Makasaysayan ang performance ng 19-year-old Filipino tennis player na si Alex Eala sa 2025 Miami Open.
Hindi inaasahan ng international sports fans na matatalo ni Alex ang ilang grand slam champions para umabot sa semifinals ng nasabing tennis tournament.
Read: Meet Alex Eala: Pinay tennis player and history-maker at 2025 Miami Open
Naging favorite si Alex sa 2025 Miami Open nang talunin niya ang top-ranking players na sina Iga Swiatek ng Poland at Madison Keys ng Estados Unidos.
World No. 2 si Iga at World No. 5 naman si Madison sa worldwide singles rankings ng Women’s Tennis Association (WTA).
World No. 140 lamang ang ranking ni Alex nang magsimula ang 2025 Miami Open noong March 18, 2025.
Sa semifinals naman ay nakalaban ng Pinay athlete ang World No. 4 na si Jessica Pegula ng Estados Unidos. Dito na nagtapos ang kanyang kampanya sa Miami Open.
Dahil sa kahanga-hangang performance ni Alex ay inaasahang aakyat ang kanyang WTA ranking sa World No. 75.
Dahil kabilang na siya sa Top 100 players, direkta nang makakapasok si Alex sa lahat ng masters at major teenis tournaments. Kasama na ang apat na major championships — Australian Open, French Open, Wimbledon, at US Open.
Nagmarka rin ang 19-anyos na tennis player sa mundo ng tennis dahil siya ang kauna-unahang Pilipina na nakatalo ng Top 10 players mula nang magsimula ang WTA rankings noong 1975.
Read: Boxing champion George Foreman passes away at 76
View this post on Instagram
ALEX EALA ON HER MIAMI OPEN RUN
Sa kanyang Instagram account ay nagpahayag si Alex ng pasasalamat sa mga tagasuporta niya.
Mensahe ni Alex: “I’m proud of myself for pushing through those tough moments, as well as to have been able to make a statement for the Philippines in one of the biggest stages of tennis.
"Moreover, I’m thankful for all the positivity coming my way, and I pray that you all continue sending support through the highs and lows.
"Salamat sa lahat ng pagdadasal at magagandang mensahe."
Pahayag pa ni Alex, inaasahan na niya ang susunod na mga oportunidad na darating sa kanyang athletic career.
“I recognize that these two weeks have opened the door to so many opportunities for me, but along with those opportunities come a whole new set of obstacles I will have to navigate through.
"The real work starts now," sabi ni Alex.
View this post on Instagram