Nakahanap ng kakampi si Mariz Umali sa kanyang asawa at kapwa GMA Integrated News reporter Raffy Tima, gayundin sa iba pang kasamahang mamamahayag, sa gitna ng isyung kinahaharap niya ngayon.
Trending si Mariz dahil sa mapanirang paratang kasunod ng in-upload na video ng isang vlogger sa social media.
Si Mariz ay nasa The Hague, Netherlands para sa coverage ng akusasyong crime against humanity laban kay former President Rodrigo Duterte na didinggin ng International Criminal Court (ICC).
Sa nag-viral na video, pinaratangan si Mariz na tinawag na "matanda" si former executive secretary Atty. Salvador Medialdea habang isinasakay ito papuntang ambulansya.
Nahimatay si Medialdea habang binibisita nito si Duterte sa The Hague Penitentiary Institution noong Marso 18, 2025.
Matinding pamumuna ang natanggap ni Mariz mula sa netizens, partikular na ang mga masugid na tagasuporta ni Duterte.
Maging ang batikang mamamahayag na si Ramon “Mon” Tulfo ay nag-post at naglabas ng below-the-belt na komento laban kay Mariz.
Read: Ramon Tulfo draws flak for inappropriate comment about Mariz Umali
Noong Marso 19, nagbigay ng paliwanag ang Kapuso anchor sa pamamagitan ng Facebook.
Ayon kay Mariz, na-"misheard" siya ng nag-upload ng video.
Hindi raw “matanda” ang sinabi niya kundi “mata niya.”
Bahagi ng kanyang pahayag: "A certain vlogger has circulated a post containing my voice, claiming that I referred to Former Executive Secretary Medialdea as “matanda” while he was on a stretcher.
"This interpretation is inaccurate. What I actually said was, 'Tingnan mo yung ‘mata niya’ (Medialdea), nakabukas siya nung una pero nung nakita niya ako, pinikit.'"
MARIZ UMALI’S HUSBAND, COLLEAGUES DEFEND HER
Inalmahan ng mga katrabaho ni Mariz sa GMA News, tulad nina Nelson Canlas at Aubrey Carampel, ang post ni Ramon laban kay Mariz.
Sa kabilang banda, malumanay at positibo ang mensahe ng asawa ni Mariz na si Raffy Tima, isa ring anchor-journalist sa Kapuso network tungkol sa isyung kinasasangkutan ng misis.
Ni-repost ni Raffy ang paliwanag ni Mariz sa Facebook.
Short but sweet na caption dito ni Raffy: “I’m so proud of you mahal, you are doing a great job.”
Kalakip ng mensahe ni Raffy ay smiling faces with heart emojis.
Ikinasal sina Mariz at Raffy noong 2012.

Komento naman ng veteran GMA News reporter na si Sandra Aguinaldo sa post ni Raffy (published as is): “go, go, go Mariz Umali!”
Komento ni Sandra sa IG post naman ni Mariz: “Cheering for you, Mariz! You are doing a great job [heart emojis]”


Ni-repost naman ni Kim Atienza ang post ng kanyang “colleague and friend” na si Mariz ukol sa isyu.
Nauna nang nag-post ang isa pang kasamahan ni Mariz na si Joseph Morong upang kastiguhin ang vlogger na nag-post ng viral video.

Read: Joseph Morong, ipinagtanggol si Mariz Umali sa bashers
Nagpasalamat naman si Mariz sa kanyang mga kasamahan at sa netizens na nagpahayag ng kanilang suporta.

