PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

EXPLAINER: What is ICC and why is it handling the Duterte case?

Here's an easy-to-digest guide on Rodrigo Duterte's ICC trial.
by Mark Angelo Ching
Published Mar 18, 2025
Explainer: What is ICC and why is it handling the Rodrigo Duterte case?
After former President Rodrigo Duterte's (left) initial appearance before the ICC chamber on March 14, 2025, his next scheduled appearance is on September 23. Will the ICC allow him to return to the Philippines before then? Seen on the right are ICC judges Reine Alapini-Gansou, Iulia Motoc, and Socorro Flores Liera who sit on the Duterte case.
PHOTO/S: ICC official website

Malaking balita dito sa Pilipinas at sa mundo ang pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay Rodrigo Duterte noong Martes, March 11, 2025.

Ang dating Pangulo ang unang Asyanong head of state na may kasong dinidinig sa naturang korte sa The Netherlands.

Read: Ex-President Rodrigo Duterte now detained at The Hague prison

Hinaharap ni Duterte ang kasong murder—isang krimen na sumasailalim sa crimes against humanity—dahil sa kanyang madugong kampanya laban sa droga.

Hati ang opinyon ng mga Pilipino sa paghuli ng ICC sa 79-year-old President na namuno ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022.

Para sa mga naging biktima ng drug war, at sa mga kritiko nito, nararapat lamang na harapin ni Duterte ang paglilitis.

Ngunit para sa mga supporter ni Duterte, ilegal ang paglilitis ng ICC dahil opisyal na iniurong ng dating Pangulo ang membership ng bansa sa ICC noong March 2019.

Dahil diyan, wala raw jurisdiction ang pandaigdigang hukuman kay Duterte, at idini-demand nilang ibalik ito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang mga protesta na ang inilunsad ng mga tagasunod ni Duterte sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, at maging sa headquarters ng ICC sa The Hague, para pakawalan ang kanilang iniidolo.

Gayunpaman, hindi natitinag ang ICC. Sa katunayan ay natuloy ang unang hearing ni Duterte sa ICC noong Biyernes, March 14, 2025.

Former President Rodrigo Duterte appears before the ICC chamber via virtual conference on Friday, March 14, 2025.
Former President Rodrigo Duterte appears before the ICC chamber via virtual conference on Friday, March 14, 2025.
Photo/s: ICC official website
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dumalo si Duterte sa paglilitis sa pamamagitan ng video call, kunsaan makikitang tila nanghihina siya at nahihirapang magsalita. Malayung-malayo ito sa imahe niya sa Pilipinas bilang isang matapang at prangkang pulitiko.

Sa pagsisimula ng paghahatol kay Duterte sa ICC ay marami pa ring mga katanungan ang gumagambala sa mga Pilipino.

Ano nga ba ang dahilan ng pag-aresto sa dating Pangulo, at hanggang kailan ang paglilitis sa kanya sa The Hague? Ano nga ba ang ICC at bakit ito ang hukumang dumidinig sa mga kaso ni Duterte? Ano ang mangyayari sa dating strongman sa mga susunod na mga hearing?

Read: Kitty Duterte in fighting mode after ex-President Duterte's arrest

WHAT IS THE ICC?

Sa Quiz Vee segment ng It’s Showtime ay sinubukan ni Vice Ganda na ipaalam sa mga manonood kung ano ang ICC.

“Ito yung isang inter-governmental organization na nagsisiyasat, at kung kinakailangan, ay nagsasagawa ng mga paglilitis laban sa mga indibidwal na inaakusahan ng pinakamabigat na mga krimen na may kinalaman sa international community, tulad ng genocide, war crimes, crimes against humanity at crime of aggression,” saad ni Vice sa March 13 episode ng noontime show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa binanggit ni Vice ay malinaw na ang saklaw ng ICC ay ang mga krimeng ginawa ng mga indibidwal na tao, at hindi ng isang estado.

Malinaw rin na ang ginawang krimen ay dapat nakatuon sa pangmalawakang grupo ng mga biktima, at hindi lamang sa iilan.

Apat ang krimenng iniimbestigahan ng ICC.

