PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jellie Aw posts cryptic message about freedom: “Nakalaya ako.”

Jellie Aw, Jam Ignacio move on with their separate lives after mauling incident.
by Arniel C. Serato
Published Mar 17, 2025
Jellie Aw cryptic post about freedom
Is this Jellie Aw's message after mauling incident involving fiancé Jam Ignacio: “Regalo ko na sa sarili ko yung nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagparinig ba muli ang club disc jockey na si Jellie Aw sa fiancé niyang si Jam Ignacio?

Sa kanyang Instagram Story nitong nakarang Sabado, March 15, 2025, nag-post si Jellie ng mga salitang “regalo ko” at “nakalaya ako” sa sitwasyong hindi raw niya dapat maranasan.

Mensahe niya, “Regalo ko na sa sarili ko yung nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved.”

Jellie Aw cryptic post1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig kayang sabihin nito ay tinapos na niya ang lahat sa kanila ni Jam na nag-propose sa kanya ng kasal noong November 2024?

Read: Jam Ignacio proposes to fiancee after four months of relationship

Sa isa pa niyang Instagram Story, ni-repost naman ni Jellie ang quote mula sa @female.focused account.

Nakasaad dito: "You've got a masters in lying but I've got a PhD in detecting bullshit."

Jellie Aw cryptic post 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Karla Estrada's ex-bf promises new girlfriend to love her forever

JELLIE AW: “Tuloy ang kaso”

Noong March 11, tiniyak ni Jellie sa kanyang followers sa Instagram na itutuloy niya ang reklamo laban kay Jam.

Ito ay bunsod ng pambubugbog sa kanya ni Jam sa insidenteng nangyari noong February 11, 2025.

Hindi raw basta ganun-ganun na lang yun.

Alam din daw ni Jellie na maraming katulad niyang biktima ng pang-aabuso ang takot magsumbong.

Hindi raw porke't mahal ang isang tao ay pinapalampas na lamang ang maling nagawa nila.

Buong post niya (published as is): "sa mga nagtatanong YES po tuloy n tuloy ang KASO!

"d pedeng ganon2x nlng! ano sya sinuswerte?

"alm ko mdming sinsaktn jn natatkot lng magsumbong at mahal ksi nila, oo mahal ntin pero sobrang MALI MANAKIT.

"BABAE tyo my krapatan tayo!"

Read: Jellie Aw says she will not withdraw complaint vs Jam Ignacio

Samantala, sa Instagram Story ni Jam, ipinakita nito ang pagbabalik niya sa pagmu-motor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Jam Ignacio motorcycle ride

Mukhang naka-move on na pareho ang dalawa dahil balik-trabaho na si Jellie at balik naman sa kanyang hobby si Jam sa pagmu-motor.

Read: Jellie Aw stands firm on decision to file charges vs Jam Ignacio

JELLIE POSTS MESSAGE OF JAM WOOING HER BACK

Noong March 3, nagbahagi si Jellie ng screenshot ng mensahe ni Jam sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw kung kailan ipinadala ang mensaheng ito, pero mukhang sinusuyo muli ni Jam si Jellie.

Nakasaad ditong ginagawa umano ni Jam ang lahat para maging maayos muli ang relasyon nila, pati sa pamilya ni Jellie.

May pangarap din daw si Jam para bubuin sana nilang pamilya.

Pero, parang deadma rito ang club DJ.

Read: Jellie Aw posts Jam Ignacio’s message wooing her back

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is this Jellie Aw's message after mauling incident involving fiancé Jam Ignacio: “Regalo ko na sa sarili ko yung nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results