Pangarap ni Radson Flores, 21 bumida sa isang mystery o detective type of story kung mabibigyan ng pagkakataon.
Read: Radson Flores gets big break in Voltes V
Gusto raw niya iyong mala-Batman o kaya ay Sherlock Holmes ang kanyang role.
“World's greatest detective, iyon yung moniker niya, naka-costume nga lang siya pero ganung type," tukoy ni Radson kay Batman.
Gusto rin daw niya ng offbeat role gaya ng isang assassin sa pelikula.
"Sinabi ko rin before si Sir Dennis Trillo may ginawa siyang movie, yung The Janitor, yun gusto ko talaga.
"Hindi ako sure [kung kaya ko] pero I'll do my best If ever I'm given the role.”
Ang The Janitor ay ang 2014 Cinemalaya film ng direktor na si Mike Tuviera kunsaan bida si Dennis.
Sa kuwento, gumanap si Dennis na straightlaced police officer pero isa rin palang hired assassain ng mga sinasabing miyembro ng sindikatong sangkot sa isang bank heist.
May twist sa storya na tila napagbintangan lamang ang mga tinurong kriminal.
Kasama sa pelikulang iyon sina Derek Ramsay, LJ Reyes, Dante Rivero, Jerald Napoles, Raymond Bagatsing, at Richard Gomez.
Read: Explainer: What fuels cancel culture in South Korea?
RADSON FLORES IN PRINSESA CITY JAIL
Sa ngayon, gumaganap si Radson bilang si Justin Lozano sa Prinsesa Ng City Jail.
“Frenemy ni Xavier,” paglalarawan ni Radson sa kanyang role.
Ang tinukoy ni Radson na "Xavier" ay ang papel na ginagampanan ni Allen Ansay, na leading man naman ni Sofia Pablo.
Si Sofia ang gumaganap bilang Princess.

Bago ang partisipasyon ni Radson sa serye, nakilala si Radson bilang si Mark Gordon sa Voltes V: Legacy, ang 2023 live action series ng GMA.
Mula sa pagiging hero sa Voltes V, medyo salbahe ang role ni Radson sa Prinsesa Ng City Jail.
Pero hindi raw masyado nanibago si Radson.
"Kahit nauna yung Voltes V, parang feeling ko mas kailangan ko pa rin mag-adjust sa Voltes V compared sa Prinsesa.
“Medyo weird siya pakinggan kasi yung mga guestings ko in between, before Voltes V and Prinsesa ng City Jail, more on drama talaga.
"So, when I started playing as Justin, there wasn't that much of an adjustment compared to nung ginawa ko kay Mark Gordon."
Paano naiba yung sa Voltes V?
Sagot ni Radson, "Kasi kay Mark Gordon, ibang-iba talaga. Superhero kasi talaga, so madaming unrealistic stuff na kailangan mong i-convey sa character.
"Like, mga circumstances na impossible talaga compared dito kay Justin na relatable, very human."
Na-enjoy ni Radson ang kanyang papel noon sa Voltes V kahit mahirap.
"Number one, challenging siya, and number two is I get to ride the horse, masaya yung part na yun," napangiting saad ni Radson.
Sabay dagdag niya, "Although, doing a villain din as Justin masaya din talaga, it's something new din naman."
Walang kaso kay Radson na matapos maging bida ay kontrabida siya ngayon.
"Kasi yung kay Mark Gordon medyo anti-hero din siya. Kumbaga, mabait lang siya kasi nasa side siya ng humanity, pero masamang tao siya sa mga taong nakapaligid sa kanila.
"Kumbaga, ginagawa niya yan talaga para mailigtas ang sarili niya. Pero in the end naman naging mabait siya.
"So, compared dito kay Justin na, yun nga, medyo weird, e. Weird yung moral chart ni Justin, so mahirap din kasi baka ma-spoil ko."
Nitong mga nagdaang araw ay hindi nakikita si Radson sa serye dahil nakulong ang karakter ni Allen.

Ang Prinsesa Ng City Jail ay napapanood sa GMA Afternoon Prime, weekdays, 3P.M.
Ang direktor ay si Jerry Lopez-Sineneng. Tampok din sa show sina Dominic Ochoa bilang Raymond, Denise Laurel bilang Divina, at Beauty Gonzalez bilang Sharlene.
Nasa serye rin sina Ayen Munji-Laurel bilang Leilani, Jean Saburit bilang Sonya, Keempee de Leon bilang Dado, Ina Feleo bilang Jenny.
Kasama rin sina Will Ashley bilang Onse, Pauline Mendoza bilang Mimi, at Lauren King bilang Libby.
Read: KC Concepcion flexes photos with Aly Borromeo at a wedding
RADSON FLORES FRIENDSHIP WITH VOLTES V
Ang iba pang bida ng Voltes V na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Orteha, Matt Lozano at Raphael Landicho ay may iba-iba ring pinagkakaabalahan.
Si Miguel ay bahagi ng ongoing primetime series na Batang Riles.
"Sobrang proud ako sa brother ko, si Miguel. Napanood ko yung pilot episode nila. Sobrang ganda," saad ni Radson.
Nagkikita pa ba silang lima?
Sagot ni Radson, "Yeah, almost all that time talaga, until now.
"Parang two days ago lang magkausap kami nila Miguel sa call. Mahilig kami kaming maglaro ng video games until now."
Iba raw ang pinagsamahan nila sa Voltes V: Legacy dahil kasagsagan pa ng COVID-19 pandemic nang mag-lock-in taping sila.
"Let's say yung pag kakain kayo, bawal sabay-sabay, kailangan solo-solo kayo sa mga rooms niyo.
"Hindi kayo makapag-bonding with friends... Kasi sa lock-in, five days kayo nag-work, two days lang yung rest day niyo.
"Yung isa pa sa rest day niyo is bawal kayo mag-hangout pa. So nakakabaliw siya, na alam mo yun, endless work siya, endless work talaga," balik-tanaw ni Radson.
Challenging pa raw ang swab test.
"Yeah, and I live in the South, so yung swab nun kailangan pupunta ka pa sa North, tatawid ka.
"Ang hirap ng kahit wala kang work nung day na yun, yung free day na yun magiging parang work day siya kasi kailangan mong pumunta sa office para magpa-swab," pagtatapos ni Radson.
