Papasukin na rin ng Binibining Pilipinas Intercontinental 2022 na si Gabrielle Basiano ang pag-aartista.
Read: Gabrielle Basiano Top 20 in Miss Intercontinental 2022
Hinirang din siyang Binibining Pilipinas first runner-up noong 2021.
Gustung-gusto raw niyang gumanap ng kontrabida sa teleserye at pelikula.
“I’m very, very open na pumasok sa showbiz,” panimula ni Gabrielle, or Gabby to her friends sa beauty pageants and modeling industry.
“Kasi, I’m really craving for experience. And, gusto ko talaga maging kontrabida.
“Kasi, for me, hindi pa ganoon kadami yung talagang tumatatak na kontrabida. Na talagang pag [sinabing] kontrabida, ‘Ah, siya.’
“So, I kinda want yung ganoong challenge na ikaw yung next,” paliwanag ni Gabrielle.
Read: Winning answers of Binibining Pilipinas 2022 queens
DREAM LEADING MEN
Open to work with everyone si Gabrielle among our local stars.
“Kasi, I know na lahat naman ng makakatrabaho mo, iba-iba sila ng technique sa pag-arte.
Or may iba-iba silang lesson na matuturo sa iyo,” sabi ng beauty queen.
Gustung-gusto raw niya si Anne Curtis.
Sino naman ang gusto niyang maging leading men?
“Leading men? Siguro si Papa P,” pagtukoy kay Piolo Pascual.
“Ang dami kasi niyang mga movies before na nakilala talaga ng tao. And if ever, bumalik man si John Lloyd [Cruz]…” kinikilig na sambit ni Gabrielle.
Read: Joey Marquez's youngest daughter Jomelle a beauty queen at 15
NEW TALENT OF BOY ABUNDA
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment) si Gabrielle sa isang press junket sa Bulan Kitchen and Cafè sa Tomas Morato, Quezon City.
Kabilang na si Gabrielle sa mga bagong artist ng The Boy Abunda Talent Management House, ang bagong talent management company ng King of Talk na si Boy Abunda
Paano niya nakilala si Boy?
“During Binibini noong 2021, hindi niya alam na merong candidate na nagre-represent ng Borongan City,” isang bayan sa Samar na hometown nina Boy at Gabrielle.
“So, nagbigay siya ng talk and then, nagkagulatan kaming dalawa. Na parang, ‘Uh, you’re from Borongan.’
“And, well ako, aware naman ako that Tito Boy is from Borongan, Eastern Samar.
“From there, nagkakasama na kami.
“From the Binibini hanggang sa nagho-hosting kami together. I mean, yung mentoring niya ng hosting.
“After that, nag-start na kami [bilang talent and manager],” kuwento ni Gabrielle.
Naging isa rin si Gabrielle sa co-hosts ni Willie Revilla sa programa nito na Will To Win.
“Yes, before po. [But] not anymore po since October [2024], " lahad ni Gabrielle.
May mga kaibigan daw kasi Gabrielle na nag-tap sa kanya kung open siya to host.
“And then, parang okay din sa kanila [Will to Win] kung beauty queen. So, nung time po na yun, nag-audition po talaga ako, first ever,” ngiti ni Gabrielle.
Pagkatapos ay naging busy na si Gabrielle sa pagho-host, modeling, at judging stints tulad na lang sa nakaraang Miss Universe Philippines-Tacloban at sa Lakan and Lakambini The Grand Coronation na ginanap sa Taytay, Rizal.
Read: How Catriona Gray shapes pasaway kilay into perfect eyebrows
MEMBER OF A NON-GOVERNMENT ORG
This year, si Gabrielle ang presidente ng Junior Chamber International (JCI) Las Piñas Water Lily, isang non-profit organization na binubuo ng "young leaders" na dedicated daw sa community development and service.
“Through this organization I have the privilege of engaging in a lot of meaningful community work, making a positive impact while continuing to grow and learn from others,” pagbabahagi niya.
Paano siya napili bilang president ng JCI Las Piñas Water Lily?
Lahad muna ni Gabrielle: “After kasi nung coronation ng next queen after me, so, nagkaroon ako ng question sa sarili ko na, ‘Gosh! Anong next kong gagawin?’
“Kasi siyempre, when you join a pageant, it’s just a year. So, I was thinking na for four years I was with Binibini, knowing na pandemic candidates kami noon.
“So, parang sabi ko for four years pageantry ang ginawa ko. So, I want to do something different.
“Pero gusto ko yung something na yun is mae-enjoy ko, at the same time.
‘So, yung first season ko talaga to join is parang sisterhood pa rin. Kasi siyempre, when you join a pageant, yung mga Binibini sisters mo uuwi rin sa province nila.
"So, kumbaga, iilan lang din yung makakasama ko."
Hanggang sa naimbitahan daw siya sa JCI.
“But then, may nag-offer sa akin na beauty queen din na mag-join ako ng JCI. So, yun ang naging family ko na talaga," dagdag niya.
Aminado si Gabrielle na mahirap humanap ng miyembro para sa non-profit org na kinabibilangan niya.
“Knowing na, siyempre, pag tayong mga babae marami tayong ibang ginagawa in life. Marami tayong gustong gawin sa buhay, i-try…
“So, nahihirapan kami mag-on-board na mga members na gustong mag-help sa community.
“So, we’re getting volunteers, yes. Pero we’re really aiming for growth para ma-amplify namin yung great news.
“We are the only chapter na all women. Meaning na we’re accepting everyone na nagko-consider sa sarili nila as women,” diin pa niya.
Anong ginagawa sa community development and service?
Sagot ni Gabrielle: “With JCI kasi, what we do is we create programs or projects. Programs like seminars na para matututo yung mga tao around us or yung beneficiaries na gustung-gusto naming ma-tap.
“And then, we also have, like, community projects, pero we make sure it’s sustainable.
“So, kahit magbibigay lang kami nung mga, for example sa women, yung mga sun-tan kit natin, hindi kailangang magbibigay lang kami…
“Kasi kailangang matutunan din nila kung gaano ka-important alagaan ang sarili nila.
“So, palaging meron siyang seminar na kasama."
Read: Aya Abesamis and John Spainhour are now engaged
ON MENTAL HEALTH
Kinilala naman sa Thailand si Gabrielle bilang isa sa most-inspiring beauty queens dahil sa kanyang adbokasiya for mental health nang mag-abot siya ng tulong sa isang taong nawawalan ng motibasyon na mabuhay.
Ito ang adbokasiya ni Gabrielle hanggang ngayon. Pero na-realize niya na puwede palang maging passionate hindi lang sa isang advocacy.
“So, we’re now focusing sa mga youth. It’s called Pinoy power talaga yung pino-focus namin, which is nagbibigay kami ng knowledge sa mga younger na babae.”
Matatapos ang “reign” niya as JCI president sa huling bahagi ng 2025.
