Sunud-sunod ang cryptic messages ni Alynna Velasquez sa Instagram Stories nitong mga nagdaang tatlong araw.
Si Alynna ang longtime partner ng yumaong OPM icon na si Hajji Alejandro.
Sumakabilang-buhay si Hajji noong April 21, 2025, dahil sa metastatic colon cancer, Stage 4.
Siya ay 70 taong gulang.
Read: OPM icon Hajji Alejandro dies at 70
ALYNNA: "I am also grieving?"
Noong April 22, 2025, dalawang magkasunod na cryptic messages ang ibinahagi ni Alynna sa kanyang IG Story.
Ito ang unang araw ng lamay para kay Hajji.
Unang post ni Alynna: "Lord, please give me strength..."

Sinundan niya ito ng saloobin niya sa diumano'y mga taong hindi maganda ang trato sa kanya.
Saad ni Alynna: "How could be people so mean to me when I am also grieving? God sees everything..."

Kahapon, April 23, ganito naman ang post niya: "My heart always forgives..."

At ngayong araw, April 24, sabi ni Alynna: "Pain, pain go away please…"

Read: Alynna opens up about Hajji Alejandro's battle with cancer
ALYNNA "UNABLE" TO GOT TO HAJJI'S WAKE
Noong April 22, sa unang gabi ng lamay para kay Hajji, hindi nakadalo si Alynna.
Nagpahiwatig si Alynna na hindi niya kagustuhang hindi magpunta sa lamay ni Hajji sa Heritage Park sa Taguig City.
Sa kanyang Instagram post, matalinhagang caption niya, "I was unable to go to your wake for reasons I don’t have control of."
Hindi naman nagdetalye si Alynna kung bakit hindi siya makabisita sa lamay.
Pero kahit wala sa lamay, nakapagbigay-pugay pa rin si Alynna kay Hajji sa Eastwood Walk of Fame kunsaan may tribute para sa namayapang OPM icon.
Nag-post si Alynna ng Reel kunsaan mapapanood ang video ng pagpunta niya sa Eastwood Walk of Fame sa Quezon City.
Doon ay nag-alay siya ng bulaklak sa star na may pangalan ni Hajji.
Pagpapatuloy ni Alynna sa caption ng kanyang post: "But I am glad I am here to pray for you and watch your star shine!
"I want to thank Eastwood City Walk of Fame for giving you honor today."
"You truly are a legend and your wonderful music will live on forever. We love you so much!
"HajjiAlejandro #iMissYouLove #HappyAnniversary (heart, praying hands, flowers emojis)"
Read: Why is Alynna "unable" to go to Hajji Alejandro’s wake?
Bago pa nito, nagkuwento na si Alynna tungkol sa huling walong araw na pinagsamahan nila ng partner bago pa ito malagutan ng hininga noong April 21.
Read: Alynna recounts last eight days with partner Hajji Alejandro
