Isang sweet na mensahe ang ibinahagi ni Mavy Legaspi para kay Ashley Ortega matapos ang eviction ng Kapuso actress sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab, Sabado ng gabi, March 29, 2025.
Kasamang na-evict ni Ashley ang kanyang ka-duo, ang Kapamilya actress-dancer na si AC Bonifacio.
Sila ang unang evictees ng PBB Celebrity Collab Edition. Tumagal sila ng tatlong linggo sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Ayon kay Mavy, proud siya sa kanyang kasintahan, na nakitang nalungkot matapos mapalabas sa Bahay ni Kuya.
Read: AC Bonifacio, Ashley Ortega first duo evictees in PBB Celebrity Collab

“i am so happy the people got to know you better… and they love you! welcome back to the outside world honey bunny!” mensahe ng Kapuso actor-TV host sa kanyang Instagram Story.
Kalakip ng message ni Mavy ang isang black-and-white photo kung saan buhat-buhat niya ang girlfriend.
“a girl like you? so lovable,” pahayag pa niya.

Personal na nasaksihan ni Mavy ang paglabas ni Ashley sa Bahay ni Kuya dahil kabilang siya sa mga host ng PBB Celebrity Collab.
Bakas sa mukha ni Mavy na apektado siya sa pagkaka-nominate at pagkaka-evict ni Ashley sa live episode ng reality show kagabi.
Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 15 housemates
ASHLEY AND AC INSIDE THE PBB HOUSE
Natapos ang pagigiging housemate nina Ashley at AC dahil nakuha nila ang pinakamababang boto kumpara sa dalawa pang duo na nominated din.
Ang duo nina Michael Sager at Ralph de Leon ang nanguna sa botohan, matapos nilang makuha ang 45.89% of the total votes.
Pumangalawa naman ang duo nina Will Ashley at River Joseph na nakuha ang 36.87% of the total votes.
Samantala, 17.25% lamang ang total na boto na nakuha nina Ashley at AC mula sa voting public.
Sa loob ng PBB house ay ilang mga isyu ang hinarap ni Ashley.
Kabilang na rito ang hindi nila pagkakaunawaan ni AC, at ang hidwaan nila ng isa pang housemate at kapwa Kapuso na si Will Ashley tungkol sa leadership sa isa nilang weekly task.
Hinarap din ng 26-year-old actress ang problema niya sa kanyang ina, na hindi na niya nakausap at nakita matapos siyang lumayas sa kanilang bahay three years ago.
Read: Herlene Budol expresses support for Ashley Ortega in PBB
Na-evict man si Ashley mula sa PBB ay hindi maikakailang dumami ang kanyang supporters.
Sa katunayan, trending ang pangalan ni Ashley sa X (dating) matapos ang kanyang eviction.
Nag-post din si Mavy tungkol sa trend na ito.
Sa kanyang screenshot, makikitang Top 3 sa trending topic ang pangalan ng kanyang girlfriend, na may 96.8k posts na.
“enough said. good night world, good night Philippines,” caption ni Mavy sa post niya sa Instagram.
