Nabiktima umano ng hit and run ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin.
Ito ang ibinahagi ni Kristoffer sa kanyang Facebook post nitong Biyernes ng gabi, March 28, 2025.
Sa maikli niyang post ay sinabi ng aktor na tinakbuhan siya ng rider ng isang ride-hailing service na nakabangga sa kanyang sasakyan.
Walang ibang detalyeng ibinigay si Kristoffer gaya ng kung saan at kailan naganap ang insidente.
Read: Kristoffer Martin admits crush on Kathryn Bernardo in the past
Narito ang post ni Kristoffer:

KRISTOFFER MARTIN UPDATES
Sa comments section ng kanyang post, tuluy-tuloy ang pag-a-update ng aktor.
“Tiningnan lang ako tapos humarurot,” komento niya.
Pagkalipas ng isang oras ay muli siyang nag-comment: “Hi guys! Thank you sa concerns. Okay po ako. Sasakyan lang yung nadamage.”
At panghuling komento ni Kristoffer (published as is), “Okay na guys. Natrace na. Nasamin na din contact no.”

Ngayong umaga, nag-Instagram Story si Kristoffer ng kanyang black SUV na nasa car-repair center.

Read: Darren Espanto reveals sentimental reason for buying a Cadillac worth PHP19 million
