PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alicia Alonzo reveals life in monastery after leaving showbiz

Alicia Alonzo says she has left showbiz for good.
by Bernie V. Franco
Published May 4, 2025
Alicia Alonzo
Since 2023, Alicia Alonzo has been living a simple and quiet life in a monastery in Magalang, Pampanga: "Siguro yung dito meron akong peace of mind. Meron ako yung peace of soul."
PHOTO/S: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube

Tuluyan nang tinalikuran ng batikang aktres na si Alicia Alonzo ang showbiz.

Namumuhay na siya ngayon bilang isang Catholic sister sa Caryana Monastery sa Magalang, Pampanga.

Hindi ordained si Alicia ngunit nag-take siya ng religious vows at namumuhay kagaya ng isang madre.

Kuwento ng veteran actress, napakasimple ng pamumuhay niya ngayon at malayo sa karangyaan.

Pero natagpuan daw niya ang kapayapaan at kaligayahang hinahangad.

Pakiramdam daw ni Alicia, ginabayan siya ng Panginoon na makita ang totoong buhay na magpapaligaya sa kanya at iwanan ang buhay sa labas at buhay sa showbiz.

Si Alicia ay nagsimulang mag-artista noong dekada '60 at aniya, tinatayang isandaang pelikula ang kanyang nagawa.

Nakakuha siya ng acting nominations mula sa iba-ibang awards-giving bodies, tulad ng Film Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS), Gawad Urian, at Philippine Movie Press Club.

Nanalo siya ng Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival noong 1983 para sa pelikulang Bago Kumalat ang Kamandag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami rin siyang ginawang mga teleserye, isa na rito ang Anna Liza, ang tanyag na TV series noong dekada 80.

Ang ilan sa kanyang pinakahuling TV projects ay The Stepdaughters (2018) at Kara Mia (2019) na parehong Kapuso projects.

HOW ALICIA DISCOVERED HER CALLING

Ikinuwento ni Alicia ang kanyang napakakulay na buhay sa YouTube vlog ni Julius Babao na ipinost noong Mayo 1, 2025.

Binalikan niya rito kung paano siya napadpad sa mundo ng showbiz, ang makukulay(masaya at malungkot) na mga kaganapan sa personal na buhay at bilang artista.

Pero ang isang highlight ay kung paano nagdesisyon si Alicia na hanapin ang Panginoon, gayundin ang buhay na payapa at masaya.

Kuwento ni Alicia, una niyang nadiskubre ang Caryana Monastery noong 2000, o higit dalawang dekada na ang nakalilipas.

Sa loob ng napakahabang panahon, nabuo ang kanyang ugnayan sa Caryana Monastery para sa kanyang spiritual journey.

Panahon daw ng COVID-19 pandemic nang tuluyan nang manirahan si Alicia sa loob ng monasteryo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hudyat din daw iyon ng pagtalikod niya sa mundo ng showbiz.

“I’m turning 79 sa June. All my life, puro gusto ko ang ginawa ko, di ba?” saad ni Alicia sa interview ni Julius.

“Lahat na lang ng puro tama, mali… lahat ginawa ko.

“Ngayon, naisip ko, itong age kong ito, ano pang natitira, di ba? Siguro naman dapat lang ibigay ko para sa Kanya.”

Alicia Alonzo, Julius Babao
Former actress Alicia Alonzo talks to Julius Babao about her life now as a lay person in a monastery in Pampanga.
Photo/s: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Step inside the ancestral house where 1988 horror classic Tiyanak was shot

LIFE IN THE MONASTERY

Paliwanag ni Alicia, napakasimple ng pamumuhay niya bilang isang sister sa monasteryo.

Ang mga tao raw roon ay isinasabuhay ang salita ng Diyos.

“Dito, hindi ako artista. Kaya ang parang feeling nung nandito na ako… parang naramdaman ko yung freedom, parang I’m free,” saad niya.

Ang hangad daw kasi ni Alicia ay magkaroon ng salvation.

Pakiramdam niya ay makakamit iyon kung ipagpapatuloy nito ang tinatahak na buhay ngayon.

“Pag nandito ka, unang-una, malayo ka sa tukso,” sabi ng dating aktres.

Aminado si Alicia na mahina siya sa tukso kapag nasa labas, halimbawa raw ang paghahangad ng mga bagay na hindi naman pala tunay na kailangan.

Kinakailangan daw niya ng mga taong tutulong sa kanya para mapabuti siya.

“Sa kanila ko nakikita, e, how to really live yung life na gusto ni Lord. Nakikita ko sa kanila,” sabi ni Alicia, patukoy sa mga taong kasama niya sa monasteryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahihimok daw siyang gayahin ang mga kasama niyang isinasabuhay ang turo ng simbahan.

“Pag nandito ako, natututo akong sumunod. Pag sa labas kasi, ako ang kailangang masunod,” natatawang sambit ni Alicia.

“Hindi ko naman talaga sasabihing madali, di ba? Mahirap talaga,” aniya ukol sa buhay na may obedience.

“Pero pag andito ka na, kailangan sumunod. Kasi katuwiran ko, ‘Bakit ba ako nandito kung hindi ako susunod?’”

Sa dalawang taong pamumuhay sa monasteryo ay nasanay na raw si Alicia. Hindi na nga raw siya masaya sa buhay sa labas.

Kahit daw pumunta siya sa Amerika para makasama ang mga mahal sa buhay, ramdam daw niyang may kulang.

Kuwento niya: “Yung last punta ko doon sa Amerika, parang hindi ako masaya. Although andun yung anak ko, mga apo ko, ganyan.

“Pero sabi ko, ‘Bakit hindi ako masaya?’ Saka parang hinahanap ko ito.

“Dito masaya ako. Nakakatulog ako nang maayos.”

ALICIA ON FINDING TRUE HAPPINESS

Giit ni Alicia, hindi na siya babalik sa pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“No more. Talagang dito, tinuldukan ko na,” sabi niya.

“Actually nga, walang nakakaalam na nandito ako kasi nagpalit na ako ng SIM card. Wala, walang nakakaalam.”

Marahil daw ay may dahilan kung bakit sila nagkausap ni Julius.

Nilinaw ni Alicia na hindi naman naging madali ang transition niya na mamuhay sa monasteryo.

Pero may mga kaganapan daw na umayon para mapunta siya sa kanyang kasalukuyang kalagayan.

Ibinigay pa niyang halimbawa noon na hindi niya maiwan ang bahay niya sa Quezon City.

Pinaupahan niya raw ito, at nang magdesisyong umalis ang umuupa, bigla raw may nagkainteres na bilhin ang kanyang bahay.

Kuwento pa ni Alicia, nagkaroon siya ng “very clear signs” na dinala siya ng Diyos para maging Catholic lay person.

Aniya ukol sa kanyang buhay ngayon, “Siguro yung dito meron akong peace of mind. Meron ako yung peace of soul.

“Dito ko natutunan, live the life of repentance para maging okay talaga—which is prayer, fasting, good works.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi raw ng buhay niya ngayon ang magdasal ng pitong beses sa isang araw; fasting na bukod sa pagkain ay mga bagay na hindi puwedeng gawin, “sa mga desires mo, wants mo.”

At sa good works naman ay nakakatulong sa kapwa at sa komunidad.

Nagbigay rin siya ng halimbawa ng magandang pagbabago sa kanyang buhay.

Dati raw ay mainitin ang kanyang ulo.

Sa kanyang bagong buhay, naturuan daw siya na dapat ang tao ay “ruled not by emotions but by reason.”

Ngayon, bago raw siya mag-react ay nag-iisip muna at hindi nagpapadala sa init ng ulo.

“Pag nasanay na ako nang ganun, so ngayon parang yung peace of mind, yung peace of soul…” diin ni Alicia.

Using her life as an example, sinabi ni Alicia na kung mananalig at mananampalataya sa Diyos, may mga pangyayari sa buhay na ituturo ka sa buhay para sa iyong ikabubuti.

“Meron palang plano ang Panginoon na maganda,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m very happy kasi ganoon pala talaga. Pag ibinigay mo na kay Lord, pag nag-trust ka na sa Kanya.”

Kabilang sa mga huling proyektong ginawa ni Alicia bilang aktres ay ang Kapuso teleserye na Kara Mia noong 2019 at isang episode ng Kapamilya drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Carmina Villarroel, Alicia Alonzo
Alicia (right) with Carmina Villarroel in the 2019 Kapuso teleserye Kara Mia.
Photo/s: GMA NETWORK
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Alicia Alonzo, Gerald Anderson
Alicia with Gerald Anderson in an episode of Maalaala Mo Kaya.
Photo/s: ABS-

CONTROVERSY INVOLVING THE CARyAna MONASTERY

Ang Caryana Monastery, na itinayo noong 1972, ay nabalot ng kontrobersiya noon.

Sa artikulo ng Union of Catholic Asian News (UCAN) noong May 1988, tampok ito sa feature na may titulong UCAN FEATURE – CONTROVERSY ROCKS GROUP LED BY EXPELLED PRIEST.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit dito na ang Benedictine priest na si Father Odon de Castro, ang founder ng Caryana Monastery, “has since been expelled from his congregation.”

Ayon sa artikulo, hiningi noon ng isang couple sa korte na mabawi ang kanilang noo'y eight-year-old daughter na nasa pangangalaga ni De Castro.

Binawi rin daw ng mag-asawa ang dalawa pa nilang anak na babaeng nanatili sa monasteryo ng walong taon bilang contemplative nuns.

Saad ng mag-asawa, “[T]hat CARYANA is no longer what it was and that de Castro has been disobedient to Church authorities.”

Dagdag pa sa ulat, “In the past, other parents have withdrawn minor children against Father de Castro´s wishes.”

Nagbigay rin ng pahayag noon ang isang Jesuit psychologist na nag-counsel sa mga pamilyang “with CARYANA-related problems.”

Quoted ang Jesuit psychologist: "CARYANA goes against religious life as we have it now. They have walls that keep the world out and people in.

"Young people should not be deprived of their freedom to grow as human beings. Otherwise they do not enter religious life freely."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumanaw ang founder ng monasteryo na si De Castro noong 2021.

Read: 2025 Conclave to have most number of Filipino cardinals yet

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Since 2023, Alicia Alonzo has been living a simple and quiet life in a monastery in Magalang, Pampanga: "Siguro yung dito meron akong peace of mind. Meron ako yung peace of soul."
PHOTO/S: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results