1,055 waterfalls all over the Philippines ang napuntahan ng dating sexy actor na si Dante Balboa sa loob ng 23 years.
Nag-umpisa iyon noong Year 2000, bago pa siya ipinakilala ng Seiko Films sa pelikulang Kasiping (2002) na pinagbidahan nina Diana Zubiri, Halina Perez, at Rodel Velayo.
Panay-panay ang sexy pictorial niya sa mga napuntahang talon.
Dinu-document din niya ito at ina-upload sa YouTube.
Read: Former Seiko star Dante Balboa returning to showbiz as director

“Yes, that’s my advocacy,” sabi ni Dante nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Marso 25, 2025, Martes, sa Manila Hotel.
“And yun kasi, meron ding twist yon. Kasi kung napapansin niyo, mga naka-trunks ako dun.
“Kasi yung process nun, yun ang hindi alam ng tao kung paano ako nakakahikayat sumama sa akin.
“Kasi para may sumama sa yo, kailangan… you know what I mean, siyempre. Merong ano yan, e. Merong psychology dun.
“Siyempre pag nakita nila sa Facebook na sexy ka, interested silang sumama. Pag nakita nilang conservative ka sa Facebook, walang sasama.”
Sex sells!
“Yes, that’s why may sinulat din akong script tungkol dun,” sambit ni Dante, na nagsu-shoot na ng directorial debut niyang pelikula, iyong Graduation Day starring Jeric Gonzales and Elizabeth Oropesa para sa BenTria Productions.
Read: Pare Ko star Nikka Valencia: Where is she now?

DANTE BALBOA'S GREATEST ACHEVEMENT
Iyong pagpunta sa waterfalls ang itinuturing niyang greatest achievement sa buhay. Magastos iyon, huh?!
“Yes, personal expenses ko kasi yun. Yung lahat ng sinusuweldo ko, lahat ng kinikita ko, dun napupunta talaga,” pagtatapat ni Dante.
Kumalat online iyong pictures niya sa waterfalls na see-through ang suot niya, o wala siyang saplot.
Paliwanag ni Dante, “Ganito kasi yan. Yung… kasi hindi nila alam yung methodology kung paano ko ginagawa.
“So, hindi yun group. Kung sino ang sasama sa akin, siya lang yung kasama ko.
“Tapos ang nangyayari, may rules akong ini-impose. Bawal akong piktyuran using their cellphones, kung sino man yung sumama.
“Ang nangyayari, halimbawa sumama siya, tapos hindi ko alam na kukuhanan niya ako sa sarili niyang cellphone.
“Kaya may lumabas na iba na, yun nga, kasi may mga naka-see-through ako, tapos ayun, ganun…
“Yung iba kasing sumama, nagbibihis ako, pinipiktyuran ka. May ganun, may salbaheng tao, e. Wala tayong magagawa sa ganun.
“So awayin ko man, tapos na… hindi ko na ano…”
Nakakaeskandalo ang mga mapangahas niyang litrato!
Napabuntong-hininga si Dante: “Sa akin kasi, okay lang yon. Di ba, sabi nga nila, kung malaki naman yung ari mo, okay lang. Pag maliit, itago mo. Parang ganun.”
Read: Sarsi Emmanuelle claims Pepsi Paloma was insecure of her success

METHODOLOGY BEHIND HIS WATERFALLS TOUR
Nagpupunta pa rin ba siya sa waterfalls?
“Actually ngayon, hindi ko na siya priority. Kasi yun yung naging pinakamalungkot na part ng buhay ko,” pagsisiwalat ni Dante.
“Alam mo yung efforts mo na sobra, tapos hindi nabigyan ng ganung pagpapahalaga ng government, et cetera, tourism.
“Tapos naiba pa yung impression. Yung akala nila, nagbibilad ka ng katawan. So, ang hirap i-defend yung sarili mo.
“Na ginagawa mo yon because of the methodology. Kasi kung hindi ko gagawin yon — eto, ngayon ko lang sasabihin sa inyo, ha — pag hindi ko ginawa yon, walang sasama.
“Kasi, admit it or not, ang halos lahat ng sumama sa akin, mga third sex. Mga bading.
“Kasi hindi naman sasama yung lalaki. Ano, mag-eespadahan kami? Pag babae naman, kung sex lang yung habol, e, di mag-sex na lang kayo sa bahay, or mag-check in kayo.
“So, alam mo na kung sino yung sasama. Ngayon, yun yung pinakamahirap na part dun. Kasi, eight days yun, e.
“Pag sumama ka, eight days yun, committed ka ng eight days. So ang problema, minsan andaming nagwo-walkout.
“Kasi yung iba, first day, sa unang gabi, hihirit yan. Hahawak-hawakan ka na. Tapos, second day, wala pa ring mangyari. Third day, asahan mo na, walkout na yon.
“So, ang hirap. Kasi nakabili na ako ng plane ticket papunta, pabalik. Ako ang naiiwan mag-isa.”
Read: The story of Azenith Briones: Why she went missing in 2023

