PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DAY6 gives the "time of our life" in Forever Young concert

DAY6 amazed by "legendary energy" of Filipino My Day.
by Erwin Santiago
Published Feb 26, 2025
day6 forever young in manila
DAY6 members (from left) Sungjin, Young K, Wonpil, and Dowoon perform some of their biggest hits during the Forever Young In Manila concert at the Smart Araneta Coliseum on February 22, 2025.
PHOTO/S: JYP Entertainment & Live Nation PH

Inabot ng five years and three months bago nakabalik ang K-pop superband na DAY6 sa Pilipinas para sa isang concert.

Ginanap ang sold-out Forever Young concert ng DAY6 sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado ng gabi, February 22, 2025.

Bahagi ito ng 3rd World Tour ng DAY6 na nagsimula sa Incheon, South Korea, noong September 20, 2024.

Ang Manila ang huling destination ng Asian leg ng Forever Young concert tour, at pagkatapos ay sisimulan na ng DAY6 ang kanilang Australian at U.S. leg sa April 2025.

Ang Forever Young in Manila concert ay naging posible dahil sa Live Nation Philippines.

Read: How to get early access tickets to J-Hope’s Manila concert

day6 forever young in manila
The crowd who trooped to Smart Araneta Coliseum for the sold-out Forever Young In Manila concert of DAY6.
Photo/s: JYP Entertainment & Live Nation PH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAY6'S FIRST SET: FEEL-GOOD SONGS

Past 7 P.M. nang lumabas sa stage ang apat na miyembro ng DAY6 na sina Sungjin, Young K, Wonpil, at Dowoon.

Literal na dumagundong ang loob ng Big Dome dahil sa nakabibinging hiyawan mula sa Filipino My Day (tawag sa fandom ng DAY) na nanood ng concert.

Sinimulan ng DAY6 ang kanilang concert sa pamamagitan ng "Best Part," mula sa kanilang fifth mini album na The Book of Us: Gravity na ini-release noong 2019.

Sinundan nila agad ito ng "Better Better," "Healer," at ang itinuturing na "national anthem" ng mga kabataan sa South Korea na "Time of Our of Life."

Read: Frontmen & Rock Chix concert highlights and sidelights

Pagkatapos nito ay isa-isang binati ng DAY6 members ang nasa Big Dome gamit ang ilang Tagalog phrases, dahilan para maghiyawan muli ang mga tao.

"Kumusta po kayo? Ako po si Wonpil."

"Magandang gabi! Ako po si Dowoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mabuhay, Philippines! Ako po si Sungjin."

"Kumusta kayong lahat? Ako po si Young K."

@erwinsantiago305 #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

Si Dowoon ang nagpaalala, as translated by an interpreter, na limang taon at tatlong buwan na nga ang nakalilipas mula nang huli silang mag-concert sa Pilipinas.

Ang huli ay noong November 23, 2019, sa Araneta Coliseum din, para sa second world tour ng banda na Gravity.

Unang nag-perform ang DAY6 sa Pilipinas noong October 6, 2018, sa KIA Theatre, para sa kanilang first world tour na Youth.

day6 forever young in manila concert
DAY6 members Young K, Sungjin, Dowoon, and Wonpil
Photo/s: JYP Entertainment & Live Nation PH
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Wonpil, sa tulong ng interpreter: "So after the Gravity concert, it's been a long time since we actually visited you guys here."

Singit ni Sungjin sa wikang Ingles, "Long time no see."

Bumilib si Dowoon na sa soundcheck pa lang bago ang concert ay "no joke" ang passion at energy na ipinakita ng fans, at lalo raw itong naging mainit sa mismong concert.

Bakas naman sa boses ni Young K ang pagkamangha nang sinabi niya, in English, "Tonight, the energy level in this place is legendary. Bravo."

Read: Gary V, itinuloy ang concert kahit kalalabas lang ng hospital

@erwinsantiago305 #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

DAY6'S SECOND SET: HAPPY SONGS

Para sa kanilang second set, sunud-sunod na kinanta ng DAY6 ang B-side tracks nilang "She Smiled," "How To Love," "Pouring," at "Say Wow."

Bawat kanta ng DAY6 ay sinasabayan ng Filipino My Day, at hindi rin nababawasan ang energy level ng audience kaya kitang ganado ang DAY6 members sa pagpe-perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Young K pagkatapos ng second set, "Wooooh! Man! It's actually a lot more than we expected.

