Binalikan ni Chariz Solomon ang pagsali niya sa season 4 ng StarStruck: The Next Level noong 2006.
Siya ang unang contestant na na-eliminate.
Pero after 19 years, bukod kay Paulo Avelino, si Chariz na lang sa mga babaeng contestants ang visible sa showbiz.
Mas visible pa nga siya kesa sa apat na nanalo sa StarStruck 4 na sina Aljur Abrenica, Ultimate Hunk; Jewel Mische, Ultimate Sweetheart; Kris Bernal at Mart Escudero, Ultimate Love Team.
Read: Chariz Solomon opens up for the first time about her failed marriage
Sa mediacon para sa pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan noong March 27, 2025, napa-throwback ang comedienne, na walang pangarap na mag-artista noon.
"Ang sarap lang balikan ang lahat. Imagine, 19 years ago na pala iyon.
"Kaya ako biglang napasali ng Starstruck is hindi ako na-enroll ng nanay ko. Wala talaga akong balak sumali. Ayaw ko ng ganun.
"Gusto ko lang mag-direct, magsulat, sa mga school play, kumanta, banda. Pero hindi ko gusto yung ganyan, yung mapapahiya ka."

Isang showbiz writer ang nag-udyok sa kanyang mag-audition.
"Si Tito John Fontanilla ang nag-encourage sa akin na sumali.
"Since hindi ako nakapag-enroll, para may gawin ako, sige try natin.
"Kasi kung hindi niya ako pinilit, hindi niya pinalakas ang loob ko, wala ako dito ngayon sa showbiz."
Read: Chariz Solomon, kinausap ang mga anak tungkol sa kanilang blended family
CHARIZ SOLOMON'S STARSTRUCK 4 ELIMINATIONS
Si Chariz ang unang na-eliminate sa kanyang batch—not just once but twice.
Pagbabalik-tanaw niya: "Noong first elimination, natanggal ako, grabe yun.
"Sabi ko, 'Shucks, ano na gagawin ko sa buhay? Mag-Japan na ako!'"
Sa season na ito ay nagkaroon ng Avengers Strike's Back Twists, kung saan makakalaban ng mga avegers ang survivors sa mga challenges.
Sa pagpapatuloy ni Chariz, "So nabalik ako, pero natanggal na naman ako. Double dead ako!
"Natanggal ako New Year, naibalik ako, tapos natanggal ulit ako ng Chinese New Year!
"Sabi ko, sobrang malas na ito. Kasi parehong New Year ako natanggal."
Pero naging opportunity iyon para kay Chariz na ipakita ang kanyang galing.
"Akala ko talaga wala na mangyayari sa akin. Pero yung mga staff talaga ng StarStruck, inaalagaan talaga nila ako.
"Nakita nila yung potential ko sa comedy. Sabi nila, 'I-guest natin si Charisse. Top 20 lang siya.'
"Kaya pag gina-guest ako, ginagalingan ko.
"Nag-iba yung mga gusto natin sa life after StarStruck. Na-absorb ako Team Bitoy [Michael V]. Mine-mentor ako ni Kuya Bitoy.
"Napunta ako sa comedy dahil kay Direk Romel Gacho.
"Tapos ang dami ko ring nagawang mga pelikula. Kaya thankful ako na may trabaho pa rin tayo hanggang ngayon."
In the end, si Chariz na hindi inisip maging artista at na-double dead pa sa reality competition na sinalihan niya ay nagtagal sa showbiz.
"So si Lord, may ibang plan para sa iyo. And it's always greater. May direction siya para sa iyo."
CHARIZ SOLOMON'S PROJECTS THROUGH THE YEARS
Bukod sa regular shows niya sa GMA-7 na Bubble Gang at Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento, kasama rin siya sa satirical comedy ng GMA Pictures at Lonewolf Films na Samahan Ng Mga Makasalanan, kunsaan bida si Kapuso leading man at Pambansang Ginoo David Licauco.

CHARIZ'S TV SHOWS
Kabilang sa mga nagawang TV shows ni Chariz ay:
- Zaido: Pulis Pangkalawakan (2007)
- My Only Love (2008)
- Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008)
- Codename: Asero (2008)
- All About Eve (2009)
- Adik Sa 'Yo (2009)
- Full House (2009)
- Diva (2010)
- Love Bug Presents: Wish Come True (2010)
- Jejemom (2010)
- Beauty Queen (2010)
- Machete (2011)
- Blusang Itim (2011)
- Spooky Nights Presents: Short Time of My Life (2011)
- Spooky Valentine presents: Manikurista (2012)
- Magdalena: Anghel sa Putikan (2012)
- iBILIB: featuring Wonders of Horus (2013-2019)
- Unforgettable (2013)
- My Destiny (2014)
- Yagit (2014)
- Kailan Ba Tama ang Mali (2015)
- Sirkus (2018)
- Victor Magtanggol (2018)
- Dragon Lady (2019)
- Descendants of the Sun (2020)
- Eat Bulaga!/ Tahanang Pinakamasaya (2023-2024)
CHARIZ'S MOVIES
Ilang pelikulang naging bahagi si Chariz ay:
- My Best Friend's Girlfriend (2008)
- My Monster Mom (2008)
- I.T.A.L.Y. (2008)
- Loving You (2008)
- When I Met U (2009),
- Nobody, Nobody But Juan (2009),
- Yesterday, Tody and Tomorrow (2011)
- My Kontrabida Girl (2012).
