“Ako ang main kontrabida dito,” umpisang kuwento ni Jeffrey Santos tungkol sa papel niya sa upcoming action film na Beyond The Call Of Duty.
Ang cast ng pelikula ay sina Martin del Rosario, Mart Escudero, Paulo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Lance Lucido, Devon Seron, at Christian Singson.
Gumaganap na preso si Jeffrey, habang pulis naman si Martin.
Pagpapatuloy ni Jeffrey, “Sa istorya, tao ko si Bella.
“So, itong si Martin, napatay niya yung kapatid ko during a bank robbery.
“Ako naman sa umpisa pa lang ng pelikula, nakakulong na ako. Ipapakita nila yung transport ko, airplane to kulong."
Maaksyon ang tema ng pelikula at pinaghahandaan ni Jeffrey ang kanyang mga eksena.
Ilang beses na nakatrabaho ni Jeffrey ang direktor at supervising producer na si Jose "JR" Olinares.
Nag-uusap daw sila kung paano ang atake niya sa kanyang karakter.
Lahad ni Jeffrey: “Binigyan naman niya ako ng enough leeway. Tinanong ko lang, ‘Ano ba ang hinahabol natin sa MTRCB?’
“Kasi para malaman ko kung hanggang saan ka-brutal ang puwede kong igalaw. Sabi niya, naghahabol daw siya ng PG-13.
“Sabi ko, 'Pag PG-13, bawal ka magmura, bawal ang dugo, alam ko. I mean, yung splatter-splatter okay lang, pero yung brutal na pointblank, bawal yun.
"'Yung galus-galos, nadapa, nasugatan, okay lang yun. Pero pag talagang tututukan bawal iyan kung PG13 ang hinahabol mo.
"'Ngayon, kung gusto mong magdisi-sais [PG-16], medyo may laban tayo.
"'Puwede nating gawing brutal ng konti pero accepted at may audience ka pa rin.'"
Ang Beyond The Call Of Duty ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero dito sa ating bansa.
Si Luis “Chavit” Singson at anak nitong si Stephanie Singson ang mga producer ng pelikula, sa ilalim ng LCS Film Production, na pag-aari ni Chavit.
Ang distributor ng pelikula ay ang PinoyFlix Films and Entertainment Production na pag-aari ni Direk JR.
Si Billy Ray Oyanib ang co-director, at si Sam Faj Calaca ang line producer.
Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police (PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP), at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeffrey sa tahanan ni Chavit sa Corinthian Gardens sa Ortigas nitong April 1, 2025.
Read: PNP names mastermind in murder of Geneva Lopez, boyfriend
JEFFREY SANTOS PROUD OF SISTER JUDY ANN
Samantala, napadako ang usapan ng awtor na ito at ni Jeffrey tungkol sa kanyang bunsong kapatid na si Judy Ann Santos.
Noong Marso, nanalo si Judy Ann bilang Best Actress sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal para sa pelikulang Espantaho.
Personal na tinanggap ni Judy Ann ang award sa Portugal.
Ang Espantaho ay isa sa entries ng 50th Metro Manila Film Festival, kunsaan nanalo si Judy Ann bilang Best Actress noong December 2024.
"O, di ba?!" sabay-hampas ni Jeffrey ng kanyang mga kamay na tila pumapalakpak.
Proud si Jeffrey dahil "ilang beses" nakasungkit ng award si Judy Ann para sa pelikula.
Ani Jeffrey, "I am thankful that finally she’s recognized with the talent that she’s been blessed with."
Binanggit ng awtor na ito na noon pa man ay may international acting award na si Judy Ann.
Noong 2019 ay tinanghal na Best Actress si Judy Ann, para pelikulang Mindanao, sa 41st Cairo International Film Festival sa Egypt.
Bukod pa ito sa halos hindi na mabilang na acting awards ng aktres.
Sabi naman ni Jeffrey, "Oo, pero iba, e. Iba yung feeling na lumalawak yung mundo ng kapatid ko. Di ba?
"Nare-recognize yung talent niya [sa international scene]."
Read: Judy Ann Santos to Mommy Carol: 'ikaw talaga ang THE ROCK"
ON FILIPINO STARS BEING RECOGNIZED ABROAD
Magandang balita raw ito para rin sa ibang artista na gustong mabigyan ng break sa international scene.
Patuloy ni Jeffrey: "And at the same time, whether she’s conscious about it or not, she’s opening doors! She’s opening doors for local actors.
"Kasi maiintriga, ‘Bakit siya magaling? Saang bansa ba galing iyan? Sumubok nga kayo ng artistang galing doon. Kung hindi siya available maghanap kayo ng iba.'"
Sana raw ay mas marami pang ibang Filipino stars ang makilala sa international scene.
"Literally, the floodgates are open right now for Filipino actors making it internationally because she’s one of the few actors who transcended into the international scene.
"Nakaka-proud as a brother, pero I’m prouder as a Pinoy," bulalas ni Jeffrey.
Punto pa niya, "Iba yung dala niya ng flag natin doon.”
