Hindi na isyu kay Cris Villanueva kung may makadaupang-palad man siyang young star na hindi marunong magbigay-galang sa senior o veteran stars.
Read: Cris Villanueva proud of daughter's runner-up finish at Miss World-Philippines 2017
Si Cris ay unang nakilala bilang cast member ng sikat na '80s to '90s youth-oriented show na That's Entertainment, at aktibo pa rin ngayon sa iba-ibang teleserye.
“Basta ako feeling ko, kapag hindi nila ako nakikilala, okay lang," bungad niya.
“Kasi naaalala ko nung baguhan din ako, talagang pinipilit kong alalahanin yung mga mas beterano, para hindi ako masabihan ng ganun at napaka-stressful din nun, di ba?
“Parang kung minsan, talagang hindi mo na sila napapanood; nagbalik galing sa ibang bansa tapos biglang sumalang, yun pala beterano pala, so nakaka-stress din.
“So, hindi ko na binibigyan ng problema yung mga young stars natin, na parang hindi nila ako nakikilala, okay lang."
Ayaw daw niyang gawing isyu pa iyon.
“I mean, you know, sa akin kasi, marami na rin namang siyempre talagang bagung-bago.
"Or yung mga hindi talaga nanonood, biglang naging artista, hindi inabutan ang That’s Entertainment, hindi naman nanonood ng mga palabas ko, so okay lang.”
Ngayong 2025 ay kasali si Cris sa GMA series na Binibining Marikit kunsaan gumanap siyang ama ni Herlene Budol.
Kasama sa show ang iba pang new generation stars tulad nina Tony Labrusca, Thea Tolentino, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at male-pageant-winner-turned Sparkle artist na si Kevin Dassom.
Nakita raw ni Cris na may effort ang mga ito na magpakita ng respeto sa veteran actor tulad niya.
“Lahat ng nakatrabaho ko dito, very polite. Talagang nagpapakilala agad, pagpasok ng tent, ‘Ay, ako nga pala si ano,' and I like that.
“Nakakatuwa yun para sa akin na ganun sila. Siguro tinuruan or napagsabihan, but it feels nice para sa katulad ko, na yun nga, they go out of their way to introduce themselves.
“Dito sa set namin kasi masaya, e, na parang from the start naman nandun ako, so parang nag-bond kami agad ng mga bagets, ng mga co-stars ko, so ang sarap.
"Lalo si Herlene, totoo yung sinasabi nila na iba yung energy ni Herlene, e. Basta binitbit niya lahat, kasi ano siya, e, bubbly siya talaga.”
Read: Jake Zyrus's story about alleged sexual abuse resurfaces
CRIS VILLANUEVA ON WORKING WITH HERLENE BUDOL
Bilang mag-ama sila sa programa, si Herlene ang madalas kaeksena ni Cris.
Lahad ni Cris: “Madaling makipag-bond sa kanya kasi very open siya, e.
“Katulad nga nung game na game siya, pag tinanong mo, sagot siya. Hindi lang siya showbiz.
"Wala yung nag-iisip na baka makasira ng image, walang ganun, e."
Nakikita rin daw niya ang effort ni Herlene na pag-aralan ang atake nito sa pag-arte.
"Basta sasabihin niya agad sa yo, e, ‘Tay okay lang ba, ganito yung gawin?’ ‘Oo’, sabi kong ganun.
"Ano siya, very open, nakakatuwa kasi seryoso siya sa ginagawa niya. Kahit na sabihin nating para siyang luka-luka na dire-diretso magsalita, seryoso siya.
“Meron siyang nag-a-advise sa kanya on how to attack it, pero meron siyang sariling atake na nakakatuwa, pati yung words na ginagamit niya, minsan nagugulat ako. Nakakatuwa."

Read: Ruby Rodriguez gives a glimpse of her life in Los Angeles
CRIS VILLANUEVA RECENT TELESERYES
Bago ang Binibining Marikit, nag-cameo si Cris sa isang episode ng Mga Batang Riles, at naging regular cast member din siya sa Makiling.
Ang Makiling, na pinagbidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio, ay umere sa GMA-7 noong 2024. Isa itong suspense-drama series.
Romantic-comedy naman ang Binibining Marikit, kaya malaki ang pagkakaiba ng papel ni Cris sa dalawang serye.
"Yung Makiling talagang seryoso, walang nagpapatawa. Dito kasi nagagamit namin yung relasyon namin…
“Halimbawa, yung paano namin atakihin yung pagiging mag-ama, yung paano kami nagkakilala sa set, nagagamit namin yun.
“Sa Makiling, parang napaka-straight, you have to follow the script.
"Kahit na ang direktor dun na si Direk Rado [Peru], na kaibigan naman din namin, parang rerespetuhin mo yung script kasi talagang seryoso siya.
"So ito [Binibining Marikit] medyo light siya. So nagagamit namin yung kung ano yung meron kami outside of the set."
Freelancer si Cris at hindi nakakontrata sa kahit na anong TV network.