Una ay ang genocide, o ang intensyonal na paglipol sa isang lahi o religious group, sa pamamagitan ng planadong pagpatay o lubusang pananakit sa mga miyembro nito.

Pangalawa ay ang war crimes, kung saan nakapaloob ang malulubhang paglabag sa mga batas ng digmaan, gaya ng pagpatay ng sibilyan, pagpapahirap sa mga bihag, at paggamit ng ipinagbabawal na sandata.

Pangatlo ang crimes against humanity, o ang malawakang pag-atake laban sa mga sibilyan, kabilang ang pagpatay, pang-aalipin, torture, forced disappearance o sapilitang pagkawala, at iba pang di-makataong gawain.

At ang pang-apat ay ang crime of aggression. Dito ay pinagbabawalan ang pinuno ng isang bansa o estado na magplano o magsagawa ng marahas na pananakop laban sa iba pang teritoryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa apat na ito, ang pangatlo, o crimes against humanity, ang ikinaso kay Duterte.

Sa estima ng Human Rights Watch, mahigit sa 12,000 na Pilipino ang namatay sa war on drugs ni Duterte.

Read: FULL COPY: ICC Warrant of Arrest for Mr. Rodrigo Roa Duterte

ICC MEMBERSHIP of philippines

Kung totoo mang mahigit sa sampung-libo ang naging biktima sa war on drugs sa Pilipinas, ano naman ang karapatan ng ICC na litisin ito?

Ang madaling sagot: naging miyembro kasi ang Pilipinas sa ICC.

Paano nangyari ito?

Noong Disyembre 28, 2000, nilagdaan ng Pilipinas ang Rome Statute sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada.

Ang Rome Statute ang kasunduang nagtatag sa ICC. Noong June 1998 ito binuo sa pamamagitan ng isang diplomatic conference sa Rome ng iba’t ibang bansang nakapailalim sa United Nations.

Ngunit kahit nilagdaan ni Estrada ang Rome Statute ay hindi agad naging kasapi ang Pilipinas sa ICC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napatalsik kasi sa puwesto si Estrada isang buwan matapos niya itong lagdaan.

Matapos nito, hindi na binigyang-pansin ng sumunod na Pangulo, si Gloria Macapagal-Arroyo, ang Rome Statute sa hindi malamang kadahilanan.

Lumipas ang mahigit isang dekada bago muli umusad ang Rome Statute sa Pilipinas, nang bigyang-tuon ito ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Pinirmahan muli ito ni Aquino noong February 2011, at ipinadala sa Senado para kumpirmahin.

Noong August 23, 2011, may labimpitong (17) senador ang bumoto sa isang Senate Resolution upang maging pang-117 member ng ICC ang Pilipinas.

Ang dating Senador Miriam Defensor Santiago ang sponsor ng nasabing Senate Resolution.

Aniya, importante ang pagmi-miyembro sa ICC para punan ang pagkukulang ng justice system sa Pilipinas, lalo na sa paglilitis ng mga makapangyarihang taong lumubag sa batas.

“If the state is already investigating or prosecuting its own head of state or similar official, the Court will not intervene.

"But if the state is unwilling or unable to prosecute, then the Court will try the case in The Hague,” saad ni Senador Miriam Santiago noong August 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Filipino-Chinese businessmen, hands-off sa ICC trial ni Duterte

rodrigo DUTERTE’S CASES IN THE ICC

Kung susundan ang sinabi ni Miriam Santiago, ang ICC ay itinuturing na “court of last resort,” o ang huling hukumang maaaring lapitan ng isang Pilipino, kung ang mga korte sa kanyang bansa ay walang kakayanan o walang kagustuhang dinggin ang kanyang hinaing.

Dahil miyembro na ng ICC ang Pilipinas noong 2017, nakapagsampa ang ilang Pilipino ng mga kaso laban kay Duterte.

Ang mga kasong ito ay sinasabing nangyari mula November 1, 2011 hanggang March 16, 2019.

Dahil nasa ICC na ang mga kaso bago itiniwalag ang Pilipinas sa ICC, ng noo'y Pangulo ng Pilipinas na si Duterte, at dahil nasa rules ng The Hague court na maaari itong kumilos sa mga kasong hawak, may basehan ang kasalukuyang paglilitis kay Duterte.

