Kumpleto ang mga anak ni Nora Aunor sa unang araw ng lamay para sa nag-iisang Superstar ng Philippine Cinema.
Pumanaw si Nora noong gabi ng Miyerkules Santo, April 16, 2025.
Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments
Kinabukasan, April 17, dinala ang labi ng Superstar sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City para sa lamay na tatagal hanggang April 22.
Bilang National Artist, ginawang official ang funeral ceremony para sa kanya.
Nilagay ang Philippine flag sa ibabaw ng casket ni Nora, at may honor guard na nagbabantay sa tapat nito, bilang pagpupugay sa ambag ng Superstar sa sining at kultura ng bansa.
Ayon sa NCCA ay higit sa 170 ang naitalang pelikula ni Nora.
Ilan lamang sa mga bansag sa kanya ay "national treasure, guiding light of Philippine cinema, at voice of the voiceless" dahil sa walang takot niyang paggawa ng groundbreaking roles na hindi basta ginagawa ng ibang artista.
Si Ian de Leon, anak ni Nora sa ex-husband na si Christopher de Leon, ang nagsilbing tagapagsalita ng pamilya para sa official announcements at schedule ng funeral rites.

Naroon din ang adoptive children ni Nora na sina Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko.
Nang magsimula ang pagpupugay ng honor guard sa tapat ng casket ni Nora, hagip sa video ang pag-iyak ni Matet sa may harapan, bandang gitna.
Nakatayo sa gawing kaliwa si Lotlot habang pinapanood ang seremonya.
Nakaupo sa front row, left pew ang anak ni Lotlot na si Janine Gutierrez, at katabi ni Janine ang kanyang special someone na si Jericho Rosales.
Nasa tabi rin ni Janine ang nakababatang kapatid na si Maxine at ang ama nilang si Monching Gutierrez.

Read: Ian de Leon denies operation caused Nora Aunor’s death
CELEBRITIES SPOTTED AT NORA AUNOR'S WAKE
Para sa pamilya ang unang araw ng lamay, pero dagsa pa rin ang mga bisita, na karaniwan ay mga kaibigang artista na malapit sa pamilya.
Hapon pa lang nang dumating si Star For All Seasons Vilma Santos, pero hindi na nagpainterbyu.
Pagsapit ng gabi, namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributing writer na si Rommel Gonzales ang pagdating ng magkasintahang Coco Martin at Julia Montes.
Mahigpit ang yakap ni Coco kay Lotlot.
Nagkaroon din ng pagkakataong makausap nina Coco at Julia si Lotlot.

Nakunan sina Coco at Julia kasama sina Imelda Papin at discoverer ni Coco na si Ihman Esturco.

Ilang sandali pagkaalis nina Coco at Julia, bandang pasado 11 P.M., dumating si John Rendez, ang longtime companion ni Nora.
Read: John Rendez, kasama ni Nora Aunor nang ma-confine ito sa ospital
Mula hapon hanggang gabi ay naroon si Senator Robin Padilla.
Hapon pa lang ay naroon na rin si Nadia Montenegro, na isa sa mga unang nakapagbigay ng updates sa kaganapan sa lamay.
Maaga rin sa chapel si National Artist Ricky Lee, na kasama ng mga anak ni Nora noong mismong oras na bawian ng buhay ang Superstar.
Namataan din sina Gina Alajar at Melissa Mendez.

EULOGIES FOR NORA AUNOR
Sa program matapos ang misa, nagbigay ng speech si Ian, na kahawig ng speech na ibinigay niya sa media noong hapon.
Nagbigay din ng eulogy si Bibeth Orteza, na kahawig ng inilathala niyang mensahe para kay Nora via Facebook. Kasama ni Bibeth ang asawang si Carlos Siguion-Reyna.
Ilan pa sa mga artistang bumisita sa lamay ay sina Gina Alajar, Direk Adolf Alix Jr., Imelda Papin, at Jeric Gonzales.
Dumating din sina Malou Choa Fagar, Kiko Matos, Shyr Valdez, at Maritess Gutierrez, anak ni Gloria Romero.
Kalmado ang mga ganap sa lamay kagabi, at kaunti pa lang ang tao dahil inanunsiyo na para lamang sa pamilya ang viewing sa Day 1.
Ngayong Biyernes Santo, April 18, ang Day 2 ng lamay at ang mga kaibigan at kapamilya ang imbitado sa viewing.
