PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teejay Marquez reacts to "Dukot King" tag

Teejay: "Baka ito na raw yung signature move ko."
by Rommel Gonzales
Published Apr 29, 2025
Teejay Marquez reacts to being tagged as Dukot King at Bench Body of Work Fashion Show
Teejay Marquez on becoming a Sparkle artist: “Ang tagal ko na sa GMA, di ba? Kumbaga lagi naman akong may project sa kanila. Bilang ngayon magiging parting-parte na talaga ako, sobrang excited ako!”
PHOTO/S: @teejaymarquez Instagram

Isa sa pinag-usapan sa nakaraang Bench Body of Work fashion show ang pagdukot ni Teejay Marquez sa kanyang private part habang rumarampa na naka-underwear.

Read: Teejay Marquez underlines trust in business partnership

Ginanap ang event sa MOA Arena noong March 21, 2025.

Plinano ba niya o spontaneous ang pasabog niya sa stage noon?

Lahad ni Teejay: "Kasi sa backstage nagbibiruan na kaming lahat, 'Anong gagawin niyong pasabog?'

“So, hindi nila pinapakita sa praktis, sa rehearsal, kung anong gagawin nila. Pero sabi ko, ‘Ano bang puwedeng gawin?’

“So, nung nakita ko na yung underwear ko, sabi ko, paglalaruan ko na lang yung underwear ko."

Biglaan lang daw niyang naisip ang ginawang pagdukot sa kanyang hinaharap.

Patuloy ni Teejay: "And surprise ko kasi sa dulo yung tatalikod ako, e.

“Lace lang kasi yung likod ng ano [underwear], e. So, sabi ko, 'Anong gagawin ko pagharap?'

"E, di dinukot ko na lang yung harapan ko."

Natatawa na lang si Teejay sa sorpresang paandar niya.

Aniya, "Alam kong may gagawin ako, pero sabi ko nga, yung una kong naisip mas ano pa, e, mas todo pa, e.”

Ano ang naging resulta ng ginawa niya?

"Ang tawag na sa akin Dukot King!" tumatawang bulalas ni Teejay.

"Sabi nila, style ko na raw iyon, e. Baka ito na raw yung signature move ko."

May mga nag-message ba kay Teejay na pinuri ang ginawa niya? O may mga nag-alok ba ng indecent proposal dahil sa ginawa niya?

Sagot ni Teejay: "Halo, e! Pero marami namang natuwa, maraming nagulat, kasi nga parang, 'Uy, dumukot ka sa harapan ng maraming tao!'"

Nakatanggap ba siya ng indecent proposal matapos ang gabing iyon?

"Halu-halo, e. Siguro hindi ko na napansin!" natatawang sabi uli ni Teejay.

Dagdag niya, "Pero okay naman, masaya naman."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teejay sa mediacon ng Beyond The Call of Duty.

Ginanap ang event sa PNP headquarters sa Camp Crame sa Quezon City noong April 8.

Teejay Marquez Dukot King at Bench Body of Work fashion show
Teejay Marquez showed off his abs at the sexy underwear fashion show
Photo/s: @benchtmofficial Instagram

Read: Teejay Marquez on Love Life After 9-Year Relationship

TEEJAY MARQUEZ'S ROLE IN THE CALL OF DUTY

Sa role niya sa The Call of Duty, balot na balot siya sa suot niyang unimporme ng isang bombero.

Ano ang mas challenging, paggawa ng sexy project o action film?

"Ito, challenging sa akin kasi first time," sagot ni Teejay.

"At saka para makita ako ng mga tao sa ibang role, para at least maipakita ko naman na meron din akong kayang gawin.

"Hindi lang magpa-cute, hindi lang puro BL."

Kabilang sa BL o Boys’ Love projects na ginawa si Teejay ang digital series na Ben X Jim (2020) at Ben X Jim Forever (2021)

Pagpapatuloy niya, “So, at least ngayon as a firefighter, as a fireman, meron akong ginagampanan na napakaimportante, lalo na sa PNP [Philippine National Police], so excited ako dito sa role ko.”

Ang Beyond The Call Of Duty ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bombero dito sa ating bansa.

Kasama ni Teejay sa cast sina Martin del Rosario, Jeffrey Santos, Mart Escudero, Paulo Gumabao, at Maxine Trinidad.

Kasama rin sina Bella Thompson, Lance Lucido, Devon Seron, Dindo Arroyo, at Christian Singson.

Ang direktor nito ay si Jose “JR” Olinares na supervising producer rin ng pelikula.

Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si Stephanie Singson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production).

Si Billy Ray Oyanib ang co-director at si Sam Faj Calaca naman ang line producer.

Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang PNP, Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP), at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc.

Ang PinoyFlix Films and Entertainment Production ang magre-release ng pelikula sa May 28.

Read: Teejay Marquez thrilled to ring in the holidays in dream home

TEEJAY MARQUEZ: NEW SPARKLE ARTIST

Isa pang bagong kaganapan sa career ni Teejay ay ang pagpirma bilang contract star ng Sparkle, ang talent management arm ng Kapuso Network.

Co-managed na siya ng Sparkle at ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

“Excited,” bulalas ni Teejay sa tanong ng PEP kung ano ang pakiramdam na Sparkle artist na siya.

“Kasi ang tagal ko ng pangarap iyon.”

Homegrown talent ng GMA si Teejay.

Sabi ng 31-year-old actor, “Ang tagal ko na sa GMA, di ba? Kumbaga, lagi naman akong may project sa kanila.

“Bilang ngayon magiging parting-parte na talaga ako, sobrang excited ako!”

Hindi pa alam ni Teejay kung ilang taon ang pipirmahan niyang kontrata sa Sparkle.

“Pero kahit naman ilan kasi most of my projects naman sa GMA din, so parang hindi rin ako umaalis sa kanila, e.”

Magbe-base na ba siya sa Pilipinas?

Nagkaroon ng career si Teejay sa Indonesia nang nag-lie low siya sa Pilipinas ilang taon na ang nakalilipas.

“May ino-offer yung Indonesia, kung pelikula tatanggapin ko. Pero pag teleserye, mukhang hindi,” sabi niya.

Pagbabalita pa ni Teejay, may nakatakda siyang gawing serye sa GMA7.

“Tsaka e-enjoy-in ko muna yung pinagawa kong bahay," dagdag ng binata.

Sa Quezon City ang lokasyon ng bagong two-bedroom, three-storey house ni Teejay.

Nakatira rin dito ang pamangkin ni Teejay at yaya ng pamangkin niya. Nasa Pampanga ang mga magulang ng bata..

Paliwanag ni Teejay: “In-adopt ko na, kasi yung lola ko kasi pinalaki ako. Tapos nung tumatanda ako, nag-alaga uli siya ng pamangkin, yung niece ko.

"And nung namatay na siya nung 2023, sabi ko sa lola, 'Ako na magtutuloy niyan kasi bilang pinalaki mo ako, yung responsibility sa pamangkin namin, itutuloy ko na lang kasi pinalaki mo rin ako.'"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez on becoming a Sparkle artist: “Ang tagal ko na sa GMA, di ba? Kumbaga lagi naman akong may project sa kanila. Bilang ngayon magiging parting-parte na talaga ako, sobrang excited ako!”
PHOTO/S: @teejaymarquez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results