Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya actress na si Kira Balinger kaugnay ng isyung “binastos” umano siya ng Kapuso actress na si Faith Da Silva.
Kaugnay ito ng guest appearance ni Kira at ng kapwa niya Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition evictee na si Charlie Fleming sa GMA-7 morning variety show na TiktoClock.
Si Faith ay co-host sa Kapuso program.
Read:
- Charlie Fleming, Kira Balinger evicted from PBB Celebrity Collab
- Klarisse's partner slams basher's below-the-belt comment
THE tiktoclock INCIDENT
Sa April 24, 2025 episode ng TiktoClock, sumabak sina Kira at Charlie sa ‘’Sang Tanong ‘Sang Sabog’” segment ng show.
Ang game mechanics: pasasabugan ng pulbos sa mukha ang player sa bawat maling sagot nito sa tanong.
Sumalang si Kira sa game kung saan dalawang beses siyang nasabugan ng pulbos sa mukha dahil sa maling sagot.
Nang matapos na ang laro, inanyayahan ni Faith sina Kira at Charlie na i-promote ang ongoing PBB edition.
Si Charlie ang unang nag-promote ng reality-based show.
Nang iabot kay Kira ang mikropono, hindi siya agad nakapagsalita dahil tila nagre-recover pa ito mula sa laro
Nang magsimula nang magsalita si Kira, naputol ito dahil nagsalita si Faith para sa commercial cue.
Isang netizen ang nag-repost ng video clip ng insidnete sa social media.
Malinaw na ginawan ito ng intriga dahil sa caption nitong “Kira Balinger binastos ni Faith da Silva sa TiktoClock?"
Umani ito ng maraming komento mula sa ibang netizens.

NETIZENS REACT
Daan-daang netizens ang nag-comment sa video post, pero mas nangibabaw ang batikos kay Faith.
Marami ang hindi nagustuhan ang biglang pagsabat ng Kapuso actress kay Kira.
Pinaratangan din ng ilang netizens si Faith tulad ng "bastos," "hindi professional," at "starlet."
Narito ang ilang pagpuna kay Faith:



May isang netizen naman ang nangatuwirang hindi isyu sa mga artistang involved ang insidente, at fans lang umano ang gumagawa ng isyu.
Bahagi ng komento ng netizen (published as is): "Ung mga artista ok naman sila. Pero yung mga fans lang talaga nagaaway. Lahat nalang issue sa inyo. Mahirap talaga kau pasiyahin."

KIRA BALINGER REACTS
Noong Biyernes, May 2, humarap sa media si Kira at kapwa Star Magic artists na sina Emilio Daez, na PBB evictee rin, at Iñigo Pascual.
Tinanong ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) junior writer Khryzztine Joy Baylon si Kira ukol sa umano’y pambabatos sa kanya ni Faith.
Tugon ni Kira: “Actually, when I was there, hindi ko naman po feel na may kabastusan na nangyari.
“And alam ko naman din yung sa mga live show po na ganyan, talagang may oras iyan.
"So, if they needed to cut the show, wala po talagang problema iyan sa akin."
Paliwanag pa ni Kira, sa mga oras na iyon ay hindi pa siya nakaka-recover mula sa impact ng laro.
“Nasabugan na ako, so alam mo yung I’m still reeling from the moment na, ‘Oh my god, what do I look like? Dyusko, paano ito?’
“’Tapos hindi ko pa makita yung prompter sa harapan ko. I think a little bit of the powder went in my eye, nalasahan ko din yung powder.
“So, talagang hindi ko... I wasn’t really prepared in that moment kaya okay lang po sa akin.”