Hindi maaaring isampa ang kaso sa Pilipinas dahil may immunity from suit—ibig sabihin, hindi maaaring sampahan ng kaso—ang mga Pangulo habang sila ay nakaupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang nagsampa ng kaso si Jude Sabio, ang abugado ni Edgar Matobato, isang self-confessed member ng Davao Death Squad. Hiniling nito sa ICC na patawan ng mass murder at crimes against humanity charges si Duterte noong April 24, 2017.

Kinatigan naman ito ni dating Senador Antonio Trillanes IV, na naghain sa ICC ng dagdag pang mga reklamo kay Duterte noong June 6, 2017.

Noong August 28, 2018 din, may grupo ng mga pamilya ng biktima ng war on drugs na nagsampa ng hiwalay na kaso laban kay Duterte sa ICC.

Itong mga naisampang kaso ang dinidinig ngayon ng mga hukom sa ICC sa The Hague.

ICC JUDGES

Speaking of the late Senator Miriam Santiago, isa sa kanyang mga kagila-gilalas na achievements ay nang maging unang Filipino judge ito sa ICC.

Dumaraan kasi sa butas ng karayom ang sinumang naghahangad maging hukom sa tinitingalang korte sa The Hague.

Dapat nilang malampasan ang nomination at voting processes na tumitingin sa kanilang kakayahan at integridad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaaring mag-nominate ng judge ang anumang bansang miyembro ng ICC.

Matapos ang nominasyon, kailangang ipakita ng kandidato ang kaniyang kaalaman sa batas, lalo na sa genocide, crimes against humanity, war crimes, at crimes of aggression, sa Advisory Committee on Nominations.

Kapag nakapasa ang kandidato sa Advisory Committee, isasama na ang kanyang pangalan sa mga pagbobotohan ng mga bansang kasapi sa ICC.

Dapat makuha ng kandidato ang majority ng mga boto para mahalal na ICC judge.

May siyam (9) na taon lamang ang termino ng bawat ICC judge.

Nahalal si Santiago noong December 12, 2011. Nanguna siya sa first round of elections nang makakuha ng 79 out of 104 votes.

Ngunit hindi na niya natapos ang termino dahil nag-resign ito noong 2014 dahil sa lung cancer.

Parehong proseso din ng nominasyon at botohan ang nilampasan ng tatlong babaeng judge na may hawak ngayon sa kaso ni Duterte sa ICC.

Tulad ng namayapa na nating senador ay may malawak din silang kaalaman sa batas at mataas ang integridad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sila ay si Judge Iulia Motoc, Judge Reine Alapini-Gansou, at Judge Socorro Flores Liera.

ICC judges (L-R) Reine Alapini-Gansou, Iulia Motoc, and Judge Socorro Flores Liera at the initial hearing for Rodrigo Duterte
ICC judges (L-R) Reine Alapini-Gansou, Iulia Motoc, and Socorro Flores Liera
Photo/s: ICC official website

Si Judge Motoc ang Presiding Judge sa kaso ni Duterte. Siya ay taga-Romania, at may mahaba-habang career bilang human-rights lawyer at judge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago siya maging hukom sa ICC ay naging hukom siya sa European Court of Human Rights mula 2013 - 2022.

Si Judge Alapini-Gansou naman ay taga-West Africa. Miyembro siya ng International Criminal Bar, at mahigit isang dekadang naging chairperson ng African Commission on Human and Peoples’ Rights.

Ang taga-Mexico namang si Judge Liera ay dating vice-president ng Human Rights Council. Isa rin siya sa mga abogadong bumuo ng ICC.

Matapos ang unang pagdinig kay Duterte noong March 14 ay may mga tagasuporta ni Duterte na kumuwestiyon agad sa integridad ng tatlong hukom.

Ang akusasyon: May koneksiyon sila kay Liza Marcos, dahil na-meet umano nila ang First Lady sa isang party dati. Ngunit fake news ito, at hindi sila ang nasa litratong kumalat mula sa nasabing party.

