Arangkada na ang mga artista sa pagboto ngayong 2025 elections.
Non-working holiday ngayong May 12, 2025, Lunes, para magbigay-daan sa mga botanteng gustong isagawa ang kanilang karapatang pumili ng tingin nila'y karapat-dapat na mga lider sa bansa.
LIST OF CELEBRITIES
SHARON CUNETA
Isa na rito si Sharon Cuneta na kasama ang mister, si senatorial candidate Kiko Pangilinan.
Nagtungo sila sa Inchican Elementary School sa Silang, Cavite, para dun bumoto.

KIM CHIU
May paalala naman si Kim Chiu matapos niyang bumoto.
"Let’s pray for leaders with integrity and compassion—not just for our own sake, but for the good of the entire nation," panawagan ni Kim.
Dagdag niya: "Change doesn’t happen overnight-but it starts with one vote. Yours. VOTE WISELY. Let’s build a stronger nation and pray for good governance."
BONG REVILLA
Nakaboto na rin si senatorial candidate Bong Revilla.
Bumoto siya sa isang covered court sa Bacoor, Cavite, nitong umaga ng Lunes.

LITO LAPID
Sa Porac Elementary School sa Porac, Pampanga, bumoto si Lito Lapid.
Kabubukas pa lang ng polling precinct kaninang 5 A.M. ay naroon na siya.

SHAMCEY SUPSUP
Kasama ni Shamcey Supsup ang mister na si Lloyd Lee nang bumoto sila sa Valle Verde sa Pasig City.
Si Shamcey ay kumakandidato sa pagkakonsehal sa unang distrito ng Pasig City.

DANIEL FERNANDO
Ang Bulacan governor reelectionist na si Daniel Fernando ay nakaboto na sa Tabang Elementary School sa Guiguinto, Bulacan.

ARJO ATAYDE
Si Quezon City First District Representative Arjo Atayde ay bumoto sa UST Angelicum College Gymnasium.
Kasama niyang bumoto ang pinsan na si Gab Atayde, na kumakandidato sa pagkakonsehal.

BELLE MARIANO
Tapos na ring bumoto ang Kapamilya actress na si Belle Mariano.
Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Belle ang kanyang selfie habang nasa loob ng sasakyan at ipinapakita ang daliri niyang may tinta, tanda ng kanyang pagboto.
Kalakip ang caption niyang (published as is), "Your vote shapes the future #Halalan2025! #VoteWisely."
Ayon sa kanyang mga tagasuporta, umuwi pa ng Bataan si Belle para bumoto.

DONNY PANGILINAN
Ang ka-loveteam ni Belle na si Donny Pangilinan ay tapos na ring bumoto sa Inchican Elementary School sa Silang, Cavite
Sa Instagram Stories ni Donny ipinakita niya ang kanyang daliri na may tinta.

REGINE VELASQUEZ AND OGIE ALCASID
Magkasabay namang bumoto ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Sa Instagram post ni Ogie, makikita ang litrato nila ni Regine habang ipinapakita ng dalawa ang kanilang daliri.
May kalakip itong caption na, "Good morning po [Philippine flag and pray sign emoji]."
ANNE CURTIS
Matapos bumoto, hinimok ng It's Showtime host na si Anne Curtis ang publiko na hindi pa nakakaboto na maging wais sa pagpili ng kanilang ihahalal na kandidato.
"Done Voting! Voting is our power to choose who our leaders will be.
"So please research and keep in mind those who truly have a heart for the country and people! Vote wisely!" saad ni Anne sa kanyang Instagram Stories.

VICE GANDA
Bukod kay Anne, nakaboto na rin ang kapwa niya It's Showtime host na si Vice Ganda.

IVANA ALAWI
Kasama ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa pagboto ang inang si Fatima Marbella at nakababatang kapatid na lalaking si Hash Alawi.

JANINE GUTIERREZ
Ipinagmalaki naman ni Janine Gutierrez ang pagiging organisado ng presinto na kanyang pinagbotohanan.
Saad niya sa kanyang Instagram Stories (published as is), "always so organized in my precinct, salamat sa lahat ng nagbabantay sa eleksyon.
"hoping for the best for all of us polls are open until 7!! boto na po."

GABBI GARCIA
Tapos na ring bumoto ang Kapuso actress-TV host na si Gabbi Garcia.

PAULENE LUNA
Bumoto na rin ng maybahay ni Vic "Bossing" Sotto na si Paulene Luna ngayong national election 2025.

ARA MINA AND CRISTINE REYES
Ayon sa ABS-CBN News, bandang tanghali na nang magpunta si Ara Mina sa Santolan Elementary School, sa Pasig City, kasama ang kapatid niyang si Cristine Reyes para bumoto.
Si Ara ay kumakandidato sa pagkakonsehal sa ikalawang distrito ng Pasig City.

YASSI PRESSMAN
Tapos na ring bumoto ang aktres na si Yassi Pressman sa Camarines Sur.
Kasama ni Yassi ang boyfriend niyang si Luigi Villafuerte nang bumoto ito.
Si Luigi ay tumatakbong gobernador ng ikalawang distrito ng Camarines Sur.

(THIS IS A DEVELOPING STORY. KEEP REFRESHING FOR UPDATED LIST.)
