit sa kanya. Isa nga ako sa maid of honor dun sa wedding niya nung kinasal siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Megastar Sharon Cuneta mourns death of movie queen Gloria Romero

gloria luis dolphy daisy
Gloria Romero (left) and Daisy Romualdez (right) with Luis Gonzales (beside Gloria) and Dolphy (beside Daisy) during their Sampaguita Pictures' days.
Photo/s: Sampaguita Pictures

GLORIA ROMERO OFTEN CALLS DAISY ROMUALDEZ

Sa kabila ng may kani-kaniya silang buhay, hindi naputol ang komunikasyon nina Gloria at Daisy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo yan, nung mga 87 years old siya, 86, ako kung minsan gala ako nang gala dahil layas talaga ako nung araw pa.

"Minsan nandun ako sa casino. Hindi ako sinungaling. Alam mo naman ako, prangka. Pero di ako yung nagbe-bet.

"Pag walang magawa, tatawag sa telepono yan, makikita ko, Gloria Romero. Ateng ang tawag ko sa kanya, 'Ateng, mamaya na lang.' 'Bakit nasan ka ba?'"

Magpapaalam daw muna si Daisy kay Gloria sa telepono.

"Then afterwards, pag tapos na, tatawagan ko na siya, sasagot siya, 'Ikaw naman, Ateng, iniistorbo mo ako, natalo tuloy ako.'

"Tatawa na yan. Sabi niya, 'Ano ba ang ginagawa mo? Di ko na alam kung nasaan ka.'

"Usisa sa akin yan nang usisa kapag di kami nagkikita, kaya masamang-masama ang loob ko."

Read: Lorna Tolentino, inalala ang huling pagbisita kay Gloria Romero

TRIBUTE FOR GLORIA ROMERO IN 2024

Samantala, Pebrero 2024 nang bigyan ng tribute si Gloria sa Manila Hotel ng mga kasamahan nito sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang utak sa likod nito ay si Daisy na naging punong-abala para maging matagumpay ang event.

"Tama ka sa sinabi mo na ako ang dapat magbigay ng tribute. Kasi kung iba ang kukuha sa kanya, di siya papayag.

"Sabi niya sa akin, 'Ikaw lang, Day. Pag ikaw papayag ako.' Kaya gumawa ako," ani Daisy.

daisy romualdez gloria romero tribute
Daisy Romualdez and Gloria Romero at the tribute for the Queen of Philippine Cinema in February 2024.
Photo/s: Daisy Romualdez Faebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya si Daisy na bago nawala si Gloria ay naipagdiwang na ang kontribusyon nito sa industriya.

"One month lang yun," saad pa ni Daisy kung gaano katagal pinaghandaan ang okasyon.

"Pinag-pray ko, lahat naman sila, sila Mr. M [Johnny Manahan], Boy Abunda, nakipag-cooperate sila, lahat ng mga artista.

"Walang bayad ang mga yun, kayang tuwang-tuwa rin ako."

Read: Gloria Romero, binigyan ng tribute ng mga kasamahan niya sa industriya

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daisy Romualdez on Gloria Romero: "Ibang klaseng kaibigan yan, walang kaaway yan, sobrang bait. I lost a best friend, a sister, everything I lost. Talagang wala na akong makuha na kaibigan na kagaya niya." Left photo: Gloria and Daisy with Luis Gonzales and Dolphy during their Sampaguita Pictures days. Right photo: Daisy's last visit to Gloria on the 91st birthday of the Queen of Philippine Cinema on December 16, 2025.
PHOTO/S: Sampaguita Pictures / Daisy Romualdez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results