Read: Honeylet Avancena, hindi sasampahan ng reklamo ng PNP

DUTERTE’S LAWYERS

Hindi lang mga ICC judge ang dumaraan sa matinding deliberasyon. Pati rin ang mga abogadong gustong humawak ng kahit anong kaso sa ICC ay required ding magpakita ng kanilang kakayahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago kumatawan sa kahit sinumang kliyente, akusado man o biktima, dapat munang accredited ang lawyer sa ICC.

Una, ang abogado ay dapat may kaalaman sa international law o criminal law.

Pangalawa, sinumang gustong maging lead counsel, o pangunahing abogado, ay dapat may mahigit sa sampung-taong experience sa paglilitis sa ilalim ng criminal law. Kung associate counsel naman ay maaari ang walong-taong experience.

Pangatlo, dapat ay fluent sa English o French, na mga lenggwaheng ginagamit sa ICC.

At pang-apat ay dapat walang criminal conviction o disciplinary offence ang abogado.

Nang humarap si Duterte sa ICC noong March 14 ay si Atty. Salvador Medialdea ang kanyang naging representative. Ngunit wala sa updated list ng accredited ICC lawyers ang dati niyang Executive Secretary, kaya’t kinailangan pang maghanap si Duterte ng ibang abogado.

May limang Pilipinong ICC-accredited lawyers sa opisyal na listahan na nakalagay sa website ng nasabing hukuman.

Kasama rito si Harry Roque, na dating presidential spokesperson ni Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa man ang March 14 hearing ay pumunta na si Roque sa The Hague para mag-request na idagdag siya sa listahan ng mga abogado ni Duterte.

Ngunit hindi malinaw kung papayagan siya ng ICC, lalo na at may kaso siyang qualified human trafficking sa Pilipinas.

Sa report naman ng 24 Oras noong March 15, ni-request na raw ng partido ni Duterte na ang British-Israeli lawyer na si Nicholas Kaufman ang maging lead counsel ni Duterte.

Si Kaufman ay may malalim na karanasan sa pagdepensa sa mga taong inaakusahan ng war crimes at human-rights violations, tulad ni Jean-Pierre Bemba Gombo, na dating bise-presidente ng Congo.

Noong June 8, 2018 ay in-acquit ng ICC si Gombo mula sa salang war crimes at crimes against humanity.

Samantala, dalawa sa limang Pilipinong ICC-accredited lawyers ang nagrerepresenta sa mga biktima ng war on drugs. Ito ay sina Atty. Gilbert Andres at Atty. Joel Butuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Atty. Andres at Atty. Butuan ay parehong naging abugado ng mga biktima ng karumal-dumal na Maguindanao massacre.

Read: Fr. Flavie on Duterte: "Arrest is just a fraction of justice."

WHAT HAPPENS NEXT

Sa kabila ng lahat ng ito, lubos pa rin ang hiling ng supporters ni Duterte na makauwi agad sa Pilipinas ang 79-year-old politician.

Ngunit, kung titingnan ang mga naging pagdinig ng ICC sa mga ganitong kaso sa mga nakalipas na panahon ay tila malabo itong matupad.

Inaabot kasi ng maraming taon ang mga ICC trials, lalo na kung ang kaso ay nasa ilalim ng crimes against humanity. Halimbawa na lang ang paglitis kay Gombo, na umabot ng mahigit isang dekada, mula sa kanyang pagkakaaresto ng May 24, 2008 hanggang sa kanyang acquittal ng June 8, 2018.

Kasama naman sa mga nahatulang guilty ng ICC sa crimes-against-humanity charges sina Dominic Ongwen at Bosco Ntaganda, na parehong galing sa mga bansa sa Africa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot ng anim na taon ang kaso ni Ongwen, mula sa una niyang appearance sa ICC noong January 26, 2015, hanggang sa conviction niya noong February 24, 2021.

Si Ongwen ay hinatulang guilty sa 61 na mga krimen sa ilalim ng crimes against humanity at war crimes, dahil sa mga naganap na torture, panggagahasa, paninira ng mga property at iba pa, noong siya ay leader ng Lord’s Resistance Army, isang guerrilla group sa Uganda.

Pinarusahan ang noon ay 46-year-old Ugandan citizen ng 25 years na pagkakakulong sa Norway.

