Isinara na ni Ai-Ai delas Alas ang yugto ng kanyang buhay sa usapin sa pagitan niya at ng estranged husband na si Gerald Sibayan.
Sa kanyang Facebook noong April 1, 2025, nagpasalamat si Ai-Ai sa mga taong dumalo sa concert ni Sofronio Vasquez sa Sacramento, California, kung saan siya ang guest performer.
Mensahe ni Ai-Ai, "Thank you very much Sacramento ... (late post for march 29 show of Sofronio Vasquez) ..."
Kasunod nito ang pagbanggit ng comedy-performer sa kanyang personal na buhay.
Nagpasalamat muna siya sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya lalo na noong down na down siya.
Malaking tulong daw ito para makahugot siya ng lakas kahit inakala niyang wala na siyang masasandalan.
Saad ni Ai-Ai: "About my personal life ... to the incredible friends and family who've stood by me through the hardest moments—thank you for your unwavering support, love, and patience.
"You've helped me find strength when I thought I had none."
Ngayong nagmu-move on na siya, wala na raw itong atrasan pa.
Isinara na raw niya ang yugto ng kanyang buhay na hindi niya direktang tinukoy.
Bagamat hinubog daw siya ng nakaraang ito, panahon na upang yakapin ang hinaharap nang may pag-asa at paghihilom.
Handa na raw siyang harapin kung ano ang nakalaan sa kanya para sa mga taong tumulong sa kanyang makabangon.
Buong sabi ni Ai-Ai: "As I MOVE FORWARD, there's no looking back.
"I've CLOSED that chapter, and while the past shaped me, it’s time to embrace the FUTURE with hope and healing.
"I’m ready for what’s next, with gratitude for those who’ve helped me rise. To GOD be the glory amen #chaptersuperclosed #movingforwardwithGodshealinghand"
Sa comments section ng kanyang post ay nag-iwan ng mensahe ang isang kaibigan ni Ai-Ai.
Mensahe ng netizen: "So happy you closed that chapter. There’s only wonderful times awaiting for you! Open that door of new opportunities and enjoy yourself!!!"
Sagot ni Ai-Ai: "thank you teacher"

Read: Ai-Ai delas Alas, napatunayan ang pagtataksil ni Gerald Sibayan
AI-AI WITHDRAWS GREEN CARD PETITION FOR GERALD
Iniurong na ni Ai-Ai ang kanyang green card petition para maging U.S. citizen si Gerald dahil na rin sa kanilang hiwalayan.
Ayon sa ulat ng Cabinet Files, pinaboran ng U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) ang apela ni Ai-Ai, noong Enero 8, 2025, na bawiin ang kanyang Petition for Alien Relative para kay Gerald.
Dagdag pa sa ulat, hindi na puwedeng iapela na bawiin ang petisyon para maging permanent U.S. resident si Gerald dahil malinaw na nakasaad sa pasya ng USCIS na “There is no appeal to this decision.”
Maliban na lang kung maghain si Ai-Ai ng motion to reopen or reconsider, na imposibleng mangyari sa ngayon bilang nasaktan siya nang husto sa ginawa sa kanya ng asawa.
Mahihirapan na rin si Gerald makapagtrabaho sa Amerika dahil kabilang ang pagbawi sa kanyang travel at work permit sa Amerika sa mga hiniling ni Ai-Ai sa Withdrawal of Approved I-130 and Adjustment of Status letter niya sa USCIS.
Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Gerald sa isyu.
Read: Ai-Ai delas Alas's green card petition for Gerald Sibayan revoked
