Break na ba sina Kirk Bondad at Lou Yanong?
Ito ang tanong ngayon ng maraming netizens matapos i-unfollow ni Lou si Kirk sa Instagram.
Gayunpaman, nananatiling naka-follow si Kirk kay Lou.
Makikita rin sa posts ni Kirk ang mga larawan at videos nila ni Lou.
Si Kirk, isang Filipino-German model, ay kinoronahang Mister Pilipinas International 2025 kamakailan.
Si Lou, na isa ring model, ay unang nakilala bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Otso (2019) at pinasok kalaunan ang showbiz.


Unang pinag-usapan sina Kirk at Lou noong October 2024 kasunod ng Instagram post ni Kirk ng bakasyon nila sa Palawan.
Walang kumpirmasyon sa kampo ng dalawa, subalit ang marami nilang social media posts na laging magkasama ay indikasyong may namamagitan sa dalawa.
Pero kamakailan ay napansin ng mapagmasid na netizens na hindi na naka-follow si Lou kay Kirk.
Hindi na rin sila nagpo-post na magkasama kaya naghinala ang kanilang followers na hiwalay na sila.
Read: Is Kirk Bondad in a relationship with Lou Yanong?
KIRK SPOTTED WITH Another GIRL IN LA UNION
Kasunod ng isyung ito, mas lalong tumibay ang suspetsa ng netizens na hiwalay na nga sina Lou at Kirk dahil sa mga post ni Kirk na may kasamang ibang babae.
Namataan si Kirk at ang sinasabing babae sa isang event trip sa La Union.
May Instagram post din ang babae na isang video kung saan binubuhat siya ni Kirk habang nasa dagat sila.
Hindi naman tiyak kung may ugnayan na nga si Kirk at ang babaeng kasama nito sa La Union.

Isang reliable source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakakita sa dalawa sa La Union ang nagsabing “hindi mukhang friends” ang kilos ng dalawa.
Sabi pa ng source, hindi niya nakitang nagyakapan o naghalikan si Kirk at ang babae subalit lagi raw silang magkadikit.
May recent Instagram Stories si Kirk na kasama ang babae at iba pa sa event sa La union.
Bumaha naman ng komento ang post ng babae kasama si Kirk habang nasa dagat.
Karamihan ay tanong ng netizens kung wala na ba sina Lou at Kirk. Kitang-kita kasi sa video ang closeness ni Kirk sa babae.
Sunud-sunod din ang pagpuna ng netizens kay Kirk.
Kinastigo nila ang half-Filipino model dahil napakabilis daw nitong makahanap ng kapalit.
Narito ang ilang sa mga pagbatikos ng netizens kay Kirk:



