PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina explains decision to run for councilor in Pasig City

Ara Mina: "Ambigat sa loob, e, pag hindi mo natutulungan."
by Rommel Gonzales
Published Mar 19, 2025
Ara Mina explains decision to run as Pasig City councilor in the 2025 elections
Ara Mina on joining 2025 elections: "Pag pinasok mo na yung public service, parang mas magkakaroon ka na lalo ng authority at saka power to help people."
PHOTO/S: Nice Print Photo

“Hindi naman,” reaksiyon ni Ara Mina sa tanong kung pagod na ba siya sa showbiz kung kaya’t susubukan niyang pasukin ang mundo ng pulitika.

Read: Ara Mina: The star who had 4 screen names conquers acting, singing, even baking

Lahad pa ni Ara: “Hanggang ngayon naman nagtatrabaho naman din ako, di ba? I never stopped working and pag passion mo naman talaga, hindi ka napapagod.

“I love my job, I love acting, singing. I love our entertainment industry.

“Siguro it so happened na, alam mo yung destiny? Yung tinatawag nating destiny? Pag destiny mo, walang makakapigil sa iyo."

Kumakandidato si Ara sa ilalim ng partido ng Pasig City mayoral candidate na si Sarah Discaya.

Si Ara ay tumatakbong konsehal sa ikalawang distrito ng Pasig.

Suportado ni Discaya ang kandidatura ni Ara.

"And ako kasi, bawat galaw ko, I ask for a sign.

"I asked for a sign, and yung sign, si Ate Sarah yung dumating,” at ngumiti si Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, oo!” pakli pa niya.

Tingin ni Ara, may pagkakapareho ang showbiz at pulitika.

"Hindi ako basta-basta nagdedesisyon dahil hindi naman…

"Alam naman natin sa showbiz industry magulo na rin. Pero nasanay na tayo.

"Pero kahit magulo, at the end of the day, pamilya tayo, e.

“So, ganun din sa public service. Ang public service kasi iba din yung saya at nadudulot na nararamdaman mo pag nakakatulong ka.

“So I think, yeah, ito na yung calling ko — pasukin yung public service."

Read: The Ara Mina-Dave Almarinez love story

Gusto raw makatulong ni Ara sa tao.

"Hindi ko na dadayain yung edad ko. I’m already forty-five.

"I’m already forty-five, and I want to help more people, para mas lalong maraming matulungan.

“And iyon nga, lagi tayong nagbo-volunteer and sumasali, nakiki-cooperate sa mga foundations.

"Nakasama na rin ako sa St. Gerrard Foundation and doon kami nagkakilala ni Ate Sarah.”

Ang St. Gerrard Foundation ay pinamumununan ni Discaya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakapanayam si Ara ng miyembro ng media sa St. Gerrard Construction Building sa F. Manalo, Bambang, Pasig City, noong March 17, 2025.

Ang mister ni Sarah na si Curlee Discaya ang CEO ng St. Gerrard General Consultancy and Development Corporation, isang contracting company.

Ang incumbent mayor na si Vico Sotto ang katunggali ni Sarah sa pagkaalkalde, pati na rin ang independent mayoral candidates na sina Eagle Ayaon at Cory Palma.

Read: Aiko Melendez, Ara Mina, Shamcey Supsup for councilor sa 2025

ARA MINA ON HOW SHE DECIDED TO RUN AS COUNCILOR

May paliwanag pa si Ara tungkol sa rason ng kanyang pagtakbo sa nalalapit na May 2025 elections.

Lahad niya: "Aside sa calling, I prayed for it, I prayed for it.

“Mga three months akong nagdasal kung itutuloy ko. Kasi lumabas na yung sign.

"Aside sa sign, I prayed for it non-stop. Kasi siyempre may pamilya din tayo, alam nating politics is magulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But I think, if you are… if you have a pure heart really to help…"

Hindi malinaw kung ano ang eksaktong plataporma ni Ara o kung anong sektor sa lipunan ang gusto niyang matulungan sa kanyang pagtakbo bilang konsehal.

Ang tanging sinabi ni Ara ay naisip niyang mas marami siyang matutulungan kapag mayroon siyang posisyon sa gobyerno.

“Marami na akong nakitaan and hindi lang sa mga nakakasalamuha ko, even sa showbiz industry, sa atin, merong mga artista, merong mga kapwa press, na nahihirapan.

“Ambigat kasi hindi mo matulungan, ambigat sa loob, e, pag hindi mo natutulungan.

“So, I think pag pinasok mo na yung public service, parang mas magkakaroon ka na lalo ng authority at saka power to help people."

Read: Tatlong Yllana brothers, tatakbo sa 2025 elections

ARA MINA ON WIDER REACH IF SHE WINS THE ELECTION

Ibinigay ni Ara na halimbawa ang aniya'y sariling karanasan para makatulong sa kapwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Ara: “Kasi ang ginagawa ko before, pag hindi ko kaya, di ba, nagbebenta ako ng mga gamit ko pantulong?

"And siyempre may mga personal needs tayo...

"Tapos may mga foundation na susulatan ka or mga politicians para makahingi ka ng tulong para dito sa taong tutulungan mo. Minsan hindi ka nababalikan agad.

“Kasi hindi ko naman kayang matulungan lahat, so I also went to PCSO para matulungan itong tao na ito.

“Yung hinihingi kong tulong hindi para sa akin, ha? Para sa ibang tao."

Lalawak daw ang kanyang maaabot kung siya ay manalo.

“So, parang inisip ko, finlashback ko lahat ng mga… ‘Bakit hindi na lang ako tumakbo para mas lalo akong maraming matulungan?’

“And mas may ano na, ‘Ah, konsehal siya.’ Mas may influence kahit papaano, baka mas pansinin ka.

“Kasi siyempre, pag artista hindi masyadong... Oo, papansinin ka.

"Pero pag nasa public service, may mga law kasi, e, mga program, may mga ganun na para sa mga politicians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I think I can help more people. Eto, I think yung pagiging councilor, feeling ko marami akong matutulungan dito sa Pasig lalo na nung bumaba ako.”

Agosto pa lamang daw ng nakaraang taon ay nag-iikot na raw si Ara sa Pasig upang magpakilala sa mga residente roon.

October 2024 ang filing ng candidacy sa Commission on Elections para sa mid-term elections sa May 2025.

Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on joining 2025 elections: "Pag pinasok mo na yung public service, parang mas magkakaroon ka na lalo ng authority at saka power to help people."
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results