Kasal na ang celebrity couple na sina Cedrick Juan at Kate Alejandrino.
Ngayong Miyerkules, February 26, 2025, ini-repost nina Cedrick at Kate sa kani-kanilang Instagram Stories ang mga kuhang litrato mula sa naganap nilang garden wedding.
Ang mga larawan ay kinunan ng kanilang kaanak at ilang malalapit na kaibigan.


Walang ibang detalye na inilagay ang dalawa.
Ngunit base sa posts ng kanilang mga kaibigan ay ginanap ang kasal nina Cedrick at Kate noong Martes, February 25.


Ang kasal nina Cedrick at Kate ay nangyari makaraan lamang ang halos dalawang linggo mula nang isapubliko nila ang kanilang engagement.
CEDRICK-KATE ENGAGEMENT
Pasado alas dos ng madaling-araw noong February 18, 2025 nang mag-post sa Instagram si Cedrick ng madamdaming liham para ianunsiyo ang pagpayag ni Kate nang alukin niya ito ng kasal.
Sabi rito: "Pangarap na nagsimula sa pagpapanumbalik ng iyong tunay na ngiti na naguugat sa kaluluwa, isip, puso at mga mata. Ito ang layunin ko simula noong unang araw na tayo’y nagsimula.
"Trabaho ko ang mahalin, pagsilbihan, makinig at pasayahin ka dahil nararapat ito para sayo. Ang maging sigurado at tiyak sa bawat hakbang araw-araw na magkasama.
"Tara mangarap tayo bawat sandali simula sa araw na ito.
"Mahal, Mahal na mahal kita at pipiliin ka araw-araw Kaitin."
Read: Cedrick Juan emotional sa special screening ng GomBurZa sa MET
Kalakip ng post ang carousel na may kasamang video ng proposal ni Cedrick kay Kate.
Nakaupo lang sila sa isang bench at masinsinang nag-uusap.
May mga litrato rin ang couple kunsaan ipinakita ni Kate ang suot niyang engagement ring.
Read: Cedrick Juan now engaged to Kate Alejandrino
CEDRICK ON FALLING FOR KATE
October 29, 2024 nang unang magpahiwatig si Cedrick ng ugnayan nila ni Kate.
Mayroong solo picture si Cedrick kunsaan tinag niya si Kate na siyang kumuha ng litrato.
"When words fail, our eyes speak," waring kinikilig na caption ng aktor.
Hanggang noong January 1, 2025, nang maging Instagram official ang dalawa.
Nag-post si Cedrick ng sweet picture nila ni Kate kalakip ng makatang love letter niya sa nobya.
Bihirang mag-post si Cedrick sa social media kaya marami ang natuwa nang mag-update siya tungkol sa kanyang lovelife.
Dito ay idineklara ni Cedrick na natagpuan niya kay Kate ang isang "katuwang" na nagbibigay sa kanya ng kasiguraduhan sa buhay.
Mababasang mensahe noon ni Cedrick (published as is):
"Bago matapos ang unang araw ng taon na ito, gusto ko lang magpasalamat sayo. Sa mga bagay na itinuturo mo sa akin araw-araw, kung paano maging sigurado sa bawat desisyon na kailangan gawin sa buhay. Dahil ang desisyon na sigurado, sadya at pinagisipan ay magdudulot ng mas malinaw na resulta na siyang makakatulong sa mas matibay na kinabukasan.
"Maraming salamat sa klase ng pagmamahal na binibigay mo. Bago ito sa akin, Pero sapat ang rason ng bawat argumento, tamang pakikinig at gawa para yakapin ang pagbabagong idinudulot nito sa araw-araw nating pinagsasamahan.
"Hiling ko ang mas malalim pa na pagkilala, tiwala at pagpili sa isa’t-isa araw-araw. Salamat aking katuwang sa buhay."
"Mahal na mahal kita Kaitin."
