Masuwerte raw si Ashley Ortega dahil hindi lang supportive boyfriend si Mavy Legaspi kundi "very welcoming" din sa kanya ang pamilya nito.
Sa eksklusibong panayam kay Ashley sa PEP Spotlight, ibinahagi niyang dati na niyang nakatrabaho ang mga magulang ni Mavy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Nakasama niya si Carmina sa lock-in taping para sa primetime series na Widows' Web, habang si Zoren ay naging ama niya sa primetime series na Sahaya.
Lahad ni Ashley: "Before maging kami ni Mavy, I already worked with Tita Carmina and Tito Zoren.
"Pero siyempre, as the girlfriend of Mavy now, Mavy introduced me as his girlfriend. Ang bait nila.
"Nung kakalabas ko sa outside world, Tita Mina messaged me personally. 'Hi, Ash, welcome to the outside world. I'm so proud of you for being a strong woman. Visit ka naman soon.'"
Ang tinutukoy ni Ashley na "outside world" ay ang paglabas niya bilang housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab, ang ongoing reality franchise show ng ABS-CBN katuwang ang GMA-7.
Nang sumalang si Ashley sa PEP Spotlight guest appearance, dalawang linggo na ang nakararaan mula nang siya ay ma-evict sa Bahay Ni Kuya.
Read: AC Bonifacio, Ashley Ortega first evictees in PBB Celeb Collab
Kuwento niya, nakabisita na siya sa bahay ng pamilya ni Mavy.
Kumain daw sila ng dinner at nanood ng second nomination night ng PBB.
"And they're just very welcoming. Sinabi rin sa akin ni Mavy na they would always watch PBB to support me.
"Sabi rin ni Mavy na they got to appreciate me more, mas nakilala nila ako while watching PBB."
Naramdaman daw niya ang pagmamahal ni Carmina nang yakapin siya nito nang magkita sila.
Maging ang kakambal ni Mavy na si Cassy Legaspi ay nag-message sa kanya.

Read: AC Bonifacio and Ashley Ortega reenact PBB eviction meme
ashley ortega on MAVY LEGASPI AS A SUPPORTIVE BOYFRIEND
Ramdam din ni Ashley, 26, ang pagmamahal ni Mavy, 24, paglabas niya ng PBB.
Sobrang shocked at lungkot ni Ashley nang ma-evict kasabay ng ka-duo niyang si AC Bonifacio.
Naging meme pa sila noon dahil sa sobrang pagkatulala ni Ashley.
Pero pagkatapos ng episode na iyon ay nagkaroon daw siya ng pagkakataong makausap si Mavy, na isa sa hosts ng programa.
Kay Mavy raw ibinuhos noon ni Ashley ang pagkabigong naramdaman niya.
"Si Mavy talaga unang pumunta sa akin. Dun ako umiyak na 40 minutes humahagulgol, as in iyak talaga, emotional talaga ako.
"First time niya na-experience na ganun ako," balik-tanaw ni Ashley sa PEP Spotlight.
Si Mavy raw ang nagpagaan ng loob niya at nagsabing marami siyang supporters sa outside world.
"He was the person na mahal ko who was there for me," nakangiting pag-alala pa ni Ashley.
Sandaling nagkasama sina Ashley at Mavy sa loob ng PBB house nang ipasok si Mavy bilang houseguest noong unang mga araw ng housemates.
Napag-alaman daw ni Ashley na sinubaybayan nang husto ng nobyo ang journey niya bilang housemate.
"Siyempre nung nagkita kami, sabi ko, 'Na-miss mo ba ako?' Siyempre ako na-miss ko yung face niya kasi di ko nakikita.
"Sabi niya, 'Every day nakikita ko yung mukha mo.' Kasi pumupunta talaga siya ng PBB house.
"Pumupunta siya sa control room, lagi niya ako nakikita. Sobra siyang updated sa livestream.
"Sometimes nga nagugulat yung writers ng PBB, siyempre siya tutok. 'Guys, alam niyo ba yung pinag-usapan nila…'
"Siyempre di naman sila 24/7 nakatutok, si Mavy nakatutok daw lagi kasi he wants to see me all the time.
"So I just really appreciate him for being so supportive."
Read: Mavy posts sweet message for Ashley after her PBB eviction
ASHLEY ORTEGA AND MAVY LEGASPI'S RELATIONSHIP
Pagpasok pa lang ng taong 2025 ay umugong ang balitang magkasintahan sina Ashley at Mavy nang mamataan silang magkasamang nagdiwang ng Sinulog sa Cebu.
Nang sumunod na buwan, ilang araw bago siya pumasok sa PBB, umamin si Ashley sa isang TV show na nobyo niya si Mavy.
Ayon kay Ashley, perfect timing ang pagkakakilala nila ni Mavy.
Saad ng aktres: "Before Mavy, matagal din akong naging single. I really wanted to take time to reflect, to love myself again.
"Kasi ang dami kong pinagdaanan—umalis ako sa bahay. I have to figure things out on my own.
"Pinanindigan ko talaga yung pagiging strong, independent woman."
Masaya raw siya sa estado ng relasyon nila ngayon.
"And then when Mavy came into my life, I feel like I was ready to love again and to be in a relationship.
"I'm grateful for Mavy. He came to my life at the right time.
"So now I'm just happy. No regrets din sa lahat ng lessons na natutunan ko sa past relationship ko.
"If it weren't for those mistakes and lessons, I wouldn't be the person that I am now."
Ang huling nakarelasyon ni Ashley ay si Lucena City Mayor Mark Alcala. Naghiwalay sila noon pang 2022.
Read: Ashley Ortega, hiwalay na sa boyfriend na si Lucena Mayor Mark Alcala
Naging nobya naman ni Mavy ang kapwa Kapuso star na si Kyline Alcantara, pero naghiwalay sila noong huling bahagi ng 2023.
Read: Kyline Alcantara-Mavy Legaspi relationship: A timeline
