Sa wakas, nanalo na si Ahtisa Manalo!
Ang pambato ng Quezon Province na si Ahtisa Manalo ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2025 sa grand coronation na ginanap sa SM Mall of Asia Arena ngayong Biyernes ng gabi, May 2, 2025.
Read: Ahtisa Manalo's poise after stage slip draws praise online
Si Ahtisa ay fan favorite at beterana pagdating sa beauty pageant.
Siya ang reigning Miss Philippines Cosmo 2024.
Read: Ahtisa Manalo asks fans to stop bashing Miss Cosmo 2024 winner
Si Ahtisa rin ang itinanghal na Bb. Pilipinas-International noong 2018.
Hinirang din siyang Miss International 2018 first runner-up.
Ka-batch niya sa Binibining Pilipinas si Catriona Gray na kinoronahang Miss Universe 2018.
Nanaig ang kanyang karanasan nang daigin niya ang 65 pang kandidata ng Miss Universe Philippines 2025 mula sa iba't ibang probinsya at munisipalidad sa bansa.
Read: Miss Universe Philippines 2025 Top 6 evening gowns
AHTISA MANALO STUNS THROUGHOUT THE GRAND CORONATION NIGHT
Ang husay sa pagrampa sa swimsuit competition, poise sa evening gown, at galing sa pagsagot sa question-and-answer portion ang naging daan para magningning si Ahtisa sa Miss Universe Philippines 2025.
Read: Miss Universe Philippines 2025 Top 12
Dahil dito, siya ang nagkamit ng Miss Universe Philippines 2025 crown.
Dinaig niya ang kapwa Top 6 finalists na sina Winwyn Marquez ng Muntinlupa, Chelsea Fernandez ng Sultan Kudarat, Ma. Katrina Llegado ng Taguig, Gabriella Mai Carballo ng Cebu City, at Yllana Maria Aduana ng Siniloan, Laguna.
Read: Miss Universe PH 2025: Fan favorites secure Top 24 spots
Si Miss Universe Philippines 2024 at Miss Universe Asia Chelsea Manalo ang nagpasa ng korona kay Ahtisa.

Si Ahtisa ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 na gaganapin sa Thailand bago matapos ang taong kasalukuyan.
Read: Miss Universe Philippines 2025 winning answer
OTHER MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2025 WINNERS
Pagkatapos ng live coverage ng Miss Universe Philippines 2025 ay inanunsiyo ang nanalo ng iba pang beauty titles.
Si Ma. Katrina Llegado ang itinanghal na Miss Supranational Philippines 2026.
Si Gabriella Mai Carballo ang Miss Eco International Philippines 2026.
Si Chelsea Fernandez ang Miss Cosmo Philippines 2026.
First runner-up si Teresita Ssen Marquez at second runner-up naman si Yllana Marie Aduana sa Miss Universe Philippines 2025.
