Nag-viral ang isang video na nakunang iyak nang iyak si David Chua.
Nangyari ito habang nanonood siya ng concert ng Bandang Lapis sa Tondo sa Maynila.
Kinakanta ng grupo ang hit song nilang "Kabilang Buhay," at kitang-kitang umiiyak si David sa gilid ng stage habang sumasabay sa pagkanta ng banda.
Bahagi ng lyrics ng kanta: "Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan? / Hindi papabayaan na ako'y mag-isa / Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? / Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?"
Ilang vloggers ang lumapit kay David at kinausap ito.
“Nakakahiya naman," mugto ang mga matang saad ni David.
"Yung lyrics kasi, naalala ko lang kasi yung mom ko na sumakabilang-buhay noong 2020, nung kasagsagan ng pandemic.
"Mas ramdam ko lang kasi yung song dahil malapit nang mag-Mother’s Day, and naalala ko lang kung paano kami usually nagse-celebrate."
Sobrang malapit daw kasi ni David sa ina noong nabubuhay pa ito.
Paliwanag niya, "Kasi nga, since lumaki ako na walang tatay, yung mom ko lang talaga yung constant sa buhay ko, lalo na nung nagsisimula pa lang akong mag-artista.
"Siya lang talaga yung nagsu-support sa akin noon."
Read: Angelika dela Cruz receives death threat and three bullets
DAVID CHUA "CLOSURE" WITH ESTRANGED FATHER
Pumanaw na rin ang ama ni David sa edad na 70 noong March 21.
Ayon kay David, dalawang beses lang niyang nakita ang ama mula nang iwan silang mag-ina.
Pero apektado pa rin daw siya ng pagpanaw ng ama.
"Pero iba kasi yun, e. Iba kasi yung tama nun sa akin. Ang sa akin lang, masaya lang ako na nagkaroon na kami ng closure at pinatawad ko na rin siya.
"And alam niyo, gumaan talaga yung feeling ko mula noon. Nawala na yung hinanakit na matagal kong dinadala."
Read: Sharon, nagpasalamat sa mga taga-showbiz na sumusuporta kay Kiko
MOTHER'S DAY PLAN
Sa Mother's Day bukas, May 11, ano ang planong gawin ni David?
"Plano kong bisitahin yung mom ko sa libingan. Tapos after that, meron kaming maliit na salu-salu sa Tondo.
"Dasal ko lang, sana andiyan pa rin yung nanay ko na patuloy na gumagabay sa akin.
"At sana proud pa rin siya sa mga kabutihang ginagawa ko para sa mga kababayan namin sa Tondo, sa pamamagitan ng aming advocacy na Damayan sa Distrito Dos."
