PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FULL TRANSCRIPT: Charo Santos-Concio pays tribute to Nora Aunor

Charo on Nora Aunor: "She doesn't act. She becomes. She transforms."
by Rachelle Siazon
Published Apr 22, 2025
Charo Santos-Concip pays tribute to Nora Aunor at the state necrological service organized by CCP and NCCA.
Charo Santos-Concio describes herself as a "die-hard fan" of Nora Aunor: "Minsan sa eskuwelahan, mayroon akong kaklase na sinabing hindi daw bagay mag-artista si Nora dahil siya daw ay maitim. Alam niyo na ang nangyari, ginyera ko ang kaklase ko. Walang poise-poise. Bawal magsabi ng hindi maganda ang aking Superstar."
PHOTO/S: Screengrab from CCP Facebook

Si Charo Santos-Concio—ABS-CBN president ng walong taon at CEO ng apat na taon— ang panghuli sa tatlong nagbigay-pugay kay National Artist Nora Aunor.

Kaugnay ito ng state necrological service para sa yumaong Superstar ng Philippine Cinema, na ginanap sa Manila Metropolitan Theater ngayong Lunes, April 22, 2025.

Read: Nora Aunor dead at 71

Pinakilala si Charo bilang kaibigan, tagahanga at katrabaho ni Nora.

Isang self-confessed Noranian si Charo bago pa man pumalaot sa mundo ng showbiz.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi niya kung paano niya sinubaybayan ang makulay at maningning na buhay ni Nora.

Umabot sa puntong may giniyera pa siyang kaklase na nanlait daw kay Nora.

Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments

CHARO SANTOS-CONCIO's complete tribute to Nora Aunor:

"Walang himala. Pero mayroong nag-iisang Nora. Ang kanyang tunay na buhay ay isang pagpapaptunay na walang imposible. Kahit para sa isang bata na nagtitinda ng tubig at mani sa riles ng tren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang kanyang tunay na buhay ay nasalamin sa buhay nina Elsa, Corazon, Delia, Flor Contemplacion, at marami pang iba.

"But Nora Aunor was even bigger than all her roles.

"Higit pa sa mga karakter na kanyang binigyan ng buhay, binigyan niya ng buhay ang pangarap ng milyung-milyong Pilipino.

"Kahit saang probinsya ka man manggaling, ano mang hirap mo, Nora gave millions of Filipinos the most important gift—hope, pag-asa.

"'Kung kaya ni Ate Guy, kaya ko rin.'

"Kabilang ako sa mga Pilipino na nakita ang sarili nila kay Nora.

"Una kung nakita si Nora sa telebisyon sa Tawag ng Tanghalan.

"Noon pa man, nabighani na ako sa kanyang boses at sa kanyang presensya, sa kanyang ganda.

"Hindi pa man alam ng bansa na siya ay magiging isang phenomenon, to me, she was not just a star, she was our Superstar.

"Siya noon ay 14 years old, ako ay magdodose pa lang, at tulad niya, isa din akong probinsyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko pa tiyak kung ano ang gusto kong marating sa buhay. Ang sigurado lang ako noon, ako ay isang die-hard Noranian.

"Kami ng kapatid kong si Malou ay may makapal na scrapbook ng mga litrato ni Guy.

"Tinatabi namin ang baon namin para lang may pangbili ng comics, magazines, at mga pictures niya na binebenta sa banketa ng Avenida, Rizal.

"Wala kaming pinapalampas na issue.

"Minsan nagagalit ang mga magulang namin dahil bawal ang comics sa bahay at imbes daw na magbasa ng libro, ang binubuklat namin ay ang scrapbook at mga comics.

"Kaya tinatago namin ang mga ito sa ilalim ng kama, at kapag tulog na silang lahat, kinukuha namin ang flashlight at paulit-ulit na binabasa ang mga article tungkol sa aming Superstar.

"At siyempre, pag may pelikula si Nora, pipila kami kahit alas otso pa lang ng umaga, kahit siksikan, at kahit standing room only.

"Invested kami sa kanya. Kinikilig kami sa love life niya, naiiyak sa mga pinagdadaanan niya, nagagalit kapag may naninira sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Minsan sa eskuwelahan, mayroon akong kaklase na sinabing hindi daw bagay mag-artista si Nora dahil siya daw ay maitim.

"Alam niyo na ang nangyari, ginyera ko ang kaklase ko.

"Walang poise-poise. Bawal magsabi ng hindi maganda sa aking Superstar.

"At milyun-milyon kaming katulad ko para kay Nora.

"Tuwing may mga pagkakataon ng paglabas niya sa mga TV shows at iba pang mga personal appearances, dagsaan lahat kaming mga fans na kilig na kilig at mangiyak-ngiyak kasi nakita namin si Nora, nakangiti at kumakaway.

