Nagdadalamhati ngayon ang socialite-vlogger na si Small Laude dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Andres Eduardo.
Namayapa si Andres Eduardo ngayong Biyernes, January 31, 2025.
Siya ay 90 years old.
Read: Small Laude reveals the star of her family's Noche Buena
Sa pamamagitan ng magkakasunod na posts sa Instagram Stories ngayong araw, ibinahagi ni Small ang malungkot na balita.
Sa unang litrato ay makikitang nakayakap si Small sa amang nakaratay sa hospital bed.
Nasa kanyang tabi ang kapatid at businesswoman na si Alice Eduardo.
"Oh my God. I can’t believe you’re gone. I’m so heartbroken.
"Rest well, Daddeh," mababasang caption sa Instagram Story ni Small.

SMALL LAUDE HEARTBROKEN OVER FATHER'S DEATH
Sa hiwalay na post, ibinahagi ni Small ang kuhang video ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito.
Mapapanood dito ang kulitan nilang mag-ama.
Read: Meet married business moguls Small and Philip Laude
Bakas sa kilalang vlogger ang pangungulila dahil sa caption nito na, "I miss you so much [broken heart emoji].
"Heaven gained an angel, rest easy, daddeh."

Kasunod ng video ang obituary art card kung saan nakalagay ang mga detalye sa burol at libing ng ama ni Small.

Kilala ng mga tagasuporta ni Small ang kanyang ama dahil sa ilang beses nitong paglabas sa YouTube vlog ng socialite, kung kaya't ganoon na lang din ang kanilang pagkabigla at pagkalungkot sa pagpanaw nito.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na detalye ang pamilya ni Small kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Andres.
