Aminado ang sikat na content creator na si Zeinab Harake na dumaan siya sa matinding depresyon kung saan sumailalim pa siya sa psychotherapy at medications.
Ayon kay Zeinab, naging malaking tulong ang pagpasok sa kanyang buhay ng fiancé na si Bobby Ray Parks Jr. para malagpasan ang mental health condition niya.
"Year 2022 yung last therapy ko, 2022-2023, ganyan. Ginamot ko yun kasi nagkakapitik ako, honest lang.
"Sa dami ng black days ng buhay ko, nagkaroon na ako ng ganun, talagang magte-therapy ako, naggagamot ako para makatulog kasi di talaga ako makatulog.
"Saktung-sakto rin nung pumasok si Ray sa buhay ko, 2023 February, nakatulong while nagte-therapy ako, while nagte-take ako ng medications.
"Binigay niya sa akin yung relationship with God. Talagang sobra-sobra yung tulong nun sa akin.
"Ngayon, I'm not in medication na," lahad ni Zeinab nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng OK To Be Empowered Together na ginanap sa Billionaire's Club ng Cork Elite, sa Bonifacio Global City, noong March 26, 2025.
Read: Zeinab Harake: New Beginnings

ZEINAB HARAKE ON BASHING
Ayon kay Zeinab, malaking dahilan kung bakit siya sumailalim sa depresyon ay ang kabi-kabilang pamba-bash na tinatanggap niya noon sa social media.
Saad niya: "Sobrang peak din, actually kasagsagan ito ng marami kong issues.
"Sobrang dami na nung comment din ng mga tao, hindi puwedeng hindi ako naapektuhan kasi dinamdam ko rin siya.
"Lahat yun nag-reflect talaga sa akin.
"Pero tapos na yun. Nagpapasalamat ako sa Diyos na na-overcome ko na wala akong tinapakang tao, and nagawa ko ang lahat ng part ko para sa family ko."
Ibinahagi rin ni Zeinab na nung pumasok sa buhay niya si Ray ay tinanggihan niya ito nung una.
Pero nag-exert daw ito ng effort para makapasok sa pusok at buhay niya.
Sabi ni Zeinab: "Pinapalayo ko siya, hindi ako ready. Hindi dahil I am in pain because of other people, I'm in pain for myself.
"Dun pumasok talaga sa akin lahat ng anxiety ko, pero hindi ko sinisisi sa ibang tao, e, talagang parang nagse-self-pity ako, e.
"Nung pumasok si Ray, tama, broken ako as a person. Pero hindi ako broken because of other people.
"Yung pagbuo niya ng puso ko, nadamay din yung pagbuo ng pagkatao ko.
"Talagang pinagpapasalamat ko yun sa kanya. Sabi ko nga, 'Hindi kita rebound, hindi kita ginamit.'
"Siya rin naman yung nag-aano, talagang pinapalayo ko siya, ayokong makasakit dahil hindi ako ready at that moment.
"Pero talagang inilaban niya and it's all worth it."

ZEINAB AND RAY NOW PREPARING FOR THEIR WEDDING
Sa ngayon nga ay pinaghahandaan na nina Zeinab at Ray ang nalalapit nilang kasal na magaganap ngayong taon.
Pagbabahagi ni Zeinab: "Yes, within a year, local.
"Dapat mag-a-abroad kami, nahihirapan akong ilipad ang mga anak ko.
"So, ang pinaka-best advice sa amin... 'Magpakasal muna kayo, saka ninyo ayusin para at least dalawa na kayo, hindi ka na single mom.'
"Alam niyo naman dito sa atin."
Pagdedetalye pa ng influencer: "Outdoor siya, it's a Christian wedding.
"It's about honoring God, yung pagmamahalan namin ni Ray, lahat talaga yun.
"Actually, kaya gusto naming magpakasal para i-honor si God. Hindi dahil magbe-baby agad, hindi.
"Marami pa kaming gustong i-build sa future namin nang hindi namin minamdali, pero at the same time, gusto lang talaga namin i-honor si God."
Inamin ni Zeinab na nape-pressure siya sa paggawa ng wedding vows para kay Ray.
"Vows, actually dun ako nape-pressure," sambt niya.
"Pag napanood niyo yung proposal [ni Ray], ang galing ng pagpo-propose niya sa akin.
"Sinimulan niya tayo sa Bible verse, English talaga.
"Sabi ko, 'Puwede ba huwag mong solohin yung wedding vows mo? Hayaan mong may papel lang din tayong hawak.'
"Talagang sobrang talino ni Daddy Ray. Yun naman talaga yung isa na na-in love ako. Smart man talaga."

