PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sugar Mercado confirms past relationship with Willie Revillame

Sugar on Willie: "Minahal ko talaga yung tao nang sobra pa."
by Bernie V. Franco
Published Mar 29, 2025
Sugar Mercado, Willie Revillame
Sugar Mercado reveals she had a romantic relationship with TV host Willie Revillame that lasted for seven years. "At hanggang ngayon, hindi na maaalis yun sa buhay naming mga anak ko, nasa puso na namin siya habang buhay,” says Sugar.
PHOTO/S: @masugarmercado7 on Instagram

Kinumpirma ni Sugar Mercado na nagkarelasyon sila ng TV host na si Willie Revillame sa loob ng pitong taon.

Hindi na bago ang isyung ito, subalit dati ay itinatanggi at umiiwas si Sugar sa tuwing matatanong ukol dito.

Pero ngayon ay inamin ng dating SexBomb Girls dancer na nagmahalan sila ni Willie sa loob ng maraming taon.

Si Sugar ay naging co-host noon ni Willie sa Wil Time Bigtime (2011-2012) sa TV5 at Wowowin (2017) sa GMA-7.

Read: Sugar Mercado denies rumored affair with Willie Revillame

Ginawa ni Sugar ang pag-amin sa YouTube interview sa kanya ni Ogie Diaz na in-upload noong March 28, 2025, Biyernes.

Sa simula, idinaan muna ni Sugar sa biro ang mga sagot nang tanungin siya kung totoong naging magkarelasyon sila ni Willie ng pitong taon.

“Hindi ako sure. Hindi naman siya umamin, e,” sabi ng dancer-comedienne saka siya tumawa nang malakas.

“Ang kapal naman ng mukha ko [na] umamin ako, hindi naman siya umamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ako sure. Baka mamaya nag-bonding lang kami,” patuloy na pagbibiro ni Sugar.

Ni-rephrase ni Ogie ang tanong: kung sa pagkakaalam ba ni Sugar ay naging sila ni Willie sa loob ng pitong taon?

“Oo,” pagkumpirma ni Sugar.

Ipinaliwanag ni Sugar kung bakit sa previous interviews ay hindi niya ito inamin.

Saad niya: “Siyempre nakakahiya naman kung ako lang yung ano, di ba?

"Siyempre, kababae kong tao… kahit hindi ako mukhang babae, siyempre may heart din ako, wow!

“And okay naman yun kasi alam mo naman siya [Willie], pribado siya masyado.

“And sabi ko nga, never akong nagsisi sa lahat ng nangyari sa life ko.

“At aminado rin naman ako na minahal ko talaga yung tao nang sobra pa.”

Inusisa si Sugar kung naramdaman ba niyang sinuklian ni Willie ang kanyang pagmamahal.

“Oo naman, lalo na yung dalawang anak ko,” walang pag-aalinlangang sagot ni Sugar, na may dalawang anak na babae mula sa kanyang dating asawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At hanggang ngayon, hindi na maaalis yun sa buhay naming mga anak ko, nasa puso na namin siya habang buhay.

“Wala naman akong masasabing hindi maganda sa kanya kasi minahal niya talaga yung mga bata.”

Pero matagal na raw silang hindi nag-uusap at nagkikita ni Willie.

Sugar Mercado, Willie Revillame
Sugar Mercado says she and Willie Revillame had loved each other romantically in the past.
Photo/s: Ogie Diaz on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sugar Mercado, iwas sa mga tanong tungkol kay Willie Revillame

NOT LOOKING FOR LOVE

Sabi pa ni Sugar, ipinapaliwanag niya sa kanyang mga anak na busy ngayon si Willie, na tumatakbong senador para sa 2025 elections.

Naging malapit daw kasi ang dalawa niyang anak sa TV host.

Sa ngayon ay single si Sugar at hindi na raw siya naghahanap ng love life.

Nais daw niyang ibuhos ang kanyang oras at atensiyon sa mga anak.

“Sa ngayon ay hindi na ako naghahanap. Okay na ako sa [mga] anak ko. Kuntento ako sa kanila.

"Okay sila, okay ako,” saad ni Sugar, na kandidata sa Mrs. Philippines International 2025.

Pakiramdam daw ni Sugar ay mas lalo lang niyang nilalapit sa masakit na sitwasyon ang kanyang mga anak kung papasok pa siya sa isang relasyon.

Tila nais ipunto ni Sugar na hindi maiiwasan ang masaktan kapag pumasok sa isang relasyon.

Sabi niya: “Mas lalo ko silang nilalapit sa masakit na sitwasyon, mas nadudurog sila… mas durog na durog ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, mas pipiliin ko na kami-kami na lang, kesa masaktan yung mga anak ko.”

Ang nais daw ngayon ni Sugar ay mapalaki nang maayos ang mga bata.

“Gusto ko yung anak ko makita ako na, ‘Okay si Mommy. Handa siyang ibigay ang kaligayahan niya for us.’

“Para paglaki nila, maging mabuti silang bata. Makatapos sila.

"At makita nila na lahat ginawa ko para sa kanila, hindi ako nagpakasama bilang nanay.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sugar Mercado reveals she had a romantic relationship with TV host Willie Revillame that lasted for seven years. "At hanggang ngayon, hindi na maaalis yun sa buhay naming mga anak ko, nasa puso na namin siya habang buhay,” says Sugar.
PHOTO/S: @masugarmercado7 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results