"Can you guys keep it up?" tanong pa niya sa audience, na sumagot naman siyempre ng masigabong "Yes!"

Ayon naman kay Wonpil, dahil sa malakas na hiyawan ng mga nanonood ay naging emotional siya simula pa lang ng concert.

Nang tanungin naman ni Wonpil si Sungjin kung ano ang nararamdaman nito, cool lang na sumagot ang DAY6 leader.

"It's good. What do I expect more," kampanteng sabi ni Sungjin, sabay taas ng kanyang dalawang balikat.

"So hot," dagdag pa niya, kasunod ang pagtango at pag-thumbs up.

Read: The Dawn Almost 40 concert: major throwback na, may revelations pa

@erwinsantiago305 Kung yung mga kabanda niya ay sobrang amazed sa sobrang taas ng energy ng level ng audience, si Sungjin ay cool na cool lang dahil, “it’s good! What do I expect more?” #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

DAY6'S THIRD SET: THE BREAKUP SONGS

Sa kanilang third set, pinagkumpol ng DAY6 ang apat na emotional at sad songs nila tungkol sa heartbreak.

Una na rito ang "You Were Beautiful," ang una nilang hit song at marahil ay pinakasikat na kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "You Were Beautiful," na ini-release noong February 6, 2017, ay bahagi ng year-long project na EveryDAY6, kung saan bawat buwan ay may bagong kantang inire-release ang DAY6.

Interestingly, inabot ng tatlong taon bago napansin ng general public sa South Korea ang kanta.

Mula nang umakyat ang "You Were Beautiful" sa music charts noong 2020 ay hindi na ito nawala sa Top 100 songs hanggang sa kasalukuyan.

day6 forever young in manila
Photo/s: JYP Entertainment & Live Nation PH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod na kinanta ng DAY6 ang "I Loved You," na ini-release noong September 5, 2017, bilang bahagi rin ng EveryDAY6 project ng banda.

Sinundan agad nila ito ng "Letting Go," na title track ng second mini-album ng DAY6 na Daydream, na ini-releae naman noong March 30, 2016.

Tinapos nila ang fourth set sa pamamagitan ng kanilang debut song na "Congratulations," na ini-release bilang title track ng kanilang first EP na The Day.

Read: Cup of Joe’s Silakbo concert tells band's story through music

Pagkatapos nto ay inulit ng DAY6 members ang kanilang pagkamangha sa ibang klaseng energy level ng sigawan, pati na sa kantahan, ng audience.

"You guys are really crazy!" sabi ni Wonpil in Korean.

Dagdag pa niya, "I guess you guys are using up all your energy."

Sabi naman ni Young K, "You guys still want more? But seriously, you guys know how to sing."

@erwinsantiago305 #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

Lalong bumilib ang mga miyembro ng DAY6 sa sing-along portion ng concert kung saan sinabayan sila ng audience sa pagkanta ng ilang linya ng iba pa nilang original songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
@erwinsantiago305 Magpapatalo ba naman ang mga Pinoy sa kantahan? Siyempre hindi, ‘no! #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

DAY6'S FOURTH SET: THE POWERFUL SONGS

Dumagundong muli ang loob ng Araneta Coliseum sa fifth set ng DAY nang sunud-sunod nilang i-perform ang kanilang eargasmic rock songs na "How Can I Say," "I Wait," "Love Me Or Leave Me," at "Shoot Me."

Pagkatapos nito ay pinagsampol ng audience ang DAY6 members ng pagtugtog ng kani-kanilang instrumento — si Young K sa bass guitar, si Sungjin sa guitar, si Wonpil sa keyboard at synthesizer, at si Dowoon sa drums.

Read: Cigarettes After Sex serenades fans in dreamy Manila show

@erwinsantiago305 DAY6 members give in to the requests or PH My Days to play their instruments… and they did not disappoint. #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

DAY6'S FIFTH SET: THE MEANINGFUL SONGS

Para sa kanilang fifth set, pinerform ng DAY6 ang ilan sa kanilang mga kanta na naglalaman ng makahulugang mensahe.

Una nilang kinanta ang "Monster," isa sa mga B-track mula sa kanilang ninth mini album na Band Aid, na ini-release noong September 2, 2024.