Halos umabot naman ng apat na taon ang trial ni Ntaganda sa ICC, na nagsimula noong September 3, 2015 hanggang sa conviction niya noong July 8, 2019. Guilty si Ntaganda sa salang crimes against humanity at war crimes, dahil sa mga naganap na patayan, panggagahasa, at iba pang sala habang siya ay rebel leader sa Congo.

Sinentensiyahan ang noon ay 48-year-old Congolese citizen ng 30 years na pagkakakulong. Naka-detain siya sa ngayon sa Belgium.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa September 23 ang susunod na hearing ni Duterte sa ICC.

Sa panahong iyon ay 80 years old na siya, dahil magbi-birthday siya sa The Hague sa darating na March 28, 2025.

Sa report ng GMA News, hihilingin daw ng mga tagasuporta ni Duterte ang kanyang pagsamantalang paglaya.

“Pagdating namin doon, we can ask for his temporary release. Wala namang reason to detain him while the case is on trial. Kung magka-trial, e di trial. Recess, e, di puwede natin siyang iuwi sa Pilipinas,” saad ni Atty. Silvestre Bello III sa panayam ng GMA News.

Si Bello, na tubong Davao, ay isa sa mga abogado ni Duterte sa Piipinas.

Sa Rule 119 ng Rules of Procedure at Procedure and Evidence ng ICC nakalatag ang rules para sa conditional release. Kasama na rito ang mga restriction sa pagbiyahe, ang pagbabawal sa akusadong makipag-usap sa witnesses, at ang pagtira sa lugar na ise-set ng ICC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi madalas payagan ng ICC ang conditional release ng isang akusado. Isa sa mga rare chances na nangyari ito ay noong 2019, nang pinayagan ng ICC si Laurent Gbagbo, dating presidente ng Ivory Coast, na pansamantalang makalaya.

Crimes against humanity rin ang kasong isinampa kay Gbagbo.

Kahit pansamantalang nakalaya ang dating leader ng Ivory Coast ay hindi pa rin siya pinayagan ng ICC umuwi sa kanyang bansa sa Africa. Sa halip ay pinatira siya sa isang bansang malapit sa The Netherlands, para madali siyang makadalo sa mga hearing.

Kung susundan ang pangyayaring ito ay maaaring hindi pa rin payagan si Duterte na umuwi sa Pilipinas, kahit i-grant ng ICC ang kanyang request for conditional release.

Hindi rin pumapayag ang mga abogado ng drug-war victims—na sina Kristina Conti at Neri Colmenares— na pansamantalang makalaya si Duterte dahil maaaring-maaari raw itong tumakas.

“Victims believe he is a flight risk—he is running for mayor of Davao City—and a threat to the safety of witnesses and evidence,” saad sa statement nina Atty. Conti at Atty. Colmenares na ni-release sa media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Sources:

ABS-CBN News. (2025, March 13). Vice Ganda tests madlang people’s knowledge on ICC | ABS-CBN News [Video]. YouTube.

How the Court works | International Criminal Court. (n.d.).

Philippines’ ‘War on Drugs’ | Human Rights Watch. (n.d.).

Barbara Marchdesch, GMA News &Barbara Marchdesch, GMA News. (2018, March 14). PHL took long, hard road to signing Rome Statute of ICC. GMA News Online.

Senate approves ratification of Rome Statute on final reading | Senate of the Philippines (2011, August 23).

The Judges of the Court | International Criminal Court. (n.d.).

Dr. Miriam Defensor Santiago tops election as International Criminal Court Judge | Philippine Embassy Madrid. (n.d.).

By Andreo Calonzo,GMA News & By Andreo Calonzo, GMA News. (1970, January 1). Miriam steps down as ICC judge. GMA News Online.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After former President Rodrigo Duterte's (left) initial appearance before the ICC chamber on March 14, 2025, his next scheduled appearance is on September 23. Will the ICC allow him to return to the Philippines before then? Seen on the right are ICC judges Reine Alapini-Gansou, Iulia Motoc, and Socorro Flores Liera who sit on the Duterte case.
PHOTO/S: ICC official website
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results