Jowable ang isang super poging aktor na bukod sa Perfect 10 ang looks ay may pa-abs at super-bait pa.
Kaya naman hindi nakapagtataka kung pinagpapantasyahan siya ng marami — babae man o miyembro ng LGBTQ community.
Pero hindi lang single ladies ang nama-magnet ni Poging Aktor kundi pala pati married women.
Isang Gandarang Married Actress ang hindi pinalampas ang pagkakataong matikman ang kissable lips ni Super Poging Aktor.
Sina Super Poging Aktor at Gandarang Married Actress ay parehong in their 40s.
Read: Pasaway na aktor, hindi na bibigyan ng proyekto ng TV network
MARRIED ACTRESS AND POGI ACTOR INTIMATE ENCOUNTER
Naganap ang intimate encounter nina Super Poging Aktor at Gandarang Married Actress sa isang private get-together kasama ang ilang common friends.
Mukhang galing sa isang party ang ilan sa kanila at nagdesisyong magsama-sama para mag-nightcap bago mag-uwian.
Sa gitna ng masayang kuwentuhan, mukhang naging komportableng-komportable sa isa't isa sina Super Poging Aktor at Gandarang Married Actress.
Hanggang sa madala sila at umabot sa puntong "naglaplapan."
Todo-makeout ng dalawa na para bang walang ibang kasama.
Walang kiyeme nilang pinasiklab ang apoy ng kanilang damdamin sa kanilang lip-lock battle!
Hindi lang pala sa trabaho passionate ang dalawang ito kundi pati sa totoong mundo.
Nawindang naman ang mga kasama nila nang gabing iyon dahil sa hindi inaasahang behavior ng dalawa.
Hindi nila akalaing magko-cross ng boundary si Gandarang Married Actress dahil sa pagkakaalam nila'y happily married at certified family woman ito.
Kaya napanganga sa sobrang gulat ang mga piping eyewitness.
Read: Magaling na aktor, notorious sa paghuhuramentado sa set?
LANDI WITH PERMISSION
Nang makitang shookt ang mga kasama, kaswal na nagpalipad-hangin si Gandarang Married Actress.
Matagal na raw siyang kasal kaya hindi maiiwasang ma-attract ito sa iba.
At, take note, may permiso daw ng mister niya ang pakikipag-makeout niya sa ibang guys.
Sabay-tawa ni Gandarang Married Actress.
Nakakaloka ang free-pass excuse ni Gandarang Married Actress, habang si Super Poging Actor ay tunay na pailalim ang naughty tendencies.
May free pass din kaya si Super Poging Aktor sa ibang girls na panay ang dikit sa kanya?