Ang kanta ay base sa personal experience ni Young K noong hindi pa siya makapagsalita ng English matapos magdesisyon ang kanilang pamilya na manirahan sa Canada, at ang kaakibat na pangungulila nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod namang kinanta ng DAY6 ang "Zombie," title track ng kanilang sixth mini album na The Book of Us: Demon na ini-release noong May 11, 2020.

Naging timely ang paglabas ng "Zombie" noong kasasagsagan ng pandemya dahil ang kanta ay tungkol sa struggle ng tao na pare-pareho ang ginagawa araw-araw at naghahanap ng kasagutan kung ano nga ba ang totoong kahulugan ng buhay.

Bahagi ng lyrics ng kanta: "Yeah, this is my life / Always dreamin' for a dream to come true / This meaningless life / Wanting something I can't see / And something I can't reach / Or something that could not exist"

Dahil sa pandemic ay hindi nagkaroon ng pagkakataon ang DAY6 na i-promote at i-perform ang "Zombie" sa music shows at sa radio shows.

Read: Juan Karlos overwhelmed by massive turnout at debut solo concert

day6 sungjin
Sungjin
Photo/s: JYP Entertainment & Live Nation PH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangatlong pinerform ng DAY para sa set na ito ang "Melt Down," ang title track ng kanilang ninth mini album na Band Aid.

Sa music review ni Anwaya Mane na nailathala sa kpopworld.com, inilarawan niya ang "Melt Down" bilang: "the initial sense of peace and comfort one experiences after a storm has passed. It embodies the soothing calm that envelops someone once the ordeal is behind them. Imagine a heartfelt crying session alone or a long phone call venting to a loved one."

Tinapos ng DAY6 ang kanilang fifth set sa pamamagitan ng "Happy," na kabilang sa B-side ng kanilang pangwalong EP na Fourever na ini-release noong March 18, 2024.

Sa likod ng upbeat music ay ang malungkot na kahulugan ng kanta, kung saan nais ng isang taong maging masaya nang hindi nag-aalala sa nararamdaman ng iba.

Ang "Happy" ang kauna-unahang kanta ng DAY6 na naka-achieve ng All Kill sa music charts. Ibig sabihin, nag-No. 1 ito sa lahat music streaming platforms sa South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat hindi nakita sa screen, isang fan cam ang nakakuha ng video ni Wonpil na naging emotional habang tumutugtog sa huling bahagi ng "Happy."

Ang huling kinanta ng DAY6 para sa set na ito ay ang "Wish," na mula sa second mini album nilang Daydream na ini-release noong March 30, 2016.

Gaya ng "Happy," upbeat ang tempo ng music ng "Wish" pero ang mensahe nito ay tungkol sa unsatistfaction ng isang tao ilang beses man niyang subukang maging best version ng kanyang sarili.

day6 young k
Young K
Photo/s: JYP Entertainment & Live Nation PH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAY6'S NEW SONG: "WALANG UUWI"

Habang nagsasalita si Wonpil pagkatapos ng kanilang fifth set ay isinigaw ng mga nasa audience ang "Walang uuwi!"

Karaniwan na itong isinisigaw ng Filipino audience sa concerts, mapa-foreign o local man ang artist, na ang ibig sabihin ay ayaw pa nilang matapos ang concert.

Nang isigaw ito ng audience sa concert ng DAY6 noong Sabado ay pakanta itong inulit ni Young K, na agad sinundan nina Sungjin, Wonpil, at Dowoon. Sinamahan pa nila ito ng areglo gamit ang kani-kanilang musical instruments.

Nakisabay rin siyempre ang audience sa kanta na may pagka-soul at jazz ang tono.

Biro pa nga ni Wonpil sa huli, "DAY6's song, 'Walang Uuwi.'"

Read: Andrew E performs with Martin, Regine at first-ever major concert

@erwinsantiago305 Yung kantiyaw lang na ginawan ng kanta ng paborito mong K-pop band… #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

DAY6'S SIXTH SET: THE UPBEAT SONGS

Para sa kanilang ika-anim na set, pinataas muli ng DAY6 ang mood level ng audience sa pamamagitan ng kanilang upbeat feel-good songs: "Help Me Rock&Roll," "Shxtty Game," "Dance Dance," at "Freely,"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay um-exit muna ang DAY6 members para sa short break.

day6 wonpil
Wonpil
Photo/s: JYP Entertainment & Live Nation PH

BEN&BEN FINALLY MEETS DAY6'S YOUNG K

Habang naghihintay sa pagbabalik ng banda ay nag-karaoke session muna ang Filipino My Day tampok siyempre ang DAY6 songs.

