Ipinapasa-Diyos na ni Arci Muñoz ang kanyang pangarap magkaroon ng sariling pamilya.
Nagdiwang si Arci ng kanyang 36th birthday noong Enero 12, 2025.
Read: Arci Munoz, ilang beses iniligtas ng K-pop group na BTS
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment editors, ibinahagi ni Arci na single siya at matagal na ring walang kasintahan.
"Wala, nag-stop na ako mag-worry sa ganyan, sa totoo lang. Never ko inisip na napi-pressure ako.
"But, all my siblings are married. They all have their families. They all have their kids.
"As of the moment, I am the best ninang. Okay na muna ako dun kasi para akong may anak sa mga pamangkin ko.
"Pero siyempe, gusto ko rin eventually magkaroon ng kids. Pina-plan ko magpa-freeze.
"Kasi kung wala pa ngayon, ano, ipilit ko?"
Hindi pa naman daw niya sinusukuan ang posibilidad na makahanap ng katuwang sa buhay.
"Yeah, in the future, of course, I wanna be a mom. Pero ngayon, si Lord na lang talaga. Ayoko na magplano, ayoko na ma-pressure.
"Kumakapit ako sa faith ko kay Lord. Kung ano man ang plano Niya, Lord, just direct me there."
Natawa si Arci nang may magtanong kung OK sa kanya na magkaanak kahit walang partner.
"Hay, huwag naman sana, Lord!" bulalas ni Arci.
"Gusto ko naman ng partner sa buhay. Malungkot yun," tukoy pa niya sa ideyang mag-isa lang siyang magpapalaki ng anak.
Sabay inamin ni Arci na mapili siya pagdating sa pakikipagrelasyon.
"Pero kasi nga, standard ko, Jungkook!" tukoy niya muna sa sikat na BTS member. Hindi kaila sa mga tagasubaybay ni Arci na siya ay certified fan ng K-pop group.
Pagkatapos ay sumeryoso si Arci at sinabing gusto niyang maging taglay ng kanyang future husband ang mga katangian ng yumaong ama.
Aniya, "Kung paano yung dad ko sa mom ko, paano yung relationship ng parents ko. Mahirap mahakanap ng kagaya ng papa.
"Feeling ko, single na ako for life!"
Nang usisain kung anong klaseng asawa ang ama niya, paliwanag ni Arci: "He’s the best, everything, taking care of the whole family, raising us kids.
"Nakita ko effort niya in raising all of us, putting us in good schools.
"Everything that I am, yung values ko, it's all because of my parents, especially my dad."
Kung sakali, bukas daw siya magka-boyfriend ng foreigner.
Ani Arci, "AFAM? Bakit hindi? Hahaha!"
Basta ang mahalaga raw ay masaya siya kahit single.
"Hindi ko nire-rely yung happiness ko sa partner ko," diin niya.
"Kaya nga mahilig ako sa anime, sa pagta-travel. Madalas ako mag-travel mag-isa. Kaya ko mag-isa.
"[Or] kasama ko mama ko. Gusto ko ibuhos oras ko para sa mama ko kasi single na rin si Mama. So, widow si Mama.
"Feeling ko ito purpose ni God—spend time with my mom who’s also my best friend," nakangiting pahayag ni Arci.
Read: Arci Munoz moves on from stolen debit card incident
ARCI MUÑOZ ON SINAGTALA
Nakapanayam si Arci matapos ang presscon para sa Sinagtala, ang pelikulang pinagbibidahan niya kasama sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Rayver Cruz, at Matt Lazano.

Tungkol sa journey ng isang up-and-coming band ang kuwento ng Sinagtala, kunsaan sila mismo ang tumugtog at kumanta ng mga orihinal na komposisyon.
Singer-guitarist ang papel ni Arci, na sa tunay na buhay ay 17 taon nang may sariling banda.
Nabuo raw ang banda ni Arci noong 2008 bago pa siya mag-artista.
"Konti lang talaga kasi friends ko. Yung mga kabanda ko, sila yung nag-stick sa akin hanggang ngayon. Naka-relate ako.
"Sa struggles mo sa buhay, yung mga kaibigan mo, sila talaga yung matatakbuhan mo sa oras na walang-wala ka talaga.
"So, sa Sinagtala, parang ganun yung samahan namin."
Tatalakayin sa pelikula kung paano tutuparin ng mga miyembro ng banda ang kanilang pangarap sa buhay.
Saad ni Arci: "Hindi talaga madali matupad ang pangarap. May reason talaga si Lord sa lahat ng mga nangyayari sa buhay natin.
"At baka mamaya yung pinagdaanan mo, yung paghihirap mo, nalampasan mo.
"Yun pala ang purpose mo, may makikilala kang tao na may mas mabigat na pinagdadanaan. Tapos ikaw pala magiging susi para ma-inspire siya, maging okay siya.
"Napakaganda ng message ng pelikulang ito. Abangan niyo na lang."
Read: Arci Muñoz Loses PHP500K to Stolen Card
ARCI MUÑOZ ON her showbiz career
Sa kabilang banda, matagal ding hindi naging aktibo si Arci sa telebisyon at pelikula.
Ang huling full-length teleserye niya ay ang Since I Found You ng ABS-CBN (2019).
Kasama siya sa ensemble film na Ten Little Mistresses noong 2023.
Ipinaliwanag ni Arci kung bakit matagal siyang hindi napanood sa telebisyon at pelikula.
"Wala pa talagang dumating na project na talagang umantig sa puso ko," ani Arci.
Sumabak din siya sa pagprodyus ng pelikulang Malditas in Maldives (2023) kasama ang director at co-producer niyang si Njel De Mesa.
Sumali raw sila sa international film festivals para ibenta ang pelikula.
Bukod dito ay inabala raw niya ang sarili sa hilig sa pagta-travel.
Bago kasi ang pandemya ay nakaalagwa ang showbiz career ni Arci. Bumida siya sa mga pelikulang Last Fool Show (2019), Can We Still Be Friends (2017), Always Be My Maybe (2016), at Camp Sawi (2016).
"Basta nagpapasalamat lang ako na maraming blessings. Hindi naman yan ang sukatan para sa akin," ani Arci.
"At least, nakagawa ako ng magagandang pelikula."
Napapangiting dugtong pa ni Arci, "Di pa naman tapos buhay."
Hinihintay lang daw niya ang tamang proyekto.
