PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Female motovlogger skips hearing; pickup driver rejects apology

Female Motovlogger no-show at LTO hearing.
by Bernie V. Franco
Published May 8, 2025
Yanna motovlog
Motovlogger Yanna Motovlog was no-show at the hearing at Land Transportation Office on May 6, 2025. She was ordered to appear at the LTO office via show-cause order and explain why her driver's license should not be revoked or suspended following an alleged road rage incident.
PHOTO/S: Yanna on Facebook

Hindi sumipot sa hearing ang female motorcycle vlogger o motovlogger na ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) para magpaliwanag dahil sa pagsisimula umano nito ng road rage.

Ang dumating para sa show-case order (SCO) ng motovlogger na si Alyanna Mari Aguinaldo, aka Yanna Motovlog, ay ang kanyang abogado.

Ginanap ang pagdinig sa tanggapan ng LTO noong May 6, 2025.

Sa SCO, pinagpapaliwanag si Yanna kung bakit hindi dapat ma-revoke o masuspindi ang kanyang driver’s license, at masampahan ng mga kasong administratibo na may kinalaman sa driving at vehicle.

Nag-viral si Yanna sa ipinost niyang video ng pagdi-dirty finger at "allegedly instigating road rage" sa isang pickup driver sa isang dirt road sa Zambales noong April 29, 2025.

Inulan ng batikos ang motovlogger dahil sa paraan ng pagkompronta nito—naninigaw at nagmumura—sa pickup driver nang bumaba sa sasakyan ang huli.

Sumipot sa hearing ang pickup driver na kinilala na bilang si Jimmy Pascua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binasa ng abogado ni Yanna na si Atty. Ace Jurado ang sulat ng kanyang kliyente sa hearing, ulat ng DzBB.

Bahagi ng nakasaad dito: “Ako po ay humihingi ng sinserong paumanhin dahil napagdesisyunan ko na po na hindi sumagot at humarap nang personal sa show-cause order sa LTO.”

Irerespeto raw ng vlogger kung anuman ang magiging desisyon ng LTO at ang parusang ipapataw sa kanya.

Humingi ng paumanhin ang female vlogger sa nakaalitan niyang pickup driver at sa pamilya nito dahil daw sa abala at kahihiyang idinulot niya.

Sinabi rin ng vlogger na apektado ang kanyang pamilya at nakatatanggap sila ng mga banta.

Read: Female motovlogger summoned by LTO over road rage incident

PICKUP DRIVER’S DECISION

Dismayado si Pascua sa hindi pagsipot ni Yanna sa hearing.

Itutuloy raw nito ang pagsasampa ng criminal case laban sa motovlogger, ulat ng ABS-CBN News.

"Hindi naman po sincere yung ano nila, sorry. Itutuloy ko na lang iyong kaso," sabi ni Pascua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pamamahiyang ginawa ng vlogger kay Pascua, nadawit daw ang kanyang pamilya.

Nakipag-ugnayan umano si Pascua sa panig ng motovlogger para tanggalin na ang viral video, subalit hindi ito tinanggal ni Yanna.

Sinabi naman ni LTO Intelligence and Investigation Division chief Renante Militante na haharap pa rin ang motovlogger sa mga kasong administratibo sa kabila ng ginawa nitong apology.

Pahayag ni Militante, "Kami po rito sa LTO, kahit po meron nang ganyan [apology], tuloy pa rin po iyong administratibong kaso na isasampa namin.”

Ipinag-utos din ng LTO na dalhin sa kanilang tanggapan ang motorsiklong ginamit ni Yanna sa viral vlog para sa inspection, pati na rin ang mga dokumento ng sasakyan.

Read: Your step-by-step guide to voting on May 12 elections

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Motovlogger Yanna Motovlog was no-show at the hearing at Land Transportation Office on May 6, 2025. She was ordered to appear at the LTO office via show-cause order and explain why her driver's license should not be revoked or suspended following an alleged road rage incident.
PHOTO/S: Yanna on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results