Maraming alaalang iniwan si Ricky Davao sa mga malapit na mga kaibigang sina Michael de Mesa at Rez Cortez.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Michael at Rez sa burol ni Ricky sa Heritage Park noong Lunes, May 5.
Read: Ricky Davao dies at 63
Kuwento ni Michael, teenagers pa lang sila ni Ricky ay magkakilala na sila dahil pareho silang showbiz royalty.
Si Michael ay anak nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil; habang si Ricky ay anak ng aktor na si Charlie Davao.
Halos magkaedad din sina Michael, 64, at Ricky, 63.
Kuwento ni Michael: "Fifty years na kaming magkaibigan ni Ricky. Fourteen [years old] pa lang kami, magkakasama na kami.
"Hindi pa kasi masyadong… ako pa lang ang nag-aartista noon.
"Siya, nag-uumpisa pa lang. Tapos, sumayaw-sayaw din siya.
"Sina Tito Charlie, tapos mommy ko, madalas silang magkasama sa pelikula.
"So, naging barkada kami. Ako, si Mark, si Ricky, at si Bing, kapatid ni Ricky. Kaming apat [ang magkakasama] nung high school kami," balik-tanaw ni Michael.
Ang "Mark" na tinutukoy ni Michael ay ang pumanaw niyang kapatid na si Mark gil, habang si "Bing" naman ay ang artista ring kapatid ni Ricky na si Bing Davao.
Sabay emosyunal na sabi ni Michael: "So, medyo mahaba-haba rin yung pinagsamahan namin ni Ricky. Ganoon katagal kaya sobrang sakit."
Pumanaw si Ricky dahil sa kumplikasyong dulot ng cancer. Kapiling siya ng mga mahal sa buhay nang bawian ng buhay noong May 1.
Sa kaso ni Rez, 69, naging kapitbahay raw niya si Ricky sa isang exclusive village sa Quezon City.
Balik-tanaw ni Rez: "Bata pa si Ricky. Hindi pa siya artista. Ako, wala pang asawa that time.
"In-introduce ko siya sa mga workshops, sa mga ganito, hanggang sa solo na siya, ganoon.
"At, talagang ano siya sa mga play, kasi nga seryosong artista, e."
Nabanggit ni Rez sa eulogy niya para kay Ricky na may pagkakataong dinala niya ito sa isang club noon.
"Hindi, kasi masyado nang seryoso," saad ni Rez sa PEP at ilang entertainment reporters.
Pagpapatuloy ni Rez: "Para meron namang comedy kaya ko kinuwento yun. Hindi naman santo si Ricky, e. May pagka-naughty din.
"Pero walang masamang tinapay. Wala kang marinig na siniraan na ibang tao."
"Discreet lang!" sabay tawa ni Michael.
Dagdag ni Michael: "Pero si Ricky is a very light-hearted person. Siya lang yung isa sa mga nakilala ko na hindi pikon.
"Kasi grabe rin yung biruan namin sa kanya, e. Walang negativity sa katawan.
"Kaya admirable yung personality niya, yung character niya."

Read: Tearful Jackie Lou Blanco says she had "closure" with Ricky Davao
RICKY DAVAO HOSPITAL CONFINEMENT
Bagamat inilihim ni Ricky ang sakit sa publiko, alam nina Michael at Rez ang tungkol dito.
Huling beses na nakausap ni Rez si Ricky via video call.
Lahad ni Rez, "So, pinatawa ko nang pinatawa.
"Sabi ko, 'Davao! Ngayon, wala na kaming pipigilan na humawak ng mic.'
"Dahil hindi na siya nakapagsalita. Senyas-senyas na lang.
"Nasa hospital siya that time. Paglabas niya ng ICU. Nito lang."
Ganoon din daw si Michael.
Kuwento ni Michael: "Nadalaw ko siya sa ospital. Mga two weeks before siya umuwi. Dinalaw ko siya. Siguro mga apat na oras.
"Maraming memories na hindi malilimutan. Sa dami, hindi ko maalaala now.