MOST MEMORABLE WATERFALLS
Sa 1,055 waterfalls na binisita niya, alin yung mga pinakanagustuhan niya na hindi aware ang karamihan?
“Sobrang dami. Like sa Samar, andaming giant waterfalls. Pati sa Mindanao, andaming napakagandang waterfalls,” salaysay ni Dante.
“Sa Maguindanao, sa Sultan Kudarat, ang gaganda ng waterfalls, kaso lang, takot puntahan ng tao.
“Can you imagine, even Abu Sayyaf, na-meet ko na. Hindi ako pinatay. Kasi kakilala nung habal-habal na sinakyan ko.
“Isa lang ang kasama ko nun, kabadung-kabado ang kasama ko. Kasi, ano man mangyari… kasi, alam mo pala dun, kahit parang PHP10,000 lang, kukunin ka.
“Tutubusin ka ng halagang sampung libo. Tinatabla nila kahit limang libo. Parang pera-pera pala yon, nangyayari sa kanila.
“E, naintindihan naman nila. Biruin mo nung time na yon, nakahubad pa ako, naka-trunks ako, nagdungawan yung mga rebelde dun sa itaas.
“Kasi ano talaga siya, walang nakakaalam nung waterfalls na yun. E, ako kasi, makulit ako. Sayang yung ipinunta mo.
“Biruin mo, pupunta ka sa hindi mo alam kung yung falls maganda o hindi. Basta sabi ko, ‘Puntahan natin.’
“Kaya minsan, naglakad ako ng limang oras. Pagpunta ko, maliit pala yung falls. So, bahala na.
“Yung posing ko, padapa. Nakabisado ko na kung paano ako mag-posing. Pag mataas ang falls, nakatayo ka.”
Read: Manila Film Festival 1994 scam 30th anniversary

Paano ang paglilitrato na may takip ang kanyang private part kung hubo’t hubad siya?
“Yun ang napa-puzzle sila, kung paano ko raw inilalagay yung dahon. Ewan ko kung nakita niyo yun, yung mga dahun-dahon,” napangiting saad ni Dante.
Pagkatapos nito ay idinetalye ni Dante ang pagkakabit ng dahon para matakpan ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Sabi pa niya: “So, yun yung privilege nung mga sumama. Nakita nila yung b*r*t ko. Yun ang pinaka-privilege nila, tipong ganun.
“Pero hindi naman ako nakikipag-sex sa gabi. Kasi imagine-in mo, kung lahat na lang ng sasama sa yo, matitikman ka.
“E, di parang binastos mo naman yung advocacy mo, di ba?”
Read: Leandro Baldemor recalls his "naughty" days

DANTE'S EXPERIENCE WITH THE ENGKANTO
Naengkanto na rin daw si Dante sa paggagalugad niya ng waterfalls.
Pagsisiwalat ni Dante: “May pinuntahan kami sa Surigao del Norte na falls, napaka-pristine. May mga agiw-agiw, sapot pa nga ng gagamba.
“E, dapat pala yan, yung parang nagta-‘Tabi-tabi po.’ E, nakalimutan ko.
"So, third day yon. Tapos, ang nangyari, may tumubo sa aking mga bilog.
“Tatlong bilog, parang Luzon, Visayas, Mindanao. Dito, tapos sa ilalim ng betlog. Parang naging tatlo yung betlog ko that time. Tapos sa paa.
“Inalbularyo ako dun. Nabati raw ako. May naapakan daw akong engkanto, parang nuno sa punso.
“So, hindi ko na natapos yung eight days. Kaso, di ba, sabi ko nga, binibili ko na yung tiket pabalik. Wala, yung five days, nandun lang ako sa hotel.
“Hindi na kasi ako makapaglakad nun. Talagang sobrang sakit. Andami kong na-experience!
“Nalunod na rin ako. Sa Mindanao din yun. Siyempre, wala akong kasama. Mag-isa lang.
"E, yung kasama ko, wala namang gagawin yun. Sigaw lang nang sigaw.”
Read: Bridgette de Joya: former Seiko sexy star is now a lady guard
Buti, nakaligtas siya…
“Sarili ko. Presence of mind. Walang ibang magse-save sa yo, e,” sabi ni Dante.
“So, langoy ako to the max, di ba? Tapos nababalitaan niyo yung mga biglang taas ng tubig? How many times na nangyari sa akin yun.
“Yung lahat ng gamit ko, tinangay ng tubig. Sobrang sacrificial siya to the point na yun yung pinakalungkot ko.
“Merong nakakaalam pero iba pa ang naging impression, di ba? Yung, ‘Naghuhubad yan.’ Tapos sasabihin, ‘Paano paparangalan?’
“Although may mga parangal akong nakuha dun, ha, yung pagiging Tourism Hero of the Decade. Pero yung iba, tamang duda.
“Parang, 'Huh?' hindi naniniwalang ganito, ganyan. E, napaka-sacrificial nun. Biruin mo, walang gagawa ng ganun, yung sariling gastos mo.
“Tapos magpapakita ka pa ng katawan et cetera, et cetera. Walang problema yung pagpapakita ng katawan.
“Kasi kumbaga, sexy actor naman ako, di ba? Tapos ganun ako, e, kumbaga strike while the iron is hot.
“Kaya ka nga nag-gym before, di ba? So, ipakita mo. Maano bang mapaligaya mo sila, hindi naman nakukuha, hindi ba?”

Kabilang pa sa sexy films na ginawa ni Dante ang Karelasyon (2004), Temptasyon (2004), at Takaw-Tingin (2004).
“Actually, at least, yung consolation sa akin, di ba, ako yung binansagang 'Educated Hunk of the Philippines,'” pakli ni Dante.
Hindi siya nag-frontal nudity sa pelikula, hanggang butt exposure lang.
Read: Dante Balboa: from sexy star to paragon of academic excellence

