PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jellie Aw has sarcastic answers for bashers after her mauling

Jellie Aw to basher: "Amacana thats my tomboy hahaha."
by Arniel C. Serato
Published Feb 17, 2025
Jellie Aw answers bashers after being mauled
In happier times: Club disc jockey Jellie Aw answers bashers on Instagram after mauling incident between her and fiancé Jam Ignacio. Inset: DJ Jellie's battered face.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagpapagaling na ngayon sa kanyang mga natamong sugat si Jellie Aw matapos itong bugbugin umano ng kanyang fiancé na si Jam Ignacio.

Sa kabila nito, nagkaroon pa rin siya ng oras para sagutin ang ilang netizens na namba-bash sa kanya sa Instagram.

Sa isang lumang post niya noong February 7, 2024, nagbahagi si Jellie ng tatlong larawang kuha sa DJ booth ng club kung saan siya nagtatrabaho.

Sexy kung isasalarawan ang kanyang kasuotan.

Sabi niya sa caption, "Do whatever makes you happiest."

View this post on Instagram

A post shared by Jellie Aw (@realjellieaw)

Read: Who is DJ Jellie Aw?

JELLIE AW ANSWERS BASHERS AFTER MauLING INCIDENT

Sa comments section ng post na ito ni Jellie, may bashers na nagkomento tungkol sa kinasangkutan niyang mauling incident.

Pinalalabas ng mga netizen na tila ito ang balik kay Jellie ng mga pagpaparinig umano niya sa TV host-actress na si Karla Estrad bago maganap ang insidente.

Si Karla ang naging karelasyon ni Jam bago naging sila ni Jellie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng isang netizen (published as is): "Ano kaya masasabi nung Ate Girl na kada post niya sa socmed pinaparinggan niya si Karla Estrada, tapos ngayon yung pinaglalaban niya siya pala abugbog berna sa kanya.

"Karla Estrada be like: Isaksak mo yan sa baga mo, ‘te."

Pabalang na sagot ni Jellie: "amacana thats my tomboy hahaha"

Jellie Aw answers bashers
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Komento naman ng isa, akala raw ni Jellie ay naka-jackpot na siya kay Jam.

Binalikan din ng netizen ang parinig umano ni Jellie kay Karla noong nagpapalinis ng kuko ang DJ kunsaan isang "Ms. Carla" ang manikurista niya.

Ipinost iyon ni Jellie ilang oras bago maganap ang pambubugbog umano sa kanya ni Jam.

Patutsada ng netizen (published as is): "napala nya. Kala nya ata naka jackpot sya.

"The big question is, ano ang ginawa nya bakit ginawa sa kanya un nung lalaki.

“Ate carla pabilis daw"

Jellie Aw answers bashers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Jellie: "te panay ka sawsaw jan wala ka naman alam haha! e carla naman tlga name nung naglilinis

"kaya ikaw maglinis kana ng bahay panay ka celphone inday haha work work haha"

Jellie Aw answers bashers

Pang-aasar naman ng isa (published as is): "Pose before na bogbog!!dapat may post na before and after"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Jellie: "mommy kung ako sayo alagaan mo anak mo wag na makisawsaw haha"

Jellie Aw answers bashers

Komento ng isa: "ang bilis ng karma hahahaha"

Tugon ni Jellie: "gano kabilis?haha"

Jellie Aw answers bashers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jellie noong Biyernes, February 14, upang magsampa ng reklamo laban kay Jam.

Read: Jellie Aw files formal complaint against Jam Ignacio with the NBI

Ito ay kasunod ng umano'y pambubugbog sa kanya ni Jam noong February 12, 2025.

Read: Jellie Aw, fiancee of Jam Ignacio, calls out Karla Estrada

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In happier times: Club disc jockey Jellie Aw answers bashers on Instagram after mauling incident between her and fiancé Jam Ignacio. Inset: DJ Jellie's battered face.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results