Umiwas magbigay ng impormasyon si Sharon Cuneta, 59, tungkol sa love life ng anak na si KC Concepcion, 39.
October 2024 nang iulat ng PEP.ph (Philippine Portal) ang napabalitang pagkikitang muli ni KC at ex-boyfriend na si Aly Borromeo.
Read: WHAT PEP KNOWS: Is KC Concepcion dating ex-BF Aly Borromeo?
Noong January 30, 2024, humarap sa intimate presscon si Sharon para sa launch ng InLife para sa Assure retirement plan sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City.
Nang tanungin tungkol sa hinihinalang pagbabalikan nina KC at Aly, ang tanging sagot ni Sharon, "I think we should ask KC. She's old na, e."
SHARON CUNETA RESPECTS KC CONCEPCION'S PRIVACY
Ayaw lang daw niyang panghimasukan ang personal life ng anak.
Sabi pa ng Megastar, "Weve talked. I don't want to betray her trust naman.
"She's a full-fledged adult. You can ask her. She'd be happy to tell you.
"But I don't think its my place to talk about her personal stuff."
Read: Sharon Cuneta reacts to Coco openly declaring feelings for Julia
KC CONCEPCION AND ALY BORROMEO'S REPORTED SIGHTINGS
Si Aly ay dating team captain ng Azkals, ang national football team na nagrirepresenta sa Pilipinas sa international tournaments.
As early as August 2, 2024, nagpahiwatig si KC na magkasama sila ni Aly sa Paris base sa Instagram Story ni KC. Kita roon ang cropped photo ni Aly.
October 7 nang ibahagi ni KC ang pagdalo niya sa Azkals Celebrity Cup kunsaan kabilang si Aly sa mga manlalaro.
Liban dito ay walang direktang pahayag si KC sa kanyang love life.

KC CONCEPCION AND ALY BORROMEO'S DATING HISTORY
Dalawang taong magkasintahan sina KC at Aly bago sila naghiwalay noong March 2018.
Ipinahiwatig noon ni KC na maayos ang hiwalayan nila ni Aly, at "timing" lamang ang naging isyu nila.
"If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then," bahagi pa ng pahayag noon ni KC.
Nagpokus si Aly sa career nito, at sinusuportahan daw ni KC iyon.
Read: KC Concepcion finally confirms breakup with Aly Borromeo
Noong magkasintahan sila, parehong may basbas ng kanilang pamilya ang kanilang relasyon.
Ang huling nakarelasyon ni KC ay si Mike Wuethrich, isang Filipino-Swiss na nagtratrabaho sa isang bangko sa Switzerland.
Read: Mike Wuethrich finally posts photos with KC Concepcion; tells KC, "Super proud of you."
