PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Russian vlogger arrested, detained for disruptive behavior in BGC

The Russian vlogger has a history of menace and arrests in other countries.
by Bernie V. Franco
Published Apr 3, 2025
vitaly zdorovestskiy
Russian vlogger Vitaly Zdorovetskiy was arrested by the Criminal Investigation and Detection Group for harassing an elderly woman and some security personnel in Bonifacio Global City, Taguig, as part of his content.
PHOTO/S: CIDG via ABS-CBN

Inaresto at sinampahan ng mga reklamo ang Russian vlogger na nag-viral dahil sa napaulat na pangha-harass at “disruptive behavior” nito sa Bonifacio Global City (BGC), sa Taguig, kamakailan.

Kinilala ang Russian vlogger bilang si Vitaly Zdorovetskiy, 33.

Ayon sa mga ulat, inaresto si Zdorovetskiy nitong Miyekules ng hapon, April 2, 2025, sa bisa ng mission order ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagiging “undesirable alien” nito.

Sa mga kumalat na videos online, mapapanood ang pambabastos ng Russian vlogger habang namamasyal sa BGC para sa kanyang content.

Kabilang dito ang pagmumura niya sa isang naglalakad na female senior citizen.

vitaly zdorovetskiy
The Russian vlogger was seen in one video harassing a senior citizen. He also cursed at the elder woman.
Photo/s: TikTok / Vitaly
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang video ay makikitang inagaw niya ang cap ng security guard sa isang mall.

Vitaly Adorovetskiy
The Russian vlogger acted in a disruptive behavior while in BGC, such as taking the cap of an unassuming security guard and running away with it.
Photo/s: TikTok / Vitaly

Mayroon ding video kung saan kinulit at tinangka niyang agawin ang baril ng isa pang security personnel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang video ay makikitang binastos niya ang isang traffic enforcer, kung saan sinakyan at pinaandar niya ang motorsiklo nito.

Nang mapadaan naman sa isang restaurant, binuhat at itinakbo niya ang isang stand fan.

Ngayong umaga ay nakapanayam sa ABS-CBN Teleradyo ang isang Boracay surfer na ibinunyag na binastos din siya ng vlogger nang magpunta ito sa isla.

Read: Why Meghan Markle’s one-pan tomato pasta is controversial

RUSSIAN VLOGGER ARRESTED

Apat na security guards at isang resto manager ang nagtungo sa Taguig City Police para ireklamo si Zdorovetskiy ng unjust vexation at theft, ulat ng News5.

Natagpuan ng mga awtoridad ang lokasyon ni Zdorovetskiy sa Intramuros kung saan ito inaresto.

Nang arestuhin si Zdorovetskiy kahapon, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na nakipag-coordinate sa kanila ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Si Zdorovetskiy ay isang Russian national na tumira sa Amerika.

Ang “infamous Russian vlogger” ay nag-trending sa social media “for doing disruptive acts sa BGC,” ani Sandoval sa interview niya sa ABS-CBN Teleradyo, April 3, 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binanggit nga ni Sandoval ang mga “pambabastos” ng vlogger sa isang senior citizen at sa security guards.

“Binabastos na niya po talaga. Hindi lang po basta prank, talagang pambabastos,” aniya.

“Disruptive na po yung behavior niya.

"Hindi lang po siguro siya nang-aasar kasi meron siyang kinuhanan niya yung motorcycle ng security guard, merong nabangga daw ang traysikel; minumura ang senior citizen dahil naka-face mask…”

Ayon kay Sandoval, hindi ito ang unang beses na nahuli si Zdorovetskiy.

“Nag-research ang BI, gawain niya ito sa iba't ibang bansa. Hindi ito ang first time na nahuli siya. Nakulong siya dahil sa mga disruptive na mga activities,” pahayag ng BI spokesperson.

Idinagdag din ni Sandoval na nang arestuhin ng mga pulis si Zdorovetskiy, wala silang nakitang “remorse” dito.

Nagbigay pa umano ito ng flying kiss sa camera nang basahan siya ng kanyang Miranda rights.

“So, parang nae-enjoy pa niya yung limelight na dulot ng kanyang kaguluhan," ani Sandoval.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

vitaly zdorovetskiy
The foreign vlogger wears a grin on his face while authorities reads to him his Miranda rights.
Photo/s: TikTok / Chikabulletin

Nalaman din ng BI na ang kumukuha ng videos ni Zdorovetskiy ay isang Pilipinong content creator din.

Read: Why you should not drink coffee on an empty stomach

WHAT’S NEXT FOR VITALY

Ayon kay Sandoval, umaandar na ngayon ang deportation case laban sa banyagang vlogger, kasabay ng kung meron pang local case sa Pilipinas laban dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Aandar din po yun kasabay ng deportation case.

“Kung sakali po na magkaroon siya ng local case at siya po ay hatulan ng pagkakabilanggo dito sa Pilipinas, kailangan po muna nating antayin yun, at mabibilanggo po siya dito sa Pilipinas bago po natin mai-implement yung deportation.”

Kinumpirma rin ni Sandoval na nakadetine ngayon sa BI si Zdorovetskiy.

Allowed daw itong kontakin ang kanyang pamilya at embassy nito sa Pilipinas pero bawal gumawa ng content.

Sabi pa ng spokesperson, ang hakbang ng BI laban sa vlogger ay deportation at ma-blacklist sa Pilipinas.

Samantala, nagbunyi naman ang netizens sa pagkakaaresto ni Zdorovetskiy dahil nagalit ang mga ito sa inasal ng content creator para lamang sa kanyang content creation.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Russian vlogger Vitaly Zdorovetskiy was arrested by the Criminal Investigation and Detection Group for harassing an elderly woman and some security personnel in Bonifacio Global City, Taguig, as part of his content.
PHOTO/S: CIDG via ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results