As expected, nagpakitang-gilas ang MyDay sa pagkanta ng ilan sa paborito nilang awitin ng superband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang kumakanta ay ipinapakita ang audience sa screen, at nagulat ang marami nang i-focus sa kamera ang sikat na Filipino band na Ben&Ben.

May koneksiyon ang Ben&Ben sa miyembro ng DAY6 na si Young K dahil nag-collab sila sa hit song ng Filipino band na "Leaves" noong 2021.

Dahil panahon noon ng pandemya ay online lang ang communication ng Ben&Ben at ni Young K, na ini-record ang part niya sa kanta sa South Korea.

At pagkalipas ng halos apat na taon, sa wakas ay nagkita nang personal ang local band at si Young K sa backstage ng concert ng DAY6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Highlights of Ben&Ben's The Traveller Across Dimensions concert

day6 dowoon
Dowoon
Photo/s: JYP Entertainment & Live Nation PH

WONPIL'S ENDING MENT

Pagkatapos ng karaoke session ay bumalik sa stage ang DAY6 members, suot ang official merch nilang black hoodie, para sa kanilang last set.

Kaagad nilang binanatan ang "My Day," na personal love song ng DAY6 sa kanilang fans. Ini-release ito bilang B-side ng second digital single na EveryDAY6 February noong 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ipalabas ang fan project na inihanda ng Filipino My Day para sa DAY6, isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga miyembro ng banda para sa kanilang ending ment.

Saad ni Wonpil, as translated by an intrepreter: "You guys say you get energy from our music, but us to.

"You know what, performing on stage when I see you guys smile, singing along, and dance with us, those kinds of energy that you gave us really filled me and energized me a lot.

"You know, just like what Sungjin hyung said, we could just all live together just like what we are right now.

"Though how many hard times could actually come into our lives, I hope we together could break through it. I grow as an individual too."

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Wonpil ang kanyang emosyon at tuluyan nang napaiyak.

Hindi naman malaman kung seryoso o hindi ang kanyang mga miyembro na nilapitan siya para abutan ng pamahid ng luha at upang i-comfort siya. Si Dowoon ay nagtakip pa ng kanyang bibig na tila nang-aasar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang bahagyang kumalma ay nagpatuloy si Wonpil sa pagsasalita: "Thank you so much for beng with is all the time and we'll try to pay back to you with good music.

"So let's stay together, okay? Let's spend this 2025 together well, okay?

"So everything you showed us today wee beautiful and nice. Thank you so much.

"Salamat po!"

@erwinsantiago305 #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

DOWOON'S ENDING MENT

Kung emosyunal si Wonpil, pakuwela pa rin hanggang huli ang maknae na si Dowoon.

Aniya, as translated by an interpreter: "You know today is a very happy day for me. I actually say this every time, but you guys are the oxygen for us."

Hirit naman ni Dowoon sa interpreter, in English: "Yeah, oxygen. Yeah. Your [pronunciation] good."

Pagpapatuloy niya, in Korean: "You now, watching the video, I was able to realize that we are actually feeling each other, right?

"Of course, we'll keep on making music so you'll be by our side, okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"When you are exhausted and tired, make sure to lean on us so that we'll do the same to you, okay?

"Let's stay together for a lifetime."

Pagpapaalam ni Dowoon, "Salamat po. Thank you."

@erwinsantiago305 #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

SUNGJIN'S ENDING MENt

Mensahe naman ni Sungjin, sa tulong pa rin ng interpreter: "DAY6 really had a hard time for us to be here again.

"Thank you for staying well up until this moment and thank you so much for coming here to our concert again.

"You know, the next time we'll see each other will not take long like this. I'll make sure to make it that way.

"You guys have to know that the reason why DAY6 is trying to do best and grow better is because of you guys. You guys are the motivation.

"And also for us to make better music, you guys are also the motivation for us.

"Because you guys are always giving us energy like this, right? And of course, if you guys give us this energy, we will only get the better energy and relay it back to you guys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So let's keep on giving this positive energy to each other and stay up until forever, okay?

"Thank you so much for having fun with us tonight.

"Please stay healthy and happy up until the day we see each other again."

Pagpapaalam ni Sungjin, "Salamat po. I love you."

