Walang problema para kay Gil Cuerva kung madalas ay supporting roles ang ibinibigay sa kanya ng home network niyang GMA-7.
Ito ay kahit bida agad siya sa kanyang unang teleserye sa Kapuso network, ang Philippine adaptation ng hit South Korean drama series na My Love From The Star taong 2017.
Siya ang gumanap sa role na unang ginampanan ng Korean actor na si Kim Soo Hyun.
Nakatambal ni Gil sa PH adaptation ng My Love From The Star si Jennylyn Mercado.
Read: Differences of GMA-7's My Love From The Star PH from the original Korean drama

Sa bagong murder-mystery series ng GMA-7 na Slay, supporting role ang ginagampanan ni Gil.
Okay lang ba ito kay Gil?
"No problem," mabilis niyang sagot.
"You know, honestly, looking back ha, obviously, sobrang thankful ako for My Love From The Star na first show ko, lead.
"But parang, looking back, it would also even be okay kung yung parang, yung nangyayari ngayon sa iba na parang bini-build, yung parang nag-i-start sa ano, dahan-dahan.
"Mga smaller roles until bigger. Ako kasi, parang salang agad, e.
"Which, I mean, I'm still grateful for it, you know. But siyempre, parang medyo na-shortcut yung process.
"Na siyempre pag sinu-shortcut mo, you get what you put in.
"For me, it's not a... it's not a race. It's a marathon.
"So, gusto ko tumagal sa industriya.
"So I have no problem accepting whatever role."
Ano ba ang nais niyang mapatunayan ngayon sa bawat proyektong ginagawa niya?
Sagot ni Gil, "Yung objective ko lang, kada role, is to prove sa mga director na, 'Uy, kaya naman niya.'"
Paano niya nais i-improve ang kanyang craft?
Ayon sa actor-model: "Ako kasi ano, like... well, I'm definitely grateful kasi sa Sparkle kasi mayroon silang mga Sparkle workshops.
"So, especially since pag wala akong ginagawa, wala akong mga show.
"Like last year, medyo konti pa lang yung mga naging work ko last year.
"I'd like to think na naging masipag naman ako sa mga Sparkle workshops. They offer workshops.
"So, yung mindset ko is, if wala akong ano, like painting ngayon, dapat meron pa rin akong ginagawa na related sa job or sa industriya.
"What can I do? Workshop, parang yan lang yung parang bare minimum, di ba?
"Kung wala ka naman ginagawa, pasok ka sa workshop.
"So, yun yung ginagawa ko. Also, I think, having an open mind.
"I want to be, you know, hindi man ako tumatak bilang magaling na aktor sa mga director, producers. Yung gusto kong tumatak sa kanila is I'm willing to listen.
"I'm willing to listen and learn. Just have faith in me.
"But I'm willing to listen, to learn, to be someone that you can work with."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang media si Gil sa terrace ng Luxent Hotel pagkatapos ng presscon ng Slay noong nakaraang linggo.

Read: Gil Cuerva on playing "third wheel" in I Can See You
Gil CuervA ADMITS STARTING IN SHOWBIZ WITHOUT PROPER WORKSHOP
Karaniwan na para sa mga baguhan na tagawing "bano" o "ham actor."
At isa si Gil sa mga nakatanggap ng mga batikos na ganito noon.
Lahad niya: "Lalo na po noong My Love From The Star, noong bago pa lang ako.
"Siyempre, first show. Mahaba po yung buhok ko.
"Yung nga po, first show ko yun, first salang ko sa TV.
"So, anything acting-related, tapos wala pa akong workshop dun."
Sinalang siya kaagad?
Aniya: "Yes. So, I mean, nag-workshop ako while the show was going on.
"Pero yung parang before, na may formal training, wala talaga po.
"So, yes, ang dami talaga po. And I guess, I understand that.
"Ayun, for me, I guess, looking back at it now, parang it's been eight years, I think, or seven years. Valid naman.
"Like, most of it at least. Most of them, valid naman.
"Yung mga hindi naman personal. Yung mga tungkol sa acting, valid naman.
"Kasi, for me, what do you expect?
"Kasi parang, first show ko yun, e. So, talagang newcomer.
"So, it's bound to happen na magkakamali ako.
"Or baka may moments nag-underperform or underdeliver ako.
"Bago lang din ako sa industriya. Hindi ko pa gamay masyadong the way things work. So, ayun.
"Kaya nga parang naisip ko, if they give me that show now, parang mas marami ako puwedeng ibigay sa show na yun, kesa before."
Nagsimula nang mapanood ang Slay sa GMA Prime noong March 24.
Bida rito sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, Mikee Quintos, at Derrick Monasterio.
Read: Derrick Monasterio emotional after being praised for his acting