"May mga fans na umaakyat ng bakod, hinihimatay. Nag-aalay ng kwintas ng sampaguita hanggang wala nang makita sa leeg ni Nora.

"We were called the bakya crowd and we were proud of it dahil may Superstar kami na isa sa amin.

"Philippine showbiz has never seen that level of adulation until Nora came and never again after Nora.

"Ganunpaman, si Ate Guy ay nanatiling simpleng probinsyana at heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang attachment sa glamour, fame or wealth.

"Ang naging mahalaga sa kanya ay ang kanyang dedikasyon sa kanyang craft, dahil yun ang kanyang sukli sa pagmamahal ng kanyang mga tagahanga.

"Napapanood natin siya hindi bilang isang artista kundi isang tunay na tao sa mundo ng kanyang karakter na ginagampanan.

"Hindi siya takot magpakita ng kahinaan. Hindi siya takot pumangit. Maaari ring hindi takot sa sasabihin ng mga kritiko o detractors.

"Binibigay niya ang lahat.

"Si Nora nga daw ang nagpauso ng mata-mata acting. Mata palang, patay ka na.

"Sa Himala ako ang producer at siya naman si Elsa.

"Unang beses ko siyang nakatrabaho sa movie na ito, at nakita ko kung paanong ang katahimikan niya ay mas malakas pa sa sigaw.

"Walang camera tricks. Walang mabigat na musical scoring. Walang kaartehan.

"Pero nung pumasok na ang eksena, ayan na, ibang Nora na.

"Biglang lumalim ang tingin o nag-iba ang paghinga o konting impit ng boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She didn't act. She transformed.

"Ang gumaganap kay Nora ay hindi mukha o katawan, kundi ang kaluluwa.

"There is something about her that cannot be explained by technique alone.

"She is raw. She is real. She is authentic. She doesn't act. She becomes. She transforms.

"Hindi lang siya artista, siya ay alagad ng sining.

"May lalim, may tapang, may puso.

"It was part of her process, her magic, her madness.

"Alam mong may pinaguhugutan, may lungkot, may apoy, may madness.

"But within that madness, there was genius.

"And when she is in her element, when the camera starts rolling, she is unstoppable.

"Himala was very memorable for us.

"Isa ito sa piling-piling projects ng Experimental Cinema of the Philippines noon.

"At ito rin ang kauna-unahang pelikulang ni-restore ng Sagip Pelikula ng ABS-CBN.

"Award-winning ang mga roles at pelikula ng ating minamahal.

"Pero para sa akin, makulay din ang daigdig ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming dramang pinagdaanan, maraming kabaliwan, maraming tagumpay, at marami ding lungkot at kuwento ng paghihiwalay.

"Sa gitna ng lahat ng ito, pinakita niyang muli ang tapang, tatag, higit sa lahat pagmamahal ng isang mabuting tao.

"Nasaktan, naghilom, sinubok, lumaban, bumangong muli.

"Sa kanyang paglalakbay sa buhay, walang iniwang bakas ng galit.

"Sa maikli niyang buhay, maraming pangarap siyang binuhay sa puso ng karaniwang tao.

"Sa mga walang pambili ng sapatos, sa nag-aaral sa ilalim ng lampara, sa mga nagtitinda sa palengke o naglalako ng tubig.

"Ang career at pagkatao niya ay naging mabuting halimbawa din sa mga kapwa-manggagawa sa pelikula.

"Pinakita niya ang kahalagahan ng husay ng pagmamahal sa fans, ng pakikipagkapwa-tao.

Ang simpleng Nora ng nagwagi sa Tawag ng Tanghalan noong 1967 ay ang simpleng Nora hanggang sa huling araw niya.

"Mahirap magpaalam sa isang taong nakaukit sa iyong puso.

"Makakahanap lamang tayo ng ginhawa sa katotohanang ang kanyang alaala ay walang kamatayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ko pong Nora Aunor means so much more to so many.

"She is an empowered woman, a wife, a mother, a lover, an actress, a complicated person, a genius, a National Artist.

"Pero para sa aming mga solid Noranians, Nora is our Ate Guy, our superstar.

"She was a legend.

"She was a legend while she lived.

"She will be immortal after she died."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charo Santos-Concio describes herself as a "die-hard fan" of Nora Aunor: "Minsan sa eskuwelahan, mayroon akong kaklase na sinabing hindi daw bagay mag-artista si Nora dahil siya daw ay maitim. Alam niyo na ang nangyari, ginyera ko ang kaklase ko. Walang poise-poise. Bawal magsabi ng hindi maganda ang aking Superstar."
PHOTO/S: Screengrab from CCP Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results