@erwinsantiago305 #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

YOUNG K'S ENDING MENT

Pagbati naman ni Young K, in English: "How was tonight everyboy? Did you you guys have fun? Will tonight be memorable to you guys?"

Para naman sa kanyang panghuling mensahe, ipinagtapat ni Young K na wala siya sa kanyang best condition noong gabing iyon.

Pero dahil sa energy na nakuha niya mula sa Filipino My Day ay nawala ang kanyang worries.

Lahad niya: "To be honest, I personally wasn't at my best condition tonight.

"So I was worried last night, 'Please don't make me sick for one more concert then I'll have a little bit time to rest. So please let me...'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This wasn't coming from, like, overworking or anything. It just came all of a sudden.

"I don't know how to say [stomachache] in English... stomachace, yeah. I guess I ate something wrong.

"So I was having a hard time.

"But today, when I came in to the soundcheck, that's when I knew, 'You know what, I'm gonna do just fine.'

"I know I can pull this off. I know I'll be able to sing and have fun with you guys.

"You know why? It's 'cause of you guys.

"The amount of energy that we got tonight... I think I said it earlier in the concert, it was legendary.

"Man, you guys were amazing. I was awed. I was shocked...

"I don't know how to say it in words but know that each and everyone of you are amazing. Please know that.

"So tonight guys, you made it happen, just letting you know."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil daw rito kaya nais ng DAY6 na bumalik sa Pilipinas para mag-concert muli.

"And, we wanna come back," sabi ni Young K.

"Tonight you guys made it happen. Next time we come back, we'll be there if you guys are there.

"Will you guys be there for us? Will you guys sing with us the next time? Will you guys have fun with us the next time? Make memories together?

"That would be wonderful and we'll be looking forward to it.

"And until the next time that we meet.

"Stay healthy, stay happy. Laugh a lot, eat a lot.

"Do the thing you guys wanna do and stay safe. Thank you."

@erwinsantiago305 #DAY6 #ForeverYoungInManila ? original sound - Erwin Santiago305

DAY6: THE ENCORE STAGE

Pagkatapos nito ay kinanta ng DAY6 ang "First Time," na opening track ng second mini album ng DAY6 na Daydream (March 2016).

At bilang finale song, kinanta ng DAY6 ang kanilang hit song na "Welcome To The Show," na title track ng kanilang Fourever album (March 2024).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi siyempre hinayaan ng audience na umalis ang DAY6 nang ganun-ganun na lang kaya humiling pa sila ng isang kanta.

At hindi naman sila binigo ng banda na nagpaunlak ng "one final song."

Kung sinimulan ng DAY6 ang concert sa pamamagitan ng "Best Part," tinapos nila ang concert sa pagkanta nitong muli.

Sa kabuaan ay mahigit 30 songs — na masusing pinagpilian sa daan-daang repertoire mula sa kanilang debut album noong 2015 hanggang sa latest album nila noong September 2024 — ang pinerform ng DAY6 sa mahigit two-hour concert.

Read: Stray Kids successfully stages dominATE concert tour in Bulacan

day6 foever young in manila
Photo/s: JYP Entertainment & Live Nation PH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAY6 THANKS THE PHILIPPINES MY DAY

Pagkatapos ng kanilang matagumpay na concert ay nag-post agad ng mensahe ang DAY6 sa kanilang official social media accounts upang pasalamatan ang Filipono My Day na nanood ng kanilang concert.

Kalakip ng kanilang group photo, ito ang mensahe ng DAY6:" Long time no see.
Our My Day in the Philippines greeted us with both arms open and big smiles!
Thanks to you, it was such an exciting day."

day6
DAY6 members: (from left) Wonpil, Young K, Dowoon, and Sungjin
Photo/s: DAY6 Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay ipinost din nila ang kanilang group photos kasama ang mga nanood sa kanilang concert.

Caption nila rito: "My Day, you are the ones we want to be with every day! Thanks for the precious memories, even in Manila."

day6 concert
Photo/s: DAY6 Facebook
day6 concert
Photo/s: DAY6 Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban dito, naglabas din ng video ang Live Nation Philippines na naglalaman ng pasasalamat ng mga miyembro ng DAY sa mga nanood ng Forever Young concert.

Sabi ni Sungjin, in Korean with English translation, "Thank you so much for coming tonight, My Day."

Ayon kay Dowoon, "As everyone's energy was amazing, we had so much fun performing for you. Did you spend a happy time with us?"

Pakantang mensahe ni Young K, "All of your voices singing our songs were so beautiful. Thanks to you, every moment was so exciting and happy."

Saad ni Wonpil, "Thank you so much for making tonight unforgettable memory. We can't wait to see you again. Salamat, Manila!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAY6: K-POP'S SUPERBAND

Ang DAY6 ay ang kauna-unahang pop-rock band mula sa JYP Entertainment, isa sa pinakamalaking entertainment agency sa South Korea.

Ang iba pang artists na hanggang ngayon ay nasa JYP Entertainment ay ang 2PM, TWICE, Stray Kids, ITZY, NMIXX, VCHA, at ang kaka-debut lang na Kick Flip. Pati na ang Japanese groups na NIZIu at NEXZ.

Mula rin sa JYP ang mga grupong Wonder Girls, Miss A, at GOT7; at ang solo performer na si Rain.

Nag-debut ang DAY6 noong September 7, 2015 sa pamamagitan ng kanilang first EP album na pinamagatang The Day.

Nagsimula ang DAY6 na mayroong anim na miyembro, hence the band name: sina Sungjin, Jae, Young K, Junhyeok, Wonpil, at Dowoon.

Ngunit umalis sa banda si Junhyeok noong February 2016 at si Jae noong December 2021, dahil sa undisclosed reasons.

Lahat ng miyembro ng DAY6 ay involved sa pagku-compose at pagsusulat ng lyrics ng kanilang mga kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit si Young K ang acknowledged genius pagdating sa pagsusulat ng halos lahat ng kanilang mga kanta.

Bukod sa kanilang group activities, mayroon ding sub-unit ang DAY6 na tinawag nilang Even of Day, na binubuo ito nina Young K, Wonpil, at Dowoon. Nakapag-releae na ng dalawang EPs.

Nagkaroon na rin ng solo albums ang tatlong vocalists ng DAY6. Una si Young K, pangalawa si Wonpil, at panghuli si Sungjin.

Bagamat nanggaling sila sa isang malaking entertainment company, hindi naging madali ang pag-akyat ng DAY6 sa tagumpay na tinatamasa nila ngayon.

May ilang awitin ang DAY6 na popular na sa kanilang fans at maging sa kapwa nila ng K-pop artists, ngunit natagalan bago na-acknowledge ng general public.

Interestingly, habang hindi aktibo ang DAY6 sa music scene dahil sa pandemic at mandatory military service, saka pumasok sa music charts ang kanilang kantang "You Were Beautiful," na ini-release noong pang February 2017.

Ilang buwan matapos nilang lahat ang kanilang military service noong 2023 ay nagbalik ang DAY6 sa music scene sa pamamagitan ng 8th EP na Fourever, ang una nilang group album bilang four-member band.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na nagsimulang umingay nang husto ang pangalan ng banda at sabay-sabay na umakyat sa music charts ang kanilang mga kanta.

Patunay ng kanilang kasikatan ay ang kanilang sold-out three-night Christmas Special Concert na pinamagatang The Present: You Are My Day, na ginanap sa Korea University Hwajeong Tiger Dome noong December 22-24, 2023.

Sold-out din first 360-degree three-night concert nilang DAY6 Welcome To The Show, na ginanap sa Jamsil Indoor Stadium sa Seoul noong April 12-14, 2024.

Makalipas lamang ang limang buwan ay sold-out na naman ang kick-off ng kanilang 3rd World Tour na Forever Young, na ginanap sa Inspire Arena sa Incheon, mula September 20-22, 2024.

At makalipas ang tatlong buwan, gumawa ng kasaysayan ang DAY6 nang sila ang maging kauna-unahang K-pop band na nag-concert sa Gocheok Sky Dome, isa sa pinakalamaking concert venue sa South Korea.

Nag-concert sa nasabing venue ang DAY6 para sa kanilang sold-out two night Christmas special concert na The Present, na ginanap noong December 20 at 21, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ngayong 2025 ay ipagpapatuloy nila ang kanyang Forever Young World Tour, na magdadala sa kanila sa Australia at sa iba't ibang states sa Amerika.

Read: Streetboys, naging emotional sa kanilang reunion dance concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DAY6 members (from left) Sungjin, Young K, Wonpil, and Dowoon perform some of their biggest hits during the Forever Young In Manila concert at the Smart Araneta Coliseum on February 22, 2025.
PHOTO/S: JYP Entertainment & Live Nation PH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results