PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Crocodile bites, wrestles with man in Zamboanga; man survives

The 29-year-old victim initially thought that the crocodile was not real.
by Bernie V. Franco
Published Apr 30, 2025
crocodile, man
A tourist at a wildlife park gets bitten by a crocodile. The skirmish lasted for an hour before the victim escapes from the crocodile's clutches. He suffered wounds in his leg and foot.
PHOTO/S: Facebook

Sinakmal, kinaladkad, at iwinasiwas na parang laruan ng isang buwaya ang isang 29-anyos na lalaki sa isang park sa Zamboanga Sibugay nitong Lunes, April 28, 2025.

Ang insidente ay nangyari sa kulungan ng buwaya sa Kabug Mangrove Park and Wetlands sa Barangay Laih, bayan ng Siay.

Ayon sa pulisya, ang lalaki ay isa sa mga namamasyal nang makita nito ang buwaya sa kulungan nito.

Pumasok ang lalaki sa kulungan at nilapitan ang buwaya sa pag-aakalang laruan ito.

“Nagpasyal siya sa area, ‘tapos nakita niya yung crocodile. In-expect niya na laruan lang.

“Pumunta siya sa bakod ng crocodile, pumasok siya, ‘tapos nakagat siya ng crocodile,” ani Police Staff Sargeant Joel Sajolga, ng Siay Police, ulat ng ABS-CBN News.

Binanggit din sa reports na ang lalaki ay may mental health condition.

Sa kuha ng video, makikitang sinagpang ng buwaya ang lalaki sa binti nito at kinakaladkad ang lalaki sa may tubigan sa loob ng kulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumisigaw ang lalaki na namimilipit sa sakit dahil sa pagkakakagat ng buwaya sa binti nito. Humihingi ito ng saklolo.

Sa isa pang kuhang video ay makikita ang biktima na pinipilit na ibuka ang bibig ng buwaya para makawala ang kanyang binti, subalit iwinawasiwas lang siya ng buwaya.

Maririnig din ang mga taong nasa parke na sumisigaw rin dahil sa takot at pag-aalala sa biktima.

Tinatayang tumagal ng isang oras bago nailigtas ang lalaki, ulat naman ng Net25.

man, crocodile
The 29-year-old man is reportedly mentally challenged and thought the crocodile was not real.
Photo/s: Gerry Berug Bautista via GMA News
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Snake falls on woman’s head; lands in her wine

MAN RESCUED AND SURVIVES

Sa report ng GMA Integrated News, binitawan lang ng buwaya ang lalaki nang patunugin ng may-ari ang bakal sa may kulungan ng buwaya.

Nilapatan siya agad ng first aid na nagtamo ng mga sugat sa kanyang paa at binti. Saka siya isinugod sa ospital.

Nagtulung-tulong ang pulisya, municipal disaster and rescue team, at park owner para mailigtas ang biktima.

Nangako naman ang may-ari ng parke na sasagutin niya ang pagpapagamot sa biktima.

Pansamantala munang ipinasara ang parke ng Depatment of Environment and Natural Resources (DENR) Zamboanga Peninsula.

Read: Why mussels have hair-like fiber

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A tourist at a wildlife park gets bitten by a crocodile. The skirmish lasted for an hour before the victim escapes from the crocodile's clutches. He suffered wounds in his leg and foot.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results