PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2025 Conclave to have most number of Filipino cardinals yet

These 3 Pinoy cardinals are eligible to be nominees, electors in the conclave.
by Bernie V. Franco
Published Apr 30, 2025
Pablo Virgilio David, Luis Antonio Tagle, Jose Advincula
Three Filipino cardinals in the 2025 conclave: (From left) Cardinals Pablo Virgilio David, Luis Antonio Tagle, and Jose Advincula are eligible to vote for the next pope; and they are also eligible to be nominated to be the next pope.
PHOTO/S: CBCP (Roy Lagarde / Facebook

Mas magiging malakas ang boses ng Pilipino sa gaganaping papal conclave sa Mayo 7, 2025.

Ito ay dahil tatlong Pilipinong cardinal ang kabilang sa mga boboto para ihalal ang susunod na papa.

So far, ito ang pinakamaraming bilang ng mga Pilipinong cardinal-electors na makakasama sa conclave, o eleksiyon ng susunod na papa, ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) news site, April 30, 2025.

Ang maihahalal na papa ay ang magiging ika-267th pope.

Ito ay kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis noong April 21, 2025. Siya ay 88 anyos.

Ang pinakaunang Pinoy cardinal at nakasama sa isang conclave ay si Manila Archbishop Rufino Santos, noong 1963.

Sumunod dito ang dalawang conclaves na ginanap noong 1978. Ang dalawang cardinals ay sina Jaime Sin ng Maynila at Julio Rosales ng Cebu.

August 1978 nang ihalal si Pope John Paul I bilang bagong papa.

Pero makalipas lamang ang higit isang buwan ay pumanaw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

October 1978, nagkaroon muli ng conclave at naihalal si Pope John Paul II.

Ang Pinoy cardinal na lumahok sa 2005 conclave ay si Ricardo Vidal ng Cebu.

Si Cardinal Luis Antonio Tagle naman ang lumahok sa 2013 conclave, ang taon nang maihalal si Pope Francis.

cardinals
A gathering of cardinals for a mass.
Photo/s: Vatican media
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sino si Sister Genevieve, madreng lumabag sa Vatican protocol?

THREE FILIPINO CARDINALS in 2025 conclave

Bukod kay Cardinal Tagle, 67, ang dalawa pang Filipino cardinals na makakasama sa conclave ngayong 2025 ay sina Cardinals Jose Advincula, 73, at Pablo Virgilio David, 66.

Ang tatlo ay nasa Vatican, Rome na ngayon para sa nalalapit na conclave sa susunod na linggo.

Si Advincula ang predecessor ni Tagle bilang arsobispo ng Maynila. Itinalaga siyang cardinal noong 2020.

Si David ay obispo ng Caloocan at naging cardinal noon lamang December 2024.

Sina Tagle, Advincula, at David ay edad below 80 anyos kung kaya’t eligible sila maging electors at nominees sa darating na conclave.

Sa tatlo, matunog ang pangalan ni Tagle na posibleng maging malakas na kandidato sa pagka-papa.

Read: Cardinal Luis Antonio Tagle: Possible successor to Pope Francis?

Kung mangyari man ito, siya ang magiging kauna-unahang Pilipino at Asian cardinal na magiging papa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dalawa pang current Filipino cardinals, pero hindi na makaboboto sa conclave dahil ang edad nila ay lampas 80.

Ang isa ay si Cardinal Orlando Beltran Quevedo, 86, na naging cardinal noong 2014. Ang panglima ay si Cardinal Gaudencio Borbon Rosales, 92, na naging cardinal noong 2006.

TAGLE TAPPED BY VATICAN TO HELP IN CONCLAVE

Napili kamakailan si Tagle ng Vatican para tumulong sa gaganaping botohan, ulat ng ABS-CBN News April 29, 2025,

Pansamantalang ginawang isa sa cardinal assistants si Tagle para tulungan ang Cardinal Camerlengo, isang papal appointee, para sa pamumuno ng Holy See, ang governing authority ng Simbahang Katoliko.

Itong taon din ang isa sa may pinakamaraming bilang ng College of Cardinals na umaabot sa humigit-kumulang 135 cardinals, kumpara sa mga nakaraan na may 113 lamang.

Pinakamalaking bilang pa rin ang European cardinals na may 53 cardinals o 40% ng College of Cardinals.

Sumunod dito ang Asian cardinals na umaabot sa 23 o 18%. Sinundan ito ng Latin America na may 23 cardinals o 17%, at Africa na may 18 cardinals o 14%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Mayo 7 magtitipun-tipon muna ang cardinals para sa isang misa sa Saint Peter’s Basilica, at susundan ito ng prusisyon nila papuntang Sistine Chapel.

Sa makasaysayang chapel na ito gaganapin ang conclave o closed-door election ng bagong papa.

Ang tanging indicator kung nakahalal na ng bagong pope ay ang usok na lalabas sa chimney ng Sistine Chapel.

Ang itim na usok ay indicator na wala pang nahahalal na bagong papa, habang ang puting usok ay indikasyon na may bagong pope na naihalal ang cardinals.

Sa kasalukuyang College of Cardinals, 80 percent sa mga ito ay appointed ng yumaong si Pope Francis.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Three Filipino cardinals in the 2025 conclave: (From left) Cardinals Pablo Virgilio David, Luis Antonio Tagle, and Jose Advincula are eligible to vote for the next pope; and they are also eligible to be nominated to be the next pope.
PHOTO/S: CBCP (Roy Lagarde / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results