PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Jinggoy Estrada's son reported assaulted in Boracay

Malay PNP refuses to divulge identity of Senator Jinggoy Estrada's son.
by Arniel C. Serato
Published May 24, 2025
Senator Jinggoy Estrada spotted at Malay PNP after news broke out about his son being mauled in Boracay
An unidentified son of Senator Jinggoy Estrada was allegedly assaulted by three 18-year-old residents of Boracay Island, dawn of Saturday, May 24, 2025. All three suspects are now detained at Malay PNP in Aklan, still according to local radio reports.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Si Julian Estrada nga ba ang anak ni Senator Jinggoy Estrada na tinutukoy ng mga balita sa local radio stations na diumano'y nabugbog ng tatlong kabataang lalaki sa Boracay?

Hindi kasi pinangalanan sa ulat kung siya ito.

Pero, kapansin-pansin naman sa Instagram Story ni Julian ngayong araw, Mayo 24, 2025, na meron siyang pinagdaraanan ngayon.

Hindi raw kasi siya makakasama sa Epic, isang party place sa isla, dahil kailangan niyang mag-recover.

May pinagdaraanan daw siya, sa sarili niyang mga salita: "both physically and mentally."

Buong post ni Julian: "To everyone expecting to see me at Epic tonight, I won't be able to make it.

"Got caught in a really unfortunate situation last night and need time to recover, both physically and mentally appreciate all your understanding and support. See you soon"

Julian Estrada Instagram Story May 24, 2025
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julian Estrada admits past relationship with Julia Barretto

LOCAL NEWS REPORT ABOUT SENATOR JINGGOY ESTRADA'S SON

Bandang alas dos ng hapon ngayong Mayo 24, iniulat ng Radyo Todo Aklan 88.5 FM ang tungkol sa nabugbog umanong anak ng mambabatas.

Naaresto raw ang tatlong suspek ng pambubugbog.

Pawang mga 18-anyos daw ang tatlo.

Ayon sa report, nangyari ito bandang alas dos ng madaling araw sa D'Mall, isang sikat na pasyalan sa Station 2 ng Boracay.

Narito ang nakasaad sa buong ulat ng Radyo Todo Aklan 88.5 FM:

"UPDATE: ANAK NI SEN. JINGGOY ESTRADA, BINUGBOG UMANO SA FRONT BEACH SA ISLA NG BORACAY; 3 SUSPEK, ARESTADO

"PINAGSUSUNTOK ng tatlong binata ang anak ni Sen. Jinggoy Estrada at kasama nito sa Station 2 sa isla Boracay bandang alas 2:00 ng madaling araw.

"Batay sa impormasyong nakalap ng Radyo Todo, habang naglalakad ang mga biktima, mula sila sa isang bar patungong D’Mall, nang bigla silang sundan at pinagtulungang suntukin ng tatlong lalaki sa tapat ng isang hotel sa Brgy. Balabag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kinilala ang mga suspek na sina James Carl Vargas y Jason, Dwyne David Mecca y Delos Santos, at Khenjie Sarabia y Dumalaog, parehong 18-anyos at residente ng isla ng Boracay.

"Nilapitan umano ng isa sa mga suspek ang isang biktima at biglang sinuntok.

"Nang umawat ang isa pang biktima, itinulak din siya at inundayan ng suntok ng mga kasamahan ng suspek.

"Agad namang rumesponde ang kapulisan sa lugar at naaresto ang mga suspek.

"Isinugod sa ospital ang isa sa mga biktima para sa agarang medikal na atensyon."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon naman sa ulat ng K5 News FM Kalibo 94.5, dumating daw ang amang senador ng biktima sa Malay PNP Station bandang alas tres ng hapon.

Ayon sa nakasaad sa ulat: "Nasa Malay PNP Station na si Senador Jinggoy Estrada, kung saan kasalukuyang ginaganap ang isang conference kaugnay ng umano'y pambubugbog sa kanyang anak na nagbabakasyon sa isla ng Boracay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Malay PNP hotline, 8:08 PM, ngayong gabi ng Mayo 24, pero sinabi ng nakasagot ng telepono na hindi siya awtorisadong magbigay ng anumang detalye.

Ito ay bagama't naiuulat na ang insidente ng mga local radio stations at wala namang ginagawang pagtanggi ang kapulisan sa report.

LATEST FROM MALAY PNP AS REPORTED BY K5 News FM Kalibo 94.5

Ayon sa pinakahuling ulat ng K5 News FM Kalibo 94.5, nakaalis na raw ng Boracay si Senator Estrada matapos ang conference kasama ng mga kapulisan.

Latest on Senator Jinggoy Estrada son
Photo/s: Courtesy: K5 News FM Kalibo 94.5 on Facebook Facade of the malay police station
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalagay sa buong ulat: "Kinumpirma ng Malay PNP na nakaalis na ng Isla si Senador Jinggoy Estrada matapos ang isang conference, ayon sa insidenteng pagbugbog sa anak nito madaling araw ng Sabado sa tapat ng isang hotel sa Boracay.

"Samantala, nanatiling nasa kustodiya ng kapulisan ang tatlong suspek na parehong mga residente ng nasabing lugar.

"Nagtanggi namang magbigay pa ng karagdagang impormasyon ang awtoridad patungkol sa nangyaring insidente habang wala pang abiso ng National Headquarters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph sa maaring ihayag ng kampo ni Senator Jinggoy Estrada at sa tatlong akusadong nabanggit sa ulat na ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An unidentified son of Senator Jinggoy Estrada was allegedly assaulted by three 18-year-old residents of Boracay Island, dawn of Saturday, May 24, 2025. All three suspects are now detained at Malay PNP in Aklan, still according to local radio reports.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results