PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eula Valdes on ghost sightings: "Nasanay na lang ako."

Eula Valdes recalls when she started seeing ghosts.
by Rommel Gonzales
Published Mar 8, 2025
Eula Valdes admits to seeing paranormal activities
Eula Valdes recalls paranormal encounters including seeing her late grandmother, a dead neighbor, and a supernatural creature on the set.
PHOTO/S: @mspainteilyn via @eulavaldes Instagram

Ibinahagi ng Lilim actress na si Eula Valdes na sa tunay na buhay ay nakaranas siya ng paranormal encounters.

“Medyo marami,” natawang pag-amin ni Eula sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Bata pa ako, naglalaro ako sa long table sa bahay namin sa Nueva Ecija ng bahay-bahayan, ako lang.

“Tapos may mga kurti-kurtina pero mga towels iyon, tapos isang beses may nakita ako na naka-float na legs!

“Pero ito yung nakakatawa, kasi imbes na, kung ito yung long table andito yung nakita kong pair of legs, dito ako pumunta,” sabay-muwestra ni Eula kung saan naroroon ang nakalutang na mga binti.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Sumisigaw ako pero papunta sa kanya. Tapos sabi ko, lola ko yun.

“And then tinanong ako ng mga kapatid ko, 'Ano ang suot?' Sabi ko, 'Saya and gray na brownish,' parang ganun.

“And it turned out na iyon yung suot niya nung namatay siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EULA VALDEZ ON SEEING DEAD PEOPLE

Hindi lang daw pumanaw na kamag-anak ang nakikita ni Eula.

“Okay marami pa. Ayoko ring pumupunta sa mga patay kasi madalas may 'sumusunod,'” natawa ulit na lahad ni Eula.

Nagbahagi pa ang aktres ng kuwento tungkol sa kanyang pagkakaroon ng tinatawag na "third eye" o pagiging sensitibo sa paranormal phenomenon.

“May maids ako dalawa sila papunta sila sa akin, nagdi-dinner ako, tapos nagtatawanan sila. Sabi kong ganun, ‘Sino yang nasa gitna niyo? Sino yang lalaki sa gitna niyo?’

“Tapos nagtinginan sila, ‘Ma’am naman nakakatakot ka naman, e!’

“Tapos ang nangyari pala, kaya ako nakakakita, yung neighbor namin nagpa-renovate ng bahay and may namatay pero hindi nila sinabi.

“Kumbaga, silent sila, hindi nila sinabi o ipinaalam sa marami na may namatay, so iyon pala yung nakita ko.”

Bukod sa mga spirits ay nakakita raw ng "supernatural beings" si Eula.

Lahad niya: “Sa taping, sa Antipolo, may mga nakikita ako na nasa puno, maiitim, tapos yung mga mata nila, umiilaw!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero tama iyon, na dapat kinakausap mo sila, alamin mo kung bakit, or anong ginagawa niyo, and sabihin mo na hindi kayo… wala kayo doon para manggulo.

"And sila rin, parang curious din sila kung anong nangyayari. Kasi taping iyon parang nakasampay lang sila sa puno and nanonood.

“So, sinasabihan ko lang din ang mga tao na huwag silang magkakalat kasi siyempre ayaw nila yun, na naiistorbo din sila."

Kahit sa mga simpleng gawain araw-araw ay may nararamdaman at nakikita si Eula.

“Habang kumakain,” at muling tumawa si Eula.

“May parang… bata, stripes yung kanyang shirt and then nasa kabisera ako, nakaupo kumakain.

"Tapos eto, yung papuntang second floor, hagdanan iyan, may batang sisilip tapos pag titingin ako, magtatago.

"Tapos titingin na naman siyang ganun, tapos magtatago, nakikipagtaguan siya sa akin."

Marami pang kuwentong kababalaghan si Eula, at tila wala nang epekto sa kanya ito.

Paliwanag ng aktress: "Nasanay na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Minsan nagtu-toothbrush, alam mo yung nararamdaman mo meron sa likod mo and sasabihin mo lang, ‘Hmmm... Inaantok na ako, ayokong matakot, ha. Puwede ba?’

"Di ba? Yung mga ganun. Deadma ka na lang, and iyon nga, kakausapin mo.”

EULA VALDEZ'S MOVIES UNDER VIVA FILMS

Sa kabilang banda, natanong din si Eula kung ang Viva Artists Agency na ba muli ang magma-manage ng kanyang showbiz career.

Isa si Eula sa mga orihinal na artista ng Viva na nagsimula sa pelikulang Bagets noong 1984.

At ngayon, halos taun-taon ay may proyekto si Eula sa Viva: Martyr or Murderer (2023), Nokturno (2024), at ang kanyang latest horror film na Lilim (2025).

Aniya, “Hindi, hindi ako mina-manage or ima-manage ng Viva, but they’re helping me.

"And I’m grateful at masaya ako na kung saan ako nag-umpisa hanggang ngayon ay nakakapagtrabaho pa rin ako para sa kanila."

Binigyang-diin pa ni Eula ang kanyang pasasalamat sa Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtuloy niya, “Hindi ako mina-manage ng Viva pero thankful ako.

“Marami akong nagawa sa Viva na magaganda at memorable, at isa pa ito, ang Lilim memorable din.

"After all these years, nakakagawa pa rin ako and kinukuha pa rin ako ng Viva.

“Very thankful talaga ako sa Viva.”

Mula sa direksyon ni Mikhail Red, nasa Lilim sina Heaven Peralejo, Ryza Cenon, Mon Confiado, Skywalker David, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, Phoebe Walker, at marami pang iba.

Mula sa Viva Films, ipapalabas sa mga sinehan ang Lilim simula sa Miyerkules, March 12, 2025.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eula Valdes recalls paranormal encounters including seeing her late grandmother, a dead neighbor, and a supernatural creature on the set.
PHOTO/S: @mspainteilyn via @eulavaldes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results