ZEINAB-RAY WEDDING: A PRIVATE AFFAIR?
Ayon kay Zeinab, hindi nila gagawing private ang kanilang wedding ngunit gusto niyang lahat ng lalabas na photos at videos ay "official."
Paliwanag niya: "Hind siya private pero gusto ko lang ng private time.
"Kasi mayroon akong pina-plan for my wedding day na sana bago mailabas ng tao, lahat ng invited sa kasal ko — utang na loob, ha, nag-order din ako sa China ng SIM-blocked na phone — kasi gusto namin lahat is official.
"Hindi naman namin ipagdadamot yung photos and videos, pero sana lang bigyan lang nila kami ng time, kasi ako ang nag-e-edit.
"Nung proposal, na-stress ako kasi may supplier naglabas. Umiiyak ako, natataranta ako, tarantang-taranta ako.
"Nag-e-edit ako, gusto ko nang habulin, e, ayoko ng ganung pressure.
"Sana magawa ko ito with all my love talaga, dun sa passion ko, yung makita ko na, 'Heto, perfect ito.'
"Actualy, kausap ko na naman yung video team, talagang nagdi-direct na ako ngayon pa lang, hands on talaga.
"Sana huwag lang may mabaling na maglabas, sana yun lang, yun lang ang gift na nire-request namin. Yung privacy lang para ma-enjoy din namin lahat.
"Gusto ko presence, hindi yung...
"Labas muna natin ang social media sa araw ng kasal ko kasi gusto ko presence ng mga taong nagmamahal sa amin at masaya sa kung ano ang mayroon sa amin."
ZEINAB AT BENCH FASHION SHOW
Kabilang si Zeinab sa rumampa sa nakaraang Bench Body of Work na ginanap sa SM Mall Of Asia Arena nung March 21.
Labis ang pasasalamat ni Zeinab na natupad ang matagal na niyang pangarap rumampa sa fashion show.

Saad niya: "Hanggang ngayon overwhelmed pa rin ako, hindi ko pa rin mapaniwalaan na binigyan ako ng ganung opportunity.
"Trip ko rin kasing mag-model, 'O sige, nakuha ko na yung rampa ko dun, yung tangkad ko.' Sobrang blessed, sobrang saya talaga.
"Parang ginawa ko lang yung hobby ko nung bata ako, tapos with modelling. Parang na-enjoy ko lang talaga, na-enjoy ko lang.
"Kung mapapansin niyo yung pagtalikod ko, pagkuha ng ano, 'Hinga. Okay, Lord is with me. Harap.'
"Yung pagharap ko nang ganun, kinaya ko na lang talaga.
"Na-disappoint lang ako nung di ko nasalo yung baton, pero at the end of the day, nagpapasalamat pa rin ako ng ganung opportunity.
"Si Bench ang nagsabi sa akin na mag-baton twirling ako kasi napapanood yata nila yung baton twirling ko.
"Happy naman na gawin yun kasi, di ba, may twist. Ang dami nang rampa, ganyan, yung sa akin nagkaroon ng twist and, yun, nakakakilig."
Read: Bench show hot mommas: bongga ang pagrampa at paghahanda
Ayon pa kay Zeinab, dapat ay kasama si Ray na rarampa sa nakaraang Bench fashion show. Pero hindi natuloy.
Pagbabahagi nya: "Actually, si Daddy Ray dapat kasama rin dapat si Ray.
"Pero may game siya sa Japan on the day ng ramp talaga so di siya makauwi."
Pero proud na proud daw sa kanya ang mapapangasawa.
"Sobrang proud ni Daddy Ray. May sinabi siya sa akin na yung pagkakamali raw ng iba, blessing sa kanya. Ganun daw niyang tingnan.
"Sabi ko, 'Grabe, sobrang blessed ko.'
"Grabe itong mapapangasawa ko and nakakakilig din, kasi may mga partner na hindi gusto na naglalakad ka nang naka-two piece, naka-bikini.
"Pero siya, sobrang supportive talaga.
"Alam naman niya na lahat ng ginagawa ko, for my future din, para din sa amin, sa mga bata, ganyan.
"Ngayon nagiging open na tayo na kahit mga mommies na nabibigyan sila ng opportunities o chance to prove themselves.
"Para sa akin, naiintindhan niya [Ray], abot niya yun.
"Akala ko kasi dati nung nagka-baby na ako, tapos na ang lahat. Nagkaroon ako ng ganung isip.
"Pero sabi ni Lord, 'Hindi. Hindi porke't may anak ka, wala na, tapos na.'
"Blessed, hindi ko tatanggihan, and pinaka-perfect dun ay yung support ng family ko.
"Kung mapapanood ninyo ang vlog ko, hindi lang si Ray ang nag-support kundi pati mga anak ko, nag-support sila."
May dalawang anak si Zeinab — sina Lucas, 7, at Bia, 3.
Si Lucas ay adoted son niya, habang si Bia naman ay anak niya sa rapper na si Skusta Clee.
Read: Zeinab Harake takes kids to Bohol for first time

