Nagpahayag ng suporta ang Rise Artist talent na si Gela Alonte para sa boyfriend nitong si River Joseph.
Isa sa housemates ngayon sa Pinoy Big Brother: Collab si River at umaani ito ng mga papuri mula sa netizens at viewers.
Binansagan na ngang "golden retriever energy" at "green flag" ang ilan sa kanyang mga katangian.
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang "golden retriever energy" ay isang sikat na slang na tumutukoy sa mga taong friendly, enthusiastic, at positive.
Ang "green flag" naman ay ginagamit para sa positive traits ng isang tao.
Sa ABS-CBN Ball 2025 na naganap nitong Friday, April 4, 2025, nakapanayam ng Kapamilya DJ na si Jhai Ho si Gela tungkol sa kanyang boyfriend.
Dito humingi ng reaksyon si Jhai Ho kay Gela kung ano ang masasabi nito sa biglang pagdami ng fans at taga-suporta ni River ngayong mag-iisang buwan na itong namamalagi sa loob ng bahay ni Kuya.
Sabi ni Gela, "Well, first of all, hindi ko sila masisisi kasi gets na gets ko naman talaga sila. Kahit sino naman mapo-fall at magugustuhan ang ugaling golden retriever ni River.
"Kaya nga #goldenretRIVER."
@djjhaiho Ang maswerteng GF ni River Joseph! Gela Alonte ????????????????????????
? original sound - JhaiHo
GELA ALONTE ON RIVER JOSEPH
Aminado naman si Gela na kilig na kilig ito sa very thoughtful actions ng kanyang boyfriend kahit na nasa loob na ito ng Bahay ni Kuya.
Sa kanyang Instagram account, ibinabahagi ni Gela ang surprises ni River para sa kanya.
Isa na nga rito ang flowers na kanyang natanggap para sa kanilang monthsary, na inihanda ni River in advance.

Bukod dito, na-appreciate din ni Gela ang scheduled messages ni River para sa kanya sa Instagram.
Ibinahagi rin ni Gela ang isa sa mga ito sa kanyang Instagram Stories. Ang message ni River sa kanya: "Always thinking about you my love."

Nang tanungin ni Jhai Ho tungkol sa ma-effort at sweet gestures ni River, pag-amin ni Gela, "Obviously, naiyak-iyak ako. Si Ate Girl mo hindi na talaga nagmukhang demure."
Dagdag pa ng Kapamilya talent, "Pero yun, sobrang... siyempre, dun yung makikita talaga na sobrang thoughtful and loving ni River. And ayun."
Sa pagtatapos ng video, nag-iwan ng message si Gela para sa boyfriend.
Sabi nito, "Wish ko na mag-stay strong siya, magpakatatag siya dahil kailangan umabot siya sa Big Night."
READ MORE:
