Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) ng Malacañang Palace ang pag-aresto kay dating Presidente Rodrigo Duterte, 79.
Inaresto si Duterte nang dumating ito sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa kanyang biyahe sa Hong Kong nitong Martes ng umaga, Marso 11, 2025.
Read: President Rodrigo Duterte admits using "presidential powers" against ABS-CBN
Ayon sa PCO, dinakip si Duterte sa bisa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) na ipinadala sa International Criminal Police Organization (Interpol) Manila.
Bahagi ng pahayag ng PCO: “Kaninang madaling-araw, natanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
“Ika-9:20 ng umaga ngayong araw, 11 Marso 2025, ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo ay dumating sa Maynila mula Hong Kong sakay ng Cathay Pacific CX 907.
“Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan.
“Ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno. Sinigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.
“Ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera. Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulan.”
Mula sa NAIA Terminal 3, dinala si Duterte sa Villamor Airbase, Pasay City.
Read: Ex-President Rodrigo Duterte debunks rumors saying he's dead
WHY iCC ARRESTED DUTERTE
Iniimbestigahan ng ICC si Duterte dahil sa krimen umano nito laban sa sangkatauhan na ginawa niya habang siya ang nakaupo bilang Pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 2016 hanggang Hunyo 22, 2022.
Binansagang EJKs—o ExtraJudicial Killings—ang mga pagkakapatay sa mga taong may involvement umano sa drug trade.
Ayon sa pna.gov.ph ng March 30, 2022, ang EJK figures ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay: "6,229 ang namatay sa isinagawang 226,662 anti-drug operations simula noong July 2016 hanggang January 31, 2022."
Ayon naman sa CHR (Commission on Human Rights) report ng November 2, 2021, ire-review nito ang "5,655 cases of anti-drug operations where deaths occurred including those being handled by the Administrative Order No. 35 Inter-agency Committee on Extra-Legal Series, Enforced Disappearances, Torture, and Other Grave Violations to Life, Liberty and Security of Persons."
Ang ICC ay itinatag noong 2002 sa The Hague, Netherlands, upang magsisilbi bilang hukuman at huling paraan para sa mga malalala o matitinding pagkakasala, kabilang ang pagpatay sa lahi, mga krimen sa digmaan, mga krimen laban sa sangkatauhan at agresyon.
Nakikialam ang ICC sa mga usapin o krimen na hindi kaya o ayaw usigin ng mga hukumang pambansa.
Read: Pangulong Duterte nag-eempake na; hanggang March na lang sa Malakanyang
DUTERTE REACTS TO HIS ARREST
Sa video na inilabas ng kanyang anak na si Kitty Duterte, inihayag ng dating Pangulo ang saloobin tungkol sa pagkaaresto sa kanya.
Saad ni dating Pangulong Duterte: "What is the law and what is the crime that I committed?
"Show to me now the legal basis for my being here.
"Apparently, I was brought here not of own volition. It’s somebody else’s.
"Kung hindi ibang tao, ikaw siguro, so you have to answer now for the deprivation of liberty."