PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Agassi claims being seen-zoned by The Hunks co-members

Carlos Agassi answers questions about his former group.
by Bernie V. Franco
Published Feb 24, 2025
The Hunks, Carlos Agassi
JUST SHOWBIZ FRIENDS? Carlos Agassi (right photo) recalls asking for help from former The Hunks co-members but he was just "seen." The Hunks is an all-male group in 2000s composed of Star Magic talents (left from, L-R) Diether Ocampo, Jericho Rosales, Bernard Palanca, Carlos, and Piolo Pascual.
PHOTO/S: ABS-CBN / Carlos Agassi on Facebook

Tahasang sinagot ni Carlos Agassi ang tanong kung nagkikita-kita pa sila ng mga dati niyang kagrupong The Hunks.

Ang The Hunks ay ang dating all-male group na kinabibilangan nina Carlos, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Bernard Palanca, at Piolo Pascual.

Nabuo ang grupo taong 2000s at regular silang nagpe-perform noon sa ASAP, ang ABS-CBN Sunday musical-variety show.

Bakas sa sagot ni Carlos na matapos mabuwag ang kanilang grupo ay nagkawatak-watak na rin sila.

“Kaya nga nabuwag kasi gusto ng kanya-kanyang career nung iba,” makahulugang simula ni Carlos sa TikTok video na ipinost niya nitong weekend.

Meron na ngayon itong 1.2 million views.

Sabi pa ng Filipino-Iranian at former ABS-CBN actor: “Kasi pag group, pantay-pantay kami sa lahat—sa exposure, sa TF [talent fee], sa career.

“So para makaangat yung iba, parang nabuwag, ganon na nga yung nangyari.

"E, di wala na, wala na talaga.”

Tila may hugot din si Carlos nang ikuwento niyang hindi siya kinumusta ng mga dating kagrupo nang mapilayan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtamo si Carlos ng knee injury noong 2022 dahil sa paglalaro ng basketball.

“Kahit nga nung napilayan ako, walang nag-check sa akin. Pero hindi masama yun, okay lang. Ganun talaga yung buhay, e,” sabi niya.

The Hunks
The Hunks members (front row) Diether Ocampo, Piolo Pascual, and Jericho Rosales; (second row) Bernard Palanca, and Carlos Agassi.
Photo/s: YES! Magazine
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Carlos Agassi suffers knee injury after basketball accident: "Please pray for me"

CARLOS ON BEING SEEN-ZONED BY THE HUNKS MEMBERS

Ibinahagi rin ni Carlos na noong mga panahong kinailangan siya ng ilang kasama sa The Hunks ay hindi raw siya nagdalawang-isip.

Pero noong siya na ang nangailangan ng tulong, wala raw siyang nakuhang suporta mula sa mga dating kagrupo.

Kuwento ni Carlos: “Naalala ko nga nasa States ako, may magko-concert [sa kanila], babayaran raw nila ako para mag-guest.

“Sabi ko, ‘Hindi, brother kita, kuya ko kayo lahat. Ako pinakabata, e. Tara, walang bayad, I’ll do it for you, my bro.’ So, ginawa ko.

“Ta’s, eto na, gumawa ako ng ‘Milk Tea,’ marami akong minessage para lumabas sa music video, seen…” pagbibigay-diin ni Carlos sa huling salita.

Ang "Milk Tea" ay ang adult at suggestive song ni Carlos na ini-release niya noong 2023.

Binanggit din ni Carlos na nang gawin niya ang kanta ay dumaan siya sa matinding depresyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais ipunto ni Carlos na walang sumagot sa mga dating kasamahan sa kanyang hiling.

Pero nang nagkita sila sa isang event ay nagbatian daw sila.

“Ta’s nagkita-kita kami nung birthday ni Mr. M,” pagtukoy niya sa Star Magic co-founder na si Johnny Manahan, ang kanilang nagsilbing mentor.

“Siyempre, showbiz, ‘Hi, guys!’ Binati pa nila akong lahat. Sila unang bumati.

“Sabi ko sa sarili [ko], ‘Ibang-iba talaga sa showbiz at real life.’ Ganun talaga ang buhay, guys.

“Pero hindi masama yun. Ganon talaga yun. That’s life, di ba?"

Pero malaman niyang dugtong, "Kumbaga, magkakakumpitensiya kami, ayaw nilang makabalik ako…"

Sinagot din ni Carlos ang tanong kung naiinggit ba siya na ang iba niyang kasamahan sa The Hunks ay aktibo pa rin sa showbiz.

Sabi niya, “I’m very, very happy for them. Sobrang natutuwa ako for them.

“Kanya-kanya tayo ng path. Let’s not compare ourselves to others.”

Sa kasalukuyan, nananatiling aktibo sa showbiz sina Piolo, Jericho, at Bernard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Diether naman ay hindi na gaanong aktibo sa showbiz.

Sa Star Magic Ball noong October 2023, nag-post ng photo sa Instagram si Jericho tungkol sa reunion niya kasama sina Diether at Piolo.

Sa caption ay binanggit ni Jericho ang tungkol sa kanilang dating grupo na The Hunks.

Caption ni Jericho: "To our 15 monthly listeners on Spotify. Big, big hugs from us three. Let me find the other two and get back to you. We WERE 'The Hunks'. Google mo"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Carlos, lumapit siya sa ilang TV networks para sana sa trabaho pero wala raw pumansin sa kanya.

Ganunpaman, nagpapasalamat si Carlos na naibabahagi niya sa netizens ang kanyang kaalaman sa fitness sa pamamagitan ng social media.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JUST SHOWBIZ FRIENDS? Carlos Agassi (right photo) recalls asking for help from former The Hunks co-members but he was just "seen." The Hunks is an all-male group in 2000s composed of Star Magic talents (left from, L-R) Diether Ocampo, Jericho Rosales, Bernard Palanca, Carlos, and Piolo Pascual.
PHOTO/S: ABS-CBN / Carlos Agassi on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results