"Basta, huwag mong bibigyan ng mic yan kasi oras na hawakan niya yan, wala nang ibang makakakanta. Magko-concert na yun… Hehehe!"
Nagbigay ng ilang detalye sina Michael at Rez sa pakikipaglaban ni Ricky sa cancer.
Ayon kay Michael, "Kumbaga, namaga yung lymph node niya, e. So, dinala siya sa ospital. Pagkadala sa hospital, tuluy-tuloy na yun. Dire-diretso na siya.”
Matapos ang hospital confinement ay pinili raw ni Ricky na umuwi na lang ng bahay.
"Sa bahay siya binawian ng buhay," saad ni Rez.
Hindi pa rin makapaniwala si Michael kung gaano kabilis ang pakikipaglaban ni Ricky sa cancer.
Sabi ni Michael, "Hindi mo talaga masasabi, e. Ang cancer walang pinapatawad yan. Walang pinipili.
"Nung nalaman nila, malala na. Kaya importante yung magpa-checkup, e."
Read: Jackie Lou Blanco introduces other women in Ricky Davao's life
regular HEALTH CHECKUPS
Diin ni Michael, mahalagang alagaan ang kalusugan.
"Kasi ang dapat na mindset natin ngayon, preventive, di ba?
"So, kahit wala kang nararamdaman, magpatingin ka. Kasi doon mo lang malalaman kung may diperensiya ka o wala.
"Hindi mo talaga masabi, e. Yan yung mga katanungan na hindi mo masagut-sagot.
"Heath is wealth pa rin talaga," saad ni Michael, na ineengganyo ang mga kapwa artista na magkaroon ng regular check-up.
Dagdag ni Michael, "Dapat preventine para ma-maintain mo health mo, like proper diet, exercise. Importante yun. At saka yung puyat."
Nabanggit naman ni Rez ang aniya'y mas maayos na working conditions sa set.
"Mabuti na lang ngayon may Eddie Garcia [Law]. So, hindi na nangyayari yung 24 hours na trabaho, di ba?
"May nali-late, depende sa call time. Pero maximum of 16 hours [ang taping/shooting]. So, kahit paano nakakapag-rest, nakakabawi.
"Saka may cut-off na. Kung minsan nakikiusap ang production nang konti. Na kung puwede i-extend nang konti dahil gustong i-close yung sequence.
"E, pinagbibigyan naman natin. Hindi naman tayo ganoon kaistrikto na," paliwanag ni Rez.
Read: Ricky Davao, pumanaw kapiling ang kanyang pamilya
GENERAL ASSEMBLY FOR INDUSTRY WORKERS, STAKEHOLDERS
Si Rez ang incumbent president at CEO ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND).
Balak daw ng MOWELFUND, Film Development Council of the Philippines (FDCP), at Film Academy of The Philippines (FAP) na magpatawag ng general assembly para sa workers at stakeholders ng entertainment industry.
Kaugnay raw ito ng sunud-sunod na pagpanaw ng mga artistang sina Pilita Corrales, National Artist Nora Aunor, Hajji Alejandro, at Ricky.
Binanggit din ni Rez ang character actor na si Romy Romulo na napanood sa FPJ's Batang Quiapo. Pumanaw si Romy noon ding Abril.
“Sa ngayon, wala pang napapag-usapan kung kailan gagawin. Pag-uusapan pa kung paano ang sistema, [kung] magiging ecumenical," ani Rez kaugnay ng paplanuhin pang general assembly .
Sa kabilang banda, ang grupong Aktor PH, na pinamumunuan ni Dingdong Dantes, ay pinagtutuunan daw ang medical needs ng mga artista.
"Oo, kasi may programa si Dingdong na lahat ng manggagawa sa pelikulang Pilipino na magkaroon ng free medical treatment, lalo na yung primary care.
"At, gusto niya magkaroon ng HMO, medical insurance.
"Basta, alam na ni Dingdong... Kukuha ng sponsors like Mowelfund. Marami namang puwedeng tumulong.
"Kaya nga yung event kasama na yung FDCP, Film Academy, Mowelfund, at lahat ng mga guilds, kasama yung Aktor PH."
Related stories:
