Matagumpay na nairaos ng Multi-Media Press Society, Inc. (MMPRESS) ang kanilang outreach program noong March 8, 2025.
Isinagawa ito sa isang Aeta community sa Sitio Bayan Bayanan, Pag-asa, Orani, Bataan.
Pagsikat pa lamang ng araw ay gumayak na ang mga miyembro at ikinarga ang daan-daang relief goods at packed meals para sa mga pamilya at bata sa nasabing komunidad.

Masayang sinalubong ng Aeta community ang grupo bandang lunchtime para sa pagtitipon.

Ikinatuwa rin ng grupo ng entertainment columnists at writers ng MMPRESS ang makapagpasaya sila.
Isa ito sa mga layunin ng grupo na makapagserbisyo at makapag-alay ng grasya sa mga mahihirap na komunidad.

The Multi-Media Press Society, Inc (MMPRESS) officers and members (in black shirt, left to right) Asst. Secretary Diego Dequino, Vice President and Chairman Special Projects Rose Garcia-Fabregas, Allan Diones and Arniel Serato (members), Treasurer Lito Mañago (partly hidden), Chairman Jun Nardo, Secretary Joseph Gonzales, and Auditor Glenn Regondola (with some friends and sponsor).
Read: PEP Editor-in-Chief Jo-Ann Maglipon's speech at MMPRESS kickoff
MMPRESS SPONSORS
Naging matagumpay ang nasabing outreach program sa tulong ng mga donors at generous sponsors.

Kabilang sa kanila sina King of Talk Boy Abunda, Senator Lito Lapid, former Manila Mayor Isko Moreno, actress-politician Ara Mina, at actress-social media influencer Ivana Alawi.
Katuwang din ng MMPRESS sina film director Joven Tan, writer/talent manager/PEP Troika host Noel Ferrer, Symply G Hair and Skin Care, Colorete Clothing, Mar and Phen Herbal Food Supplement Trading, at Baliwag Grill and Restaurant (E. Rodriguez corner Balete Drive, Quezon City).
Malaking tulong din ang naibigay ng Marman Villas and Beach Resort sa Morong, Bataan dahil sila ang official resort ng grupo para sa ilang activities.
Gayundin kay Pastor Roger Soria & council members ng Bayan-Bayanan United Methodist Church.
Umaasa naman ang MMPRESS na makapagdaos pa ng kahalintulad na mga socio-civic activity sa mga susunod na buwan sa ibang lugar.
