Tuwang-tuwa sina Pinoy Dream Academy Season 2 Grand
Star Dreamer Laarni Lozada at first runner-up Bugoy Drilon matapos silang bigyan ng
parangal bilang Most Promising Female and Male Performers sa 2008 Asian Star
Entertainment Awards na ginanap sa Mandarin Suites, Gateway Mall sa Cubao noong October 4.
Ang naturang award ay ipinagkakaloob sa mga outstanding
artists sa iba't-ibang larangan ng performing arts sa Asia Pacific region kung
saan ang mga nananalo ay napipili sa pamamagitan ng online nomination at
voting.
Hindi makapaniwala sina Laarni at Bugoy na may award na sila pagkatapos lamang manalo sa kamakailang Pinoy Dream Academy Grand Dream Nights.
Natamo naman ng ABS-CBN ang parangal bilang 2008 Most Outstanding Television
Network sa ilalim ng Global Excellence Awards.
Sa parehong awards night din ay iginawad din ang mga
prestihiyosong parangal tulad ng Global Brand Award, Consumers Choice Awards,
and Electronics Quality Awards para sa ibang industriya.
Ang dalawang awardees ay pumirma na kamakailan sa Star
Records at kasalukuyang nag-popromote ng kanilang unang album Scholars Sing
Cayabyab sa